Chapter 37

1.6K 41 6
                                    

PAM POV


Ngayon nga pala malalaman ni Skye ang resulta ng exam niya. Sana nga nakapasa siya.

"So paano mauna na kami Pam?"  tanong ni May na ngayon ay nag-aayos na ng gamit.

Tumango naman ako sa kanila. "Oo ingat nalang kayo. Alam ko may gagawin pa kayo." sabi ko naman. Hihintayin ko pa kasi Skye.

"Oh siya sige. Goodluck sa date nyo mamaya! Basta ikwento mo nalang sa amin ha!" sabi naman ni April at kumindat sa akin.

Napa-iling naman nalang ako s asinabi niya. "Kayo talaga. Sige bye." kumaway na ako sa kanila.

Tinignan ko naman ang selpon ko ngunit wala pa ring reply sa akin si Skye. 

Nasaan na kaya yun? Kaninang umaga pa siya hindi nagtetext sa akin. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kaniya. Tinignan ko naman ang watch ko alas-sais na.

Alam ko hanggang 5 pm lang ang klase nila. Mabuti pang puntahan ko nalang siya sa klase niya.

Naglakad naman ako sa hallway papunta sa klase niya.

"Pam, hinahanap mo ba si Skye?" napatingin ako sa nagsalita. Si Ram pala, yung tahimik sa barkada niya.

"Ahh oo. Hindi kasi siya ngrereply sa mga text ko." 

"Ganun ba. Hindi siya pumasok ngayon eh." Napakunot ako sa sinabi niya. Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin?

"A-ah hehe oo nga pala nakalimutan ko. Nasabi nga pala niya sa akin kagabi na hindi siya papasok. Sige mauna na ako." Paalam ko.

Nag-aalangan naman itong tumango at umalis na ako.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Nasaan na ba siya? Mabuti pang tawagan ko nalang siya.

The subscriber cannot be reached. Please try again later.

Aish. Ano kayang nangyari? Puntahan ko nalang siguro siya sa bahay niya. Tama. Baka nandun siya.

Nagmadali naman akong lumabas at pumara ng taxi. Agad akong nakarating sa bahay nila.

"Ah kuya nandyan po ba si Skye?" tanong ko sa gwardya nila.

"Maam, wala po eh. Umalis siya kaninang madaling araw hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik." tugon nito.

"Ganun po ba. Sige salamat nalang po."

"Hindi po ba kayo papasok sa loob baka umuwi na siya maya-maya?" 

Umiling naman ako sa guard. "Hindi na po. Dito nalang po ako sa labas maghihintay." 

"Sige po maam."  bumalik na ito sa post niya kanina.

Umupo naman ako  sa gilid ng gate nila. Patuloy pa rin ako sa pagtwag sa selpon niya ngunit wala talaga. Madilim na, wala pa rin siya.

Pasado alas otso na.

"Maam, ok lang  po ba kayo dyan? Ayaw nyo po bang pumasok muna? Dami ng lamok dyan." sabi ni manong guard. 

Napatingin naman ako sa kamay ko na madaming kagat ng lamok. "Di bale nalang ho, Uuwi nalang po siguro ako. Pakisabi nalang kay Skye na dumaan ako." bilin ko sa kaniya.

"Sige po mam. gusto niyo po bang ipangtawag ko kayo ng taxi?" 

Umiling naman ako. "Huwag na po, kaya ko naman po." Ngiti ko sa kaniya.

Hays. Akala ko ba magde-date tayo ngayon kapag nakuha mo na resulta ng exam? Nasaan ka na? Hindi mo man lang sinabi sa akin na hindi ka papasok, ako na girlfriend mo. Maayos naman tayong nagpaalam kagabi hindi ba? 

Wala rin akong natatandaan na may ginawa akong mali. Hindi ko maiwasang mag-alala. Ganito talaga siguro kapag nagmahal ka, hindi ka mapakali.

Walang dumadaan na taxi. Napatingin naman ako sa kalangitan, mukhang uulan pa yata.

Nice. Nakikisama na naman ang ulan sa nararamdaman ko.

Umupo nalang ako sa gilid ng daan at yumuko. "Siguro naman may dahilan siya kung bakit hindi niya nasabi sa akin di ba?" bulong ko sa sarili ko. Tuluyan na ngang umulan.

