KABANATA 36

5.8K 119 0
                                    

KABANATA 36

Nilanghap ko ang sariwang hangin, pag labas namin sa NAIA. Nakapikit na dinama ko ang malakas na hangin.
Iba parin ang panahon ng Pinas. Ibang iba sa California.

"Lets go?" Kuya na hinawakan ang siko ko.

Buhat buhat ko si Brian na may dalang laruan nya.

Hindi pa kami nakakalayo may pumarada na sa harap naming SUV. Nang bumukas iyon ay inuluwa ang taong tinakbuan ko sa loob ng tatlong taon.

Kumabog nanaman ang puso ko ng makita sya. Hindi parin nag bago ang tingin ko sakanya.

Lumapit sya, at nakatingin saakin at sa anak.

"Dy!" sigaw ni Brian, lumapit pa lalo si Drake at hinalikan sa pisngi ang anak.

"Hello baby" ngiti nya "Sumakay na kayo, ako na mag papasok ng bagahe nyo sa likod" sabi nya at pinag buksan kami ng pintuan.

Tinulongan sya ni Kuya Blake mag lagay ng gamit sa likod.

Si Kuya ang kasama ko, dahil natatakot daw sya na baka may mangyare nanaman daw, as if naman na hindi ko alam na ang inuwian nya ay si Stella.

Sa unaan sila ni Kuya na upo. Si Drake ang nag maneho.

"Dadaan ba muna tayo sa restaurant para makakain kayo, or sa bahay na?" tanong ni Drake saamim.

"Restaurant tayo, papalitan ko din kasi ng Diaper si Brian."
Sabi ko.

"Okay then" at sinulyapan kaming dalawa.

"Tss" dinig kong sabi ni Kuya Blake.

Nag iwas na lang ako ng tingin, alam kong hindi gusto ni Kuya na umuwi ako ng Pinas. Mainit talaga ang ulo ni Kuya Blake kay Drake.

Nang makapunta kami sa tinutukoy na restaurant ay nag order na silang dalawa, ako naman ay pumunta sa restroom para mapalitan ng diaper si Brian.

"Ang laki ng pwet mo baby" palo ko ng maliit sa pwet nyang maputi Tumawa lang sya.

Habang pinapalitan ko sya ng diaper, narinig kong may papalapit, nag ihangat ko ang tingin ko sa salamin, si Drake na papalapit saamin.

"Need hand?" tanong nya.

"No, I can handle it" sabi ko.

"Britt" dinig kong tawag saakin ni Kuya. "Bilisan mo" inis nyang tawag saakin.

"Tapos na" sabi ko at humarap, si Drake ay nasa likod ko din at pinapanood ako.

Lumapit sya at kinuha saakin si Brian. Hindi ko sya kina usap at pumunta na sa table.

Nakasimangot si Kuya habang nakatingin sa likod ko.
Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Kumain kana. Ako na mag papakain kay Brian" Drake.

"H-hindi na ako na lang-"

"Kumain kana" Drake na nakangiting sinubohan si Brian.

Nang tingnan ko si Kuya, ay tahimik syang nag simulang kumain. Sumabay na lang din ako, minsan napapatingin ako kay Drake dahil natatawa sya sa anak.

Ngayon ko lang syang nakitang ganyan ka saya, kahit si Brian ay natutuwa din.

Hindi talaga may pag kakaila na mag ama sila. Kahit siguro sinong makakita.

Nang matapos kaming kumain ay pumunta na kami sa bahay. Sa bahay naming mag asawa...

"Wala si Manang noon pa, pero kong gusto mong kumuha ng katulong tatawagan ko sya" pag bukas nya ng bahay.

"Sa susunod na araw na lang, hantayin ko muna maging comfortable si Brian sa bahay" at sumunod sakanya.

"May tatlong guest room sa taas" sabi nya kay Kuya.

Ayaw kasi ni Kuyang mahiwalay kami sakanya kaya

dito sya sa bahay mananatili.

Umakyat naman si Kuya dala ang bagahe nya.

Sumunod naman ako, tulog na sa kandongan ko si Brian. Napagod siguro sa byahe, at sakakatawa.

Sa kwarto namin ako tumuloy, hindi ko alam kong saan sya natutulog nitong nag dahang taon, kasi kong titingnan ang paligid ganto na ganto sya nong umalis ako.

Nilatag ko sa kqmq si Brian. At hinarap si Drake na may dalang maleta namin.

"Maliligo lang muna ako, paki bantay si Brian, baka mahulog sa kama" hindi nakatingin sa mga mata nya at kinuha ko ang maleta sakanya at binuksan iyon, kumuha ng gagamitin ko.

"Darating sila Mom, bukas" sabi nya habang nag lalabas ako ng susuotin.

"Hmm"

Wala namang problema kong darating sila. Isa pa napag usapan na nang Pamilya na wag mona makialam saamin ni Drake.

Nang matapos ako maligo ay nakita ko si Drake na tinititigan ang anak. Para bang hindi makapaniwala na nandito na si Brian at katabi na nya.

Nang mag lakad ako ay nilingon nya ako, pero ibinalik din ang tingin sa anak, kaya nag patuloy ako sa paglabpit sa tukador.

"Hindi mo pinagalaw ang kwarto?" tanong ko.

"I did" sagot nya.

"Why?" dahil ba sa iba mona dinadala si Shania? nasaan nga ba si Shania?

"Because you own this room, not me" dahilan nya.

Hinarap ko sya at lumapit sakanila.

"Matutulog na ako" sabi ko para makuha nyang pinapaalis ko sya.

"Sleep then. I want to stare our son" sabi nya.

Napailing na lang ako.

Siguro dahil sa pagod naka tulog na ako. Sa kalagitnaan ng tulog ko ay may kung ano akong naririnig dahilan ng pag dilat ko.

"Kasalanan ko. Its my fault" umiikbi syang sabi.

Nakita ako ni Kuya na nakatingin sakanilang dalawa, nakita kong paano kumuyom ang kamao nya.

"Mahal na mahal ko sya" hindi parin tinatanggal ni Kuya ang tingin ko, habang naka luhod si Drake kay Kuya.

Napahawak ako sa bibig ko, bakit naka luhod sya? Anong iniiyak nya?

"Namatay si Shania, after nang sumunod ako sa NAIA saakin isinisi ang pag kamatay nya." hinawakan nya ang kamay ni Kuya. "wag mong ilayo ang Pamilya ko saakin" at inangat ang tingin nya kay Kuya "Iginalang kong ilayo mo sya saakin, dahil kahit din ako may problemang naka sabit-"

"Britt" tawag ni kuya. Dahilan pag tingin saakin ni Drake na namumula ang ilong.

Tumayo ako at lumapit sakanila.

"Anong nangyayare?" tanong ko.

"Wala" umayos ng tayo si Drake. At nag punas ng luha nya.

"Tss" at bumaba si Kuya, na iwan naman kami ni Drake.

"Matulog kana, sorry nagising kita" paumanhin nya.

"Hindi na, umaga narin naman" at pumunta sa bathroom para