Chapter 29:

9.9K 179 58
                                    

Chapter 29

PAM POV




Bakit niya hinalikan si Skye? Tska ano daw? Ponny! Close ba sila? =.= Gumanti na rin ng yakap si Skye sa kaniya.

"Namiss kita Ponny!"sabi p nung babae.

"Namiss din kita Shane, bakit ngayon ka lang nakauwi?" tanong ni Skye.

Pagkatapos ay pareho na silang kumalas sa pagkakayakap. Hello? Nandito pa ako >.>

Talagang sa harap ko pa nagkumustahan at nag-usap? Napatingin naman ako sa parents niya, nakatingin din sila sakin. Parang nakaramdam tuloy ako ng hiya. Feeling ko extra lang ako dito.

"Alam mo naman masyadong busy! Haha. Anyway, who's she?" tanong nung babae at ininguso pa ako.

"Oo nga pala, ma, dad, and Shane  i want you to meet Pam my girlfriend, Pam, parents ko nga pala at cousin si Shane"  Pagpapakilala ni Skye sabay akbay sakin.

Gulat naman ang itsura nila. Cousin naman pala niya eh. Akala ko pa naman..Pero buti nalang :))) Nakahinga ako ng maluwag dun. 

"Hello iha, nice meeting you! Call me tita Divina from now on. Buti naman at nakita na namin ang girlfriend ng anak ko." sabi nung mama niya sabay hug sakin at  nakihug na rin ako. 

"Sige po t-tita Divina^^" sabi ko. 

"Kaya pala inspired ang anak namin at sumipag na sa pag-aaral. Salamat at dumating ka sa buhay ng anak ko iha. Tawagin mo nalang din akong tito Dave" sabi naman nung dad niya.

"Ikinagagalak ko din po kayong makilala tito Dave. Ang bait niyo po pala ni tita Divina" sabi ko ng nakangiti.

"Mukha ba kaming masungit iha? Haha. Pasensya ka na." Tita Divina.

"Nice to meet you girlfriend ni Ponny! Haha. Buti naman at nagkaroon na rin ng serious girlfriend itong pinsan ko! Akala ko hindi na yan magbabago. Sakto naman pala pagdating ko!" sabi nung cousin niyang si Shane.

"Siya kasi yung tipo ng babae na sineseryoso couz, she's different." sabi naman ni Skye.

Tapos nun ay nagpaalam na mga  magulang ni Skye may gagawin pa daw kasi siya. Yung cousin naman niya heto kasama namin sa sala at kakwentuhan.

"Sige nga, paano ako naging kakaiba?" tanong ko sa kaniya.

"Masungit ka, hindi kita nakuha sa charms ko at pinahiya mo pa ako sa maraming tao. Pero dahil dun, hindi ko napansin na nahuhulog na ala ako sa kaniya." si Skye.

"Hahaha. Ang cheesy mo cousin! Ikaw  ba yan? Pero grabe naman pala! Nagawa  mo yun sa cousin ko? I like you na girl! Apir!" sabi Shane na tumatawa pa. Tapos nag-apir kaming dalawa. Kakakilala nga lang namin ngayon pero close na agad :)))

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon