Chapter 35

1.7K 40 6
                                    

 Monday.

Kakatapos lang ng exam namin! Buti naman at natapos kami agad. Kakalabas lang namin sa classroom namin at nag-uusap. After kasi matapos yung exam pwede ng lumabas sa classroom. 

]Nandito kami ngayon ng friends ko nakaupo sa bench.

"Excited na akong makita yung result ng exam!" sabi ni April habang tumitingin sa dala niyang mirror.

"Ako din! Haha. Buti nalang madali lang. Ikaw Pam?" sabi ni May. 

"Hmm. Ok lang." sabi ko sabay kibit-balikat.

Naisip ko tuloy si Skye. Napasa kaya niya? Sana. 

Hindi pa rin siya nag-tetext kaya for sure hindi pa siya tapos.  Naalala ko tuloy nag-promise ako sa kaniya na mag-date kami!

Napangiti nalang ako. Hehe.

"Oy Pam. Ikaw ha! Ano iniisip mo dyan? Share naman! Pangi-ngiti pa oh." Kantyaw sakin ni April.

"Haha. Huwag mo na lang siyang tanungin April. Obvious naman yung sagot! Si Skye iniisip niyan!" si May.

Feeling  ko namula yung pisngi ko. Adik talaga ng mga kaibigan ko. Pero tama naman sila si Skye nasa isip ko! Pero hindi ko aaminin no.

"Hindi ah. May naalala lang ako. Kayo talaga ako na naman ang nakita nyo!" 

"Sus! Deny pa! Tignan mo nga oh namumula ka na!" sabi ni May sabay turo sa pisngi ko.

"Oo nga Pam! Wala namang mawawala kung aamin!" sabi ni April.

Napa-iling nalang ako sa kanila. 

Bigla namang tumunog ang selpon ko kaya nilabas ko sa bag at tinignan kung sino ang tumatawag.

Si Skye.

Agad ko namang sinagot.

Me: Hello?

Skye: Antz! Namiss kita!

Tumingin ako sa mga friends ko at busy silang nagku-kwentuhan. Buti nalang.

Skye: Antz still there?

Me: Uh.. yeah. I miss you too. So kumusta yung exam?

Skye: Ayun ok naman siya. Bukas pa malalaman yung resulta. Pero alam ko naman na napasa ko yun!

Me: Yabang! Haha. Ikaw na matalino!

Skye: Galing kasi ng tutor ko eh.

Me: Sus bola pa. 

Skye: Hindi ah. Saan ka pala? Pupuntahan kita.

Me: Ok fine. Nandito ako sa bench malapit sa classroom ko. 

Skye: Sige punta ako dyan. Tsaka hindi ko nakakalimutan yung date natin!

Me: Oo na. Basta kapag lumabas na yung result.

Skye: Ngayon nalang antz please? Alam ko naman napasa ko na yun eh.

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon