Chapter 26: Jealousy

10.4K 193 57
                                    

Chapter 26:

 Cath POV


Habang naglalakad si Skye palayo sa park ay sinusundan ko siya. Pagkakataon ko na ito :)

Lumapit ako ng konti sa kaniya kung saan makikita niya ako. Nakayuko kasi siya kaya hindi niya ako nakikita.

"Aray! Ang paa ko." sabi ko. Nagkunwari akong natapilok.

Napatingin naman siya sa direksyon ko at agad akong pinuntahan. Kita  ko sa kaniyang mata ang lungkot. 

Wag kang mag-alala..nandito lang ako Skye..

Hinawakan niya ang paa ako at tinignan ito. .

"Ouch." sabi ko.

"Mabuti pa dalhin muna kita sa  kotse ko." 

Tumango naman ako. Kaya ayun binuhat niya ako papunta sa kaniyang kotse. Tinulungan niya akong maupo dun sa hood ng car. Inalis niya ang aking sapatos sa kaliwang paa at sinimulang imasahe.

"Ayan, masakit pa ba?" tanong niya.

Umiling naman ako.

"Hindi na, salamat ha? :)" sabi ko.

"Walang anuman, buti nalang pala at nakita kita."  Awww..sweet niya talaga.

"Oo nga eh, salamat talaga! Gusto kong makabayad sayo :)" ako

"Hindi na kailangan Cath, tsaka kabigan na rin kita." 

"Ano ka ba, basta gusto ko magbayad!  Please?" pagpapakiusap ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga naman siya. 

Pumayag ka na Skye..

"Sige." Ayun! Ang saya ko! :)

Kusang kumilos ang mga kamay ko at nayakap ko siya at kita ko na nabigla siya sa ginawa ko.

"Opps sorry. Masaya lang ako kasi pumayag ka, ayoko kasi na magkaroon ng utang na loob kahit kanino:)" 

"Ok lang^^" Ngumiti naman siya sakin at tumango.

Pero alam ko, pilit lang yung ngiti niyang iyon. Dahil nasasaktan pa rin siya sa nakita niya kanina. Nandito naman ako para pasayahin siya at para makalimutan yung sakit na nararamdaman niya.

Gamit namin yung kotse niya at pumunta kami sa mall at  namasyal dun. Pumunta rin kami sa Funtastic Place at sumakay sa mga rides dun . Nakikita ko naman sa itsura niya na nasisiyahan siya. Pagkatapos ay nag-aya akong pumunta dun sa DJs Karaoke bar. 

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon