Chapter 33:

7.8K 187 99
                                    

 Dedicated sa niya haha. My childhood friend!;) Karen! Welcome sa wattty world! haha;)

Pabasa na rin yung bago kong story "UYYYY....CRUSH KITA!" See niyo nalang sa  profile ko. Thank youuuuu <3 Salamat pala sa mga nagbasa :))) 

Chapter 33:

Shane POV

Ang sakit sakit lang. Siya ang first love ko..pero ang malas ko. Ang hirap pala kapag ni-reject ka ng mahal mo. Kaytagal kong hinintay na sabihin sa kanya yun. Dapat nga dati ko pa sinabi sa kaniya kung gaano ko siya ka-mahal kaso naduwag ako. Ngayon lang ako naglakas ng loob na masabi sa kanya pero ganito pa pala ang kahihinatnan. 

Jace. Bakit?

Nandito ako ngayon sa ***** Club. Oo, underage pa ako at alam kong hindi pa pwede makapasok dito. Kakilala ko kasi yung anak ng may-ari dito. Isa sa mga naging kaibigan ko bago ako umalis papuntang Amerika. Pinilit ko lang siyang payagan ako kaya naman  nakapasok ako. Hindi niya lang ako masamahan kasi may importante daw siyang lakad.

Ok lang naman sakin eh. Gusto ko rin kasing mapag-isa. Hindi naman talaga ako umiinom kaso narinig ko kasi dati sa mga friends ko sa states na nakakaalis daw ng problema ang alak.  Kaya gusto kong i-try kung totoo nga. Kahit ngayon lang, para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"One more vodka please." yan lagi ko sinasabi sa bartender.

"Miss, mukhang hindi mo na kaya. Lasing kana." sagot naman niya sakin.

"Ano bang paki mo ha? Kaya ko pa. Look, may money ako, may cards pa kaya pakibilisan lang. I want more! " sabi ko sabay pakita ng laman ng wallet ko. 

Umiling-iling lang siya at nagsalin ng alak sa baso ko.

Pero sa totoo lang medyo nahihilo na rin ako. Inaantok na ako. Mabuti pa tawagan ko nalang si Pam. Ayokong malaman ni Ponny. Alam ko pagagalitan ako nun. 

Kaya naman agad kong kinontak ang number nya. Hindi nya alam na kinuha ko kay Ponny ang number nya. 

Nung nakatawag na ako agad naman nyang sinagot at tinanong kung nasan ako, sinabi ko naman. Mabait naman pala si Mr. Bartender. Siya kasi yung pinagtanungan ko. Hindi ko ngaalam  yung pangalan eh. Sakit ng ulo ko. In-end ko na agad yung tawag.  Pupunta na daw siya dito.

*15 minutes..

Tumawag na si  Pam sa cp ko at sabi nya nasa labas na daw siya. Alam ko hindi siya pwedengmakapasok kaya naman tumayo nalang ako. Pa-gewang gewang nga ako ng lakad. 

"Tulungan na kita."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Mr. Bartender. Ngayon ko lang napansin ang cute nya pala. Oh baka dahil lang sa lasing ako?

"Thanks. " sabi ko at inalalayan nya akong maglakad hanggang sa labas.

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon