CHAPTER 22: THE DESTINY

301 5 5
                                    

ASH POV

Hi beautiful/handsome readers! Hi Philippines! Hi world! Hi universe! And of course Hi Ms.A! may kasalanan ka pa sakin! pinabayaan mo akong bugbugin ng tatlong babae nung foundation day! salamat ha! salamat sa pagtakwil sakin!

(Ms.A: Walang anuman Ash HAHA!)

"Uy Ash nasabi ko na kay Miya, papunta na daw yung dalawa tara na!" tawag sakin ni Aki kaya mabilis kaming umakyat ng hagdan papuntang third floor nakakapagod ah! wala bang elevator?!

Pagkarating ay agad naming sinilip kung nandoon na si Ayine at Kie at nung makita namin silang busy sa paglibot ng gymnasium ay sabay naming isinara ni Aki yung pinto--

BLAGG!

"Tae bro lock mo na dali!" kinakabahang utos ko napalakas kasi yung sara ko malay ko ba? sorna muntik pa kaming pumalpak kapag nagkataon lagot kami kay Master nito

"Muntik na tayo dun, kapag nagkataon hampas na naman ng gitara ang aabutin natin" sambit ni Aki natawa lang ako at pinapakinggan kung paano nila buksan yung pinto at humingi ng tulong

"Dito muna tayo sa hagdan pre" yaya ko at naunang umupo ng hagdan mga 6pm ko na bubuksan hayaan muna nating magkamoment yung dalawa

Tinabihan ako ni Aki at parehas kaming natahimik alam kong litong-lito na kayo sa mga nangyayari kaya hayaan niyo akong ipaliwanag sa inyo kung ano ang mga nangyayari

"Alam mo ba Ash, ako ang unang nakaalam na may gusto si Kie kay Ayine matagal ko ng alam yun nung inamin sa inyo ni Kie yun" panimula ni Aki napailing naman ako ang daya talaga ng dalawang yun eh silang dalawa lang yung nagkakaintindihan ganun?! taee

"T-Teka paano mo nga pala nalaman?" takang tanong ko samin kasi kaya namin nalaman na may gusto si Kie kay Ayine ay dahil inamin niya samin ni Maxwell, kapatid ni Ayine

Paano namain nakilala si Maxwell? sa bar namin siya nakilala at sa kaniya din namin nakilala si Ayine malay ko bang magkakagusto si Kie doon e ni hindi nga niya nakikita nung mga panahon nun si Ayine sa picture lang pero bago si Ayine nakadalawa na si Luke

Yeah, matagal ng gusto ni Kie si Ayine bago pa maging sila nung Kaizer ay hindi bago pa makilala ni Kaizer si Ayine tagal na diba 5 years na halos

"Sa kwintas ni Kie, malas lang niya kasi nakakabasa ako ng japanese akala ko nga nung una ibang babae e then nung tinanong ko siya ng tinanong inamin na niya sakin" paliwanag na sagot ni Aki irereveal ko na lahat dito sa point of view ko sayang yung opportunity e hehe

Yung kwintas pinagawa yun ni Kie alam ko, at sa hindi inaasahan naiwala niya yun, mahalaga sa kaniya yun dahil nakaukit doon yung first name ni Ayine yung Maxine

"Tapos natakot si Kie nun kay Maxwell diba nga walang talo-talo? kaya ayun kaming dalawa lang nakaalam then nung nakita ni Maxwell yung kwintas ni Kie nalaman niya kaya niya inamin sa inyong dalawa" kwento pa ni Aki nagegets niyo na ba?

"Hindi naman nagalit nun si Maxwell diba? saka takot din naman si Maxwell kay Kie haha!" natatawa kong sagot kaya pati si Aki natawa rin takot kaming lahat kay Kie ikaw ba naman habulin at hampasin ng gitara di ka ba matatakot? sakit kaya nun

"Diba napulot yun ni Ayine nung iniligtas siya ni Kie?" tanong ni Aki tumango naman ako ngayon alam niyo na? Im sure naikwento dito ni Ayine yun at si Kie yung taong sumalo sa kaniya nung muntik na siyang madulas

Ang saklap lang dahil si Kie laging nandyan para saluhin si Ayine, pero ni minsan hindi man lang nagawang saluhin ni Ayine si Kie. Pero hindi ko naman masisisi si Ayine

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now