Chapter 24: Text

10.5K 177 45
                                    

Chapter 24:

PAM POV




Natapos na rin yung klase! finally. Kailangan ko ng hanapin yung phone ko eh. Sana naman nandun pa, or kung wala man dun sana may magbalik! Nakakahiya naman kasi kung magpapabili pa ako sa parents ko nun. Sabihin pa na hindi ako nag-iingat sa mga binibigay nila sakin. Alam na rin ng mga friends ko ang tungkol dun. Kanina nga dumiretso na ako dun sa lugar para simulang hanapin kaso hindi ko makita. Pumasok nalang ako sa class baka kasi ma-late. 

"Pam gusto mo samahan ka namin mahanap yung selpon mo?" si May.

"Hindi ok lang. Ako nalang. Alam ko naman may lakad pa kayo ni June eh :))))"

"Pwede naman namin i-cancel--" ngunit pinutol ko na iba pang sasabihin ni May.

"Hay! promise ok lang talaga. Kaya sige, ingats sa date! ^^" sabi ko at tinaas  ko pa yung right hand ko.

"Sige na nga, basta kapag kailangan mo ng tulog, tawagan mo lang kami! Ay wala pala selpon mo haha. I mean basta sumigaw ka nalang! Malay mo marinig ka namin kung nasan man kami haha." sabi ni May habang natatawa. 

"Kung tumawa ka parang wala ng bukas ~.~" si June yan, sabay pitik sa noo ni May.

"Aray ko naman! Sakit nun ah." si May sabay hawak sa noo niya at hinimas.

"Tsss. Yan ok na." hinalikan naman ni June ang noo niya. 

Tapos ayun nagkulitan na sila.

Grabe! Ang sweet ng dalawang ito. Ahahah. Pero bakit all of a sudden nakaramdam ako ng inggit? Dati ok naman sakin ah. Bakit kaya? Parang namiss ko si Skye? Ganito rin kaya kami kapag naging couple? 

Teka nga! Bakit napunta kay Skye>_> Erase muna! 

"Sorry Pam! Heto kasing lalaking ito. Ang kulit!" si May.

"Ako daw. Ikaw yun ~.~" June.

"Haha  ok lang. Cute niyo ngang pagmasdan niyo! So Paano una na ako. Babush!" sabi ko sa kanila at ayun umalis na.

Nagtataka kayo bakit wala si April? Ako rin eh =_=. Hindi ko alam kung saan nagpunta yung babae na yun. Tsktsk. Baka may ka-date na namang gwapo. Kaninang umaga kasabay ko naman siyang pumasok sa skul, kaso nagpaalam na maaga daw siyang uuwi kasi masakit ang ngipin. If I know excuse niya lang yun >_>.

Pagkalabas  ko sa gate. Waaaaaaaa! Bakit  ko ba nakalimutan? May lakad nga pala! >_>

Si Jace pala, ayun nakatayo at nakasandal sa sasakyan niya.

Ang cool niyang tignan in fairness. Pogi *_*

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherWhere stories live. Discover now