Naramdaman ko naman na may tumigil na sasakyan sa harapan ko, kaya nag-angat ako ng ulo. Bumaba ang may-ari ng kotse at papunta ito sa direksyon ko. Hindi ko siya makilala dahil sa madilim at umuulan.

Baka si Skye na ito. Sabi ko na hindi ako matitiis nito. Napangiti naman ako at tumayo.

"Skye!" sigaw ko at yumakap sa kaniya. "Saan ka ba nanggaling ha? Kanina pa kita hinihintay." Napahikbi akong habang sinasabi yun. 

"Pam."Natigilan ako ng marining ko ang boses niya. Hindi siya si Skye.

"Jace.." napakagat ako ng labi ko sa pag-aakalang siya si Skye. "I-ikaw pala." sabi ko at pilit na ngumiti.

Inalis niya ang suot niyang coat at isinuot sa akin. "Teka, bakit mo-"

"You need it. Alam kong nilalamig ka na. Tara pumasok ka muna sa kotse." Aya nito sa akin. Parang kakaibang Jace ang nakikita ko ngayon. Napakaseryoso niyang magsalita. Hindi siya katulad ng nakakusap ko na mahilig magbiro at tumawa.

"Pero--" hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa sasakyan niya "Salamat. Baka mabasa ko pa itong sasakyan mo" sabi ko ng nakayuko.

"Huwag mo ng isipin yun. Mas mahalaga ka." napatingin ako sa kaniya. Nakatitig siya sa akin pero iba yung tingin niya na parang nagpipigil.

"Maraming salamat Jace, napakabuti mong kaibigan. Kapag kailangan ko ng tulong lagi kang nandyan." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nakita ko naman na nag-iwas ito ng tingin. "Bakit mo ginawa yun?" tanong nito.

"Ang alin?" nagmamaang-maangan kong tanong.

"Alam mo na kung ano ang tinutukoy ko. Pwede kang magkasakit sa ginawa mo." hinawakan niya ang balikat ko.

"Alam ko nag-aalala ka, pero maayos naman ako see?" sabi ko. Tinaas-baba ko pa ang dalawang kamay ko. 

"Promise mo huwag mo na ulit gagawin yun." 

Tumingin naman ako ng diretso sa kaniya. "Promise." 

"Ano palang ginagawa mo kanina sa bahay nina Skye?" tanong ko.

"Bibisitahin ko lang sana sina Tita at Tito." sabi nito.

"Ganun ba, pwede naman akong maghanap ng taxi. Sorry naabala ka pa." 

"Hindi na, pwede pa naman akong dumalaw bukas. Hindi ko naman kayang iwanan ka mag-isa. Gago talaga yung Skye na yun, pinaghintay ka niya ng ganoon." Madiin na pagkasabi niya. He's clenching his fist. 

Hinawakan ko naman ang kamay niya."Huwag kang magalit sa kaniya. Naniniwala ako na may dahilan siya."

Naramdaman ko naman na medyo tumalima na siya. Tumango naman ito sa kaniya. "Ihahatid na kita sa bahay niyo."

Nginitian ko naman siya. Pinaandar na niya ang sasakyan hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at hinatid hanggang sa labas ng bahay.

"Maraming salamat talaga Jace. Kung wala ka baka hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng taxi." 

"Wala yun. Basta kapag may kailangan ka tawagn mo lang ako. Ako nga si Goku di ba?" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bumalik na siya dati. Yung palangiti, hindi yung katulad kanina na napaka-seryoso.

"Haha ikaw na talaga. Gusto mo bang pumasok muna?" aya ko sa kaniya.

Umiling naman ito. "Hindi na. Sa tingin ko kailangan mo ng magpahinga." Hawak-hawak niya ang magkabilaan kong balikat.

"Ok po Goku!" sabi ko naman.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap. "Ayokong nakikita kang malungkot. Tandaan mo nandito lang ako lagi para sayo." Niyakap ko rin naman siya. 

Lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin. "Alam ko. Masaya ako at bumalik ka." sabi ko naman.

"Pam." 

Napatingin naman ako sa lalaking tumawag sa akin. Kilalang-kilala ko ang boses niya.

"Skye." tugon ko.

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon