Chapter 1:

26.9K 420 36
                                    

 

CHAPTER 1

Ako si Pam Falsis. Top 1 sa class namin. Ang tanging hilig ko lang ay magbasa at panatalihin ang aking ranko. Love? Wala pa sa isip ko yan. Wala pa ako naging boyfriend kahit isa. Malayong malayo at never ako maiinlove kahit kanino. Kasi mas priority ko ang aking pag-aaral. Yun lang. Seryoso ako sa buhay pero may pagka-funny ako. Madaming gustong pumorma sakin kaso, madali rin silang sumuko. Alam kasi nila na wala silang pag-asa. Wala pa ako naging boyfriend kahit isa.

Friends? Yea, i have tons of them! Pero madami rin plastik! Nakikipaglapit lang pag may kailangan. Buti nalang may mga real friends din ako. Yun ay walang iba kundi sina April, May, at June.

"Uy Pam! Teka lang! Hintayin mo naman ako, ang bilis mo maglakad!" sabi ng kaibigan ko na si April.

Nasa  likod ko lamang siya at kasulukuyan kaming naglalakad papunta sa skul.

 "Haha, alam mo naman na gusto kong maaga lagi pumapasok sa skul no!" sabi ko naman.

"Oo syempre alam ko! Kaya nga ang aga ko rin kung magising, para may kasabay ako papunta skul! Alam mo naman! Ayoko magisa!"

"Matagal mo na ngang sinabi yan, oh tara na bilis."

Habang naglalakad ay puro kami kwentuhan! Lagi kami magkasabay niyang si April kasi mga limang bahay lang naman ang layo mula sa bahay namin. Hanggang sa makarating na nga kami sa skul na pinapasukan namin.

Nakita agad namin sina May at  June na magkasama. Mag-nobyo yang dalawa na yan. Actually, si May ang nanligaw kay June! haha. 

Ang galing no? Matagal na kasi may gusto si May kay June, magkababata kasi sila. Pero yun nga, nung una ayaw  ni June, kaso habang tumatagal nahuhulog na rin ang loob nya diyan kay May! Yun na yun sila na agad.

"Nandito na ang mga matatalino sa klase! woooooo! haha."-sabi ni May na naka-thumbs up.

Kaming apat ay nasa top students dito sa skul. Ako ang top 1, si May ang top 2, si June ang top 3 at si April ang pang-apat.

"Party party!" sabi pa ni June habang naka-akabay kay May.

"Oh siya tara na sa klase." aya ko sa kanila.

"Ok po boss!"sabay pa nilang sabi at nagtawanan kaming apat.

Pumasok na kami sa class at umupo. 

Kami palang ang nandito. Kaya naman naghintay pa kami hanggang sa dumating na ibang naming kaklase. Fourth Year students kami dito sa Evergreen High School. 

After 30 minutes.

Unti-unti ng nagsidatingan ang iba pa naming kaklase. At pinakahuli as usual ang aming guro. Haha sanay na kami. Lagi naman ganun eh. Nag-discuss lang siya, hanggang sa matapos na rin.

----

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon