Chapter 36

1.6K 41 3
                                    

GAB POV

Aish! Hindi naman niya sinasagot yung tawag! Baka kung ano ng gawin nung babae na yun pag nagkataon.

"Wala pa rin ba tol?" tanong ni Wally ni sa tabi ko.

Umiling lang ako sa kaniya. Kinuha niya ang selpon niya sa bulsa at sinubukang tawagan si Skye ngunit hindi rin nito sinasagot.

"Mukhang ayaw pa-istorbo nun." sabi nito at tinago na ang selpon.

"Oh bakit ganyan ang mga mukha niyong dalawa?" bungad ni Miko. Kadarating lang niya kasama si Michael at Ram. Naupo naman ang mga ito sa sofa at kumuha ng kaniya-kaniyang softdrinks.

"Saan si Skye?" tanong ko.

"Salamat sa pagpansin sa tanong ko!" sabad ni Miko at binato pa ako nung hawak niyang maliit na bola.

"Tsss! Masakit 'yon ah!" sabi sabay himas sa tagiliran ko na natamaan.

"Eh paano kasi yang Gab nasabi sa iba yung sikreto ni Skye! Kaya yan ang laki ng problema niya!" sabi ni Wally.

"Kailan pa?"  tanong ni Ram. Si Michael busy sa paglalaro sa Xbox.

"Nung isang gabi lang." sabi ko at umupo.

"Kanina pa namin hindi ma-contact si Skye eh. Naka off na ata yung phone nun." 

"Hindi mo talaga matatawagan yun kasama si Pam eh." sagot ni Michael habang naka-tingin pa rin ito sa nilalaro nitong Call of Duty.

"Kanino mo pa nasabi? Baka pwede nating pagsabihan yun." 

Napabuntong-hininga na lang ako.

.

Pam POV

"Bakit hindi mo sinasagot yung phone mo? Baka importante yan." napansin ko kasi kanina pa nag-riring.

"Wala ito. Sina Gab lang, baka walang magawa." sabi nito at pinatay ang selpon.

Tumango naman ako sa kaniya. "Siguraduhin mong nakapasa ka ha?" sabi ko  sa kaniya.

"Syempre naman. Galing mong magturo eh." Kumindat pa ito sa akin.  Napangiti nalang ako tinuran nito.

Pinagbuksan niya rin ako ng kotse at sumakay na kami. Napansin ko yung naka-display sa kotse niya.

"Spongebob at Patrick na pillow?" tanong ko. Kinuha ko si Spongebob.

"Oo para kahit hindi tayo magkasama ay nakikita pa rin kita. Di ba nga ikaw si Spambob at ako si Patrick Skye?" sabi pa nito at kinuha si Patrick.

"Sige ikaw na!" sabi ko nalang at napa-iling nalang.

"May pupuntahan tayo." 

"Ha? Hindi ba ang usapan ay kapag nakuha mo na yung result ng exam?" 

"Sure naman ako na pasado kaya tsaka sandali lang naman ito." Nag-puppy eyes pa ito.

"Sige na nga. Kung hindi ka lang cute naku!" sabi ko at pinisil yung cheeks niya. Haha.

Ngumiti naman  ito ng malapad at nag-simula ng magmaneho. 

Now playing: Out of my League by Stephen Speaks

"Hahaha." natawa kaming pareho. 

"Naalala mo pa ba yan?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Yan yung sumakay ako sa kotse mo after kong umamin na..na" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil feeling ko namumula ako kapag naalala ko na naman yun.

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon