CHAPTER 40: BROKEN

431 6 4
                                    

AYINE's POV:

Ang bigat parin ng nararamdaman ko akala ko paggising ko wala na, wala na yung sakit at hirap na nangyari. Nagkamali ako, gusto kong iiyak nalang lahat pero naiisip ko mawawala ba lahat ng sakit sa paraang toh? o maiibabalik ba ng pag-iyak ko yung nakaraan kung saan masaya pa kami?

Dugdug.Dugdug

Tinapos ko ang album na ginagawa ko at tiningnan yun isa-isa until I realize na naging masaya nga kami parehas. Masaya ako kasama si Luke sa New York habang siya naman ay masaya sa piling ni Tam.....

Trix Calling....

"Oh Trix?" sagot ko sa tawag wala na yung ringtone ko noh? para saan pa? baka pati si Pororo madamay pa sa galit ko sa kaniya

At simula din ng nangyari kahapon time to time lahat sila tawag ng tawag sakin even Troy and Ken kahit busy sila sa work ako parin ang inaalala nila kayo I'm very lucky to have them...

"Ok ka na?" napailing ako sa tanong niya pang-ilan na kaya nilang tanong sakin yan?

"Siguro, nasa work ka ba?" I answered narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya ayoko sana silang istorbuhin pero sila mismo ang pilit na nag-aasikaso sakin

"Yup, pauwi narin hihintayin ko rin kasi si Ken susunduin daw ako. Ok ka na talaga ah" sagot niya

"Kahit naman hindi Trix, magiging ok din ako I just need time and spaces. Sige na baka nakakaistorbo---

"Maxine naman, alam kong hindi ka ok alam naming lahat yun, kaya nga kung kailangan sunod-sunod kaming tumawag sayo para icheck ka ok lang"

"Trix hindi naman na kailangan, may mga trabaho kayo at ayoko namang makaistorbo saka daig ko pa ang may sakit niyan" sagot ko

"May sakit ka naman talaga bessy e, sakit sa puso anyways pag nagpakita pa ulit sayo yung walangyang penguin na yan sabihin mo lang sakin mapapatay ko na talaga siya" sambit niya na ikinagulat ko

"Trix--

"Seryoso, nandito lang kami Maxine kung kailangan mo ng masasandalan wag kang mahihiya samin, kung kailangan mo ng iiyakankahit sino samin pwedi, wag mong alalahanin ang work namin dahil mas priority namin ang pagkakaibigan natin" putol niya sakin

Sa lahat talaga ng bagay sila at sila lang ang maasahan mo sabi nga nila A bestfriend is someone who makes you laugh or smile even when you think that you'll never smile or laugh again.....

"Thank you Trix"

"Oh sige na, tawagan mo lang ako o kami kung may kailangan ka ah" bilin niya

"Yes ma'am, Thank you ulit--

"Wag kang mag-thank you bessy, gawain talaga namin yan, gawain yan ng mga kaibigang nagmamahal sayo, sige na babye!" putol niya bago ibaba ang tawag

Napabuntong-hininga ako at saka umayos ng pagkakahiga hanggang sa masagi ng mata ko yung album namin kung saan namin iniipon yung mga good memories namin together...

Kinuha ko iyon at isa-isang tiningnan..para namang isa-isang nagflashback sakin yung mga masasayang araw na magkasama kami

The moment na nanligaw siya, yung pagsagot ko sa kaniya, yung mga supresa niya every monthsary at anniversary namin....

Now, I realize that you don't deserve me, and I don't deserve you...

Then I felt myself crying, sobrang sakit...ang sakit na sa loob ng 7 years naming pagsasama, ay masisira lang sa isang pagkakamali, isang araw na pagkakamali na hindi na maayos pa...

May nagawa ba ako? May pagkukulang ba ko?

