Chapter 31:

9.6K 173 47
                                    

Chapter 31

Pam POV

Nandito kami ngayon sa bahay ni Skye. Tawanan nga kami ng tawanan kasi kwento ng kwento si Shane sa naging karanasan niya sa ibang bansa. Nakaupo kami sa sofa at syempre katabi ko si Skye then si Jace at Shane naman sa kabilang sofa. Parang couple seats tuloy haha :))

"Kayo naman magkwento haha. Ikaw Pam paano mo pala nakilala si Jacey?" si Shane.

Tapos ayun kinwento ko naman yung nangyari nung bata kami. 

"Grabe naman pala! Iyakin ka nung bata ka Jacey haha. Cute mo siguro!" si Shane.

"Oo, cute niya nun. Ayaw nga sa lollipop!" sabi ko na natatawa. 

"Haha. Pero atleast napatigil mo ko sa kakaiyak ko nun." si Jace.

"May Goku at Chichi pa kayong nalalaman ha? Haha. Nahanap niyo naman ba yung mga dragon ball? Wahaha!." si shane na ayw tumigil sa kakatawa.

Kami nga rin natatawa eh haha. Napatingin naman ako kay Skye. Ang tahimik lang.

"Ok ka lang ba?" tanong ko.

"Yeah, katabi ko girlfriend ko eh." sabi pa niya at ngumiti sakin then inakbayan ako.

Kinilig ako haha. Sarap pala yung feeling kapag sinabi niya yung salitang "girlfriend ko".  Tapos siya naman ang "boyfriend ko". Feel na feel ko lang haha.

"Ang sweet naman! Baka naman dumami langgam dito! Haha." si Shane. Napangiti naman ako haha. 

"Restroom lang. " sabi naman ni Jace at tumayo na.

"Samahan na kita, para alam mo kung saan hehe." Si Shane.

"Salamat." sabi ni Jace at ngumiti kay Shane. 

Nung tumayo na si Shane tumingin naman siya sakin at nag-thumbs  up! haha. Ako yung kinikilig sa kanilang dalawa eh :))) Napa-iling naman si Skye na nakangiti. Ako na-ok sign kay Shane. then ayun umalis na siya kasama si Jace.

"Sorry nga pala, nag-skip pa tuloy ng class dahil sakin." sabi ni Skye.

"Ok lang yun, ngayon lang naman. Tsaka desisyon ko rin naman yun." sabi ko sa kaniya at ngumiti.

Tapos pinisil niya ang dalawa kong pisngi.

"Sakit nun ah." sabi na himas himas yung pisngi ko.

"Haha. Cute mo kasi." 

"Oo nga pala next week na yung exam. Sabay na tayo mag-aral." sabi ko.

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon