CHAPTER 42: SACRIFICE

407 6 0
                                    

AYINE's POV:

BAR:

"Manager I miss you" agad kong salubong kay Manager ng makapasok ng office niya at saka siya niyakap. Bakas naman ang gulat kay Manager kaya medyo natawa pa ako sa reaksyon niya

"Manager naman para kang nakakita ng multo, ay mali magandang multo pala" pagbibiro ko sabay tawa

Nagtataka ba kayo kung bakit parang ok na ko ngayon? Well, gusto ko lang maging masaya kahit ngayon gabing lang. Gusto kong makalimutan muna yung mga nangyari

"N-Nagulat lang ako napaaga ka ata 12pm pa lang" sagot niya agad naman akong umupo sa couch niya

"Namiss nga kita, Manager saka ayan pasalubong namin sabi kasi ni Kim nagtatampo ka na samin" sambit ko

"Naku, nag-abala pa kayo pero salamat. Nasaan nga pala si Kie?"

"Nasa bahay pa yun for sure, nauna lang ako dahil gusto kong magpakasaya muna Manager at kalimutan yung mga nangyari" pilit ngiti kong sambit

"Magiging ok ka rin Ayine, tamang-tama yung pinuntahan mo tara kumain muna tayo" sagot ni Manager agad naman akong tumayo at saka siya inakbayan

"Ano bang gusto mong kainin, treat ko" tanong ni Manager na lalo kong ikinangisi

"Kahit ano, Manager basta treat mo" natatawa kong sagot at tuluyang lumabas ng office niya..

Pero biglang naglaho ang mga ngiti ko ng agad bumungad samin ang babaeng dahilan kung bakit ako masasaktan ngayon..

"T-Tam" mahinang tawag ko

"A-Ayine can I talk to you?" agad niyang tanong dahilan para mapatingin ako kay Manager na agad namang tumango sakin

"S-Sure, tara sa table" pang-aaya ko at inalalayan siyang umupo sa isang table

"I-I'm so-sorry Ayine, sana mapatawad mo kami, sana mapatawad---

"It's fine Tam, beside wala naman na tayong magagawa nangyari na" makahulugan kong sagot

Wala naman na talaga ako o kaming magagawa, mapapagod lang kami kung ipipilit pa namin yung isang bagay na malabo ng maayos

"P-Pero A-Ayine sana tulungan moko, ayaw niyang ituloy ang kasal" naiiyak na sambit niya dahilan para mapahinto ako

Dugdug.Dugdug

"K-Kasal? Ah I mean bakit?"

"S-sapat na daw na pananagutan niya kami ng anak ko, dahil ipaglalaban niya daw ikaw pero Ayine sana maintindihan mo ayaw kong lumaki yung anak ko na hindi kami buo--

"Tam wag kang umiyak, makakasama sayo yan at sa baby mo, hayaan mo kakausapin ko siya" buong lakas kong sagot saka tumingala para pigilan ang mga luha kong nagbabadyang tumulo

This is it Maxine, you need to sacrifice para sa magiging pamilya ni Kaizer. Ang sakit lang isipin na ako pa yung gagawa ng paraan para sa kanila ako na yung sinaktan nila. Bakit parang ang unfair?

"S-salamat Ayine, salamat" sambit niya at hinawakan ang kamay ko agad ko iyong binawi at umalis hindi ko na kaya

"M-Manager" tawag ko at agad na yumakap sa kaniya

Ang sakit-sakit, bakit ganun? Gusto ko lang namang maging masaya ngayon bakit hindi niyo pako pagbigyan? Bakit ngayon pa? Bakit ako pa?

"M-Manager bakit ang unfair? ako na nga yung nasaktan, sinaktan ako pa yung dapat magparaya?" umiiyak kong tanong at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko kay Manager

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now