Tama na Maxine, tama na, diba nga when you love someone than they deserve surely they will hurt you more than you deserve.. And you need to accept it, you need to accept the fact na hindi kayo para sa isat-isa

Agad kong isinara yun at bumaba para dumkretsong kusina, wala si Rhumzell ngayon nagte-training na siya for work

"Manang..."

"Oh anak ok ka na ba?" nag-aalalang tanong niya, napangiti naman ako ng mapait

"Magiging maayos din po ako Manang" sagot ko at tinulungan siyang maghanda ng makakain namin. Napahinto naman ako ng maramdaman ko yung mga titig niya sakin

"Maxine, walang problemang hindi natin kaya bumangon ka at magsimulang muli, tatandaan mo anak, nandito lang kaming pamilya mo at mga kaibigan mo para sayo"

Agad ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya. I'm so thankful to have a family like them na laging nandyan sa oras na I really need them, sa oras na kailangan namin ng karamay...

MALL:

At dahil ayoko namang magmumok lang sa bahay, I decided to go to our mall and spend time. Gusto kong magrelax at kalimutan nalang ang mga nangyari...

Nakangiti kong binabati pabalik yung mga staff na panay ang bati sakin.. I need to be happy, I deserve to be happy... pero bigla iyong napawi ng madaan ako sa health center..

"Ayine" pagtawag niya sa pangalan ko ng magsimula akong maglakad palayo...

"Ayine please...

Dugdug.Dugdug

"Bumalik ka na doon Kaizer, she needs you, both of them needs you" sambit ko at pilit tinatanggal yung kamay niya na mahigpit na nakahawak sa braso ko

"Pero Ayine--

"Sige na Kaizer, may pupuntahan pa ako" putol ko at hinawi ang kamay niya at nagsimulang maglakad palayo ng muli na naman niyang nakuha yung braso ko

Dugdug.Dugdug

"A-Ano ba Kaizer, nasasaktan ako saka pwedi ba lumayo ka na sakin, tanggapin mo na Kaizer, hindi tayo yung para sa isat-isa" buong lakas kong sambit kahit sobrang hinang-hina nako sa mga titig niya

Unti-unti niya akong binitawan, nagsisimula namang mamuo yung mga luha sa mata ko kaya agad akong tumalikod at muling naglakad palayo ng may sabihin siyang nakapagpahinto sa mundo ko....

"I hope one day you're going to remember me and how much I loved you..then someday you're gonna hate yourself for letting me go"

Unti-unti ako humarap sa kaniya pero nakapasok na pala siya, akala ko mas makakabuting mamasyal muna ako, para makalimutan ko ang lahat ng masasakit na nagyari...

Pero mas masasaktan lang pala ako lalo na yung nakita ko silang magpacheck-up pero ano bang magagawa ko? wala namang kasalanan yung bata doon. Blessing yun, a gift from God and a gift to them...

Agad akong dumiretsong comfort room at doon umiyak ng umiyak ang sakit sakin ng makita sila doon at sobrang sakit yung sinabi niya sakin na paulit-ulit sa isip ko...

'I hope one day you're going to remember me and how much I loved you..then someday you're gonna hate yourself for letting me go'

'I hope one day you're going to remember me and how much I loved you..then someday you're gonna hate yourself for letting me go'

Sino siya para sabihin sakin yun? Ako pa talaga ang magsisi sa huli? Sino kaya samin yung may kasalanan kung bakit sobrang nasasaktan kami ng ganito?

Ipapangako ko sa sarili ko Kaizer, hinding-hindi ako magsisisi sa desisyon kong layuan ka dahil mas pinili ko lang yung dapat.. at kung matandaan ko man ikaw at yung mga pagmamahal mo wala na sakin yun dahil alam ko na ibibigay mo na yun sa mag-ina mo..

Agad kong pinunasan yung luha ko at lumabas ng mall. Ayokong istorbuhin sila Trix dahil kakauwi lang nila galing work pero sana siya hindi siya busy.. dahil siya nalang ang alam kong makakaintindi at makakatulong sakin....

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon