Chapter 38

3.5K 75 28
                                    

PAM POV

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Jace?" seryosong sabi ni Skye. Ang talim ng tingin nito sa kaniya.

Lumapit naman ako sa kaniya. "Hinatid lang niya ako dito." sabi ko naman. Hinawalan ko ang kamay niya ngunit iwinaksi niya ito. "Skye?" pagtawag ko sa kaniya ngunit hindi ito natitinag at diretso lang ang tingin kay Jace.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" sabi naman ni Jace. Matalim na rin ang tingin nito sa kaniya.

"Huwag mong ibalik sa akin ng tanong. Akala ko ba ok na tayo? Pinopormahan mo ang girlfriend ko kapag hindi ako nakatingin!" nabigla naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba Skye! Mali ang  iniisip mo. Nakakahiya naman kay Jace." Tumingin naman siya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko. Parang ibang Skye ang nakikita ko ngayon. "Bakit naman nakakahiya? Baka naman nagkakagusto ka na rin sa kaniya?"  Ang diin ng pagkakahawak niya.

"Nasas-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla siyang sinuntok ni Jace sa mukha. Aamba din sana ng suntok ni Skye ngunit napigilan ko siya. "Tama na please." naiiyak kong sabi.

"Nasasaktan na siya sa ginagawa mo hindi mo ba napapansin? Kung hindi mo alam kanina ka pa niya hinihintay sa bahay niy-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil pinigilan ko na siya. "Jace ako na ang bahala. Salamat ulit." sabi ko naman. Kahit na nasasaktan ako sa nangyari ay nagawa ko pa ring ngitian siya.

Tumango naman ito. "Sige Pam." bago siya umalis ay nakita ko pang pinukol niya ng matalim na titig sa Skye na ngayon ay mahinahon na.

Humarap naman ako sa kaniya. "Sorry Pam hindi ko sinasadya." sabi nito. Bakas sa mukha nito ang pagsisisi. "Nagselos lang ako nung makita ko siyang kayakap siya. Hindi ko na-"

"Ssh ok na. Huwag mo ng isipin mo. Pinapatawad na kita, basta huwag mo na ulit ulitin yun ha?" tumingala ako para mamasdan ng mabuti ang mukha niya.

Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "Hindi na talaga maulit." Hinapit naman niya ako sa bewang. " I miss you." sabi pa nito.  Napangiti ako sa sinabi niya. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at bumulong sa tenga ko. "I love you so damn much. I won't let other guys have you, I want you by myself." then we kisse.

Feeling ko nilipad ako ng hangin. Yun na yata yung pinakamatagal na halik na ginawa namin at pinakakakaiba dahil ramdam na ramdam ko sa halik niya ang pagmamahal. 

.

 Nandito na kami ngayon sa bahay.

"Tatawagan na sana kita kanina para sabihin na hindi kita masusundo sa skul dahil kailangan kong sunduin si Shane sa tagaytay kaso may kumuha ng selpon ko. Nakipag-inuman siya sa mga kaibigan niya at ako lang ang maasahan niya." paliwanag nito. Tumango naman ako sa kaniya. "I'm sorry kung naghintay ka ng matagal sa akin. Dapat pa pala akong magpasalamat kay Jace dahil kung hindi dahil sa kaniya baka napano ka na. I'm sorry." patuloy ito sa paghingi ng paumahin sa akin.

"Wag kang mag-alala naiintidihan kita. Kung ako ang nasa kalagayan mo ay gagawin ko rin yan dahil alam kong hindi lang pinsan ang turingan niyo ni Shane, kundi matalik na kaibigan din. Tsaka sigurado din ako na mapapatawad ka ni Jace. Alam ko maiintdihan ka rin niya tulad ko." ngiti ko sa kaniya.

"Salamat Pam, napaka-swerte ko na ikaw ang naging girlfriend ko. I love you so much." sabi nito at hinalikan ang buhok ko.

"Same here." sabi ko naman at niyakap siya.

.

Shane POV

Ang sakit ng ulo ko. Huh? Paano ako nakabalik dito sa bahay nina Pony? Kakagising ko lang at ang huling natatandaan ko ay nakipag-inuman ako sa mga kaibigan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon