Chapter 24.5: Flashback

9.6K 161 60
  • Dedicated kay Kimberly Joy Mallorca
                                    

Chapter 24.5:

 (Jace po yung nasa pic sa right)

Pam POV




Hindi ako nawalan ng pag-asa kaya naman sinimulan ulit namin hanapin ni Jace yung selpon baka kasi makita namin. Baka kasi nagtext na rin si Skye >_>

Pero ganun pa rin, ayaw talaga lumitaw :((((

"Mabuti pa Pam pahinga ka muna. Mukhang pagod ka na oh. Ako nalang ang hahanap." si Jace. Kinuha niya yung panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang pawis sa mukha ko.

"Naks sweet ah! Haha. Hindi mo naman kailangan gawin yan no." sabi ko.

Tapos ayun binulsa niya ulit yung panyo.

"Ok lang nga. Ikaw talaga!" sabi pa niya sabay pisil sa ilong ko. 

Nakakarami na siya ah, kanina pisngi ko pinisil niya ngayon naman ilong >_>

"Ok po tatay! haha." sabi ko.

"Haha. Tatay talaga?" sabi niyang natatawa.

"Sige pahinga muna. Pero syempre ikaw din! Sabay na tayo magpahinga ^^" 

"Ok sige. Dun nalang tayo sa park. Mas makakapagpahinga tayo ng maayos."

"Magandang ideya yan!" nag ok-sign naman ako sa kaniya.

Tapos ayun pumunta nga kami sa park. Nilakad lang namin, kasi malapit lang dito sa skul. Pagkapunta namin ay umupo agad kami dun sa may bench dun. Dami ngang tao ngayon dito. 

Grabe lang, dami ring couples >_>

"Dyan ka muna, bibili lang ako ng maiinom natin. Anong gusto mo? ^^" siya.

"Kahit ano ok lang." sabi ko naman.

Tumango naman siya at umalis na. Tinitignan ko nga siya habang naglalakad. Nakita kong pumunta siya dun sa nagtitinda ng fishball. 

Aba mukhang bibili siya nun? Hindi ko akalain na mahilig pala siya sa ganun >_> 

Kung tutuusin galing siya sa states. Baka may ganyan na binebenta dun haha :P

Tapos pumunta naman siya sa kabilang stall at bumili ng Buko juice. Nung makita kong nakabili na siya ay agad naman akong tumingin sa ibang diresksyon. Syempre baka mahuli na naman niya akong nakatingin no.  :))))))

"Here." sabi niya kaya naman tumingin na rin ako sa kaniya.

Ang bilis maglakad. Kinuha ko naman yung iniabot niya sakin at nilagay sa bench. Umupo naman siya sa tabi ko.

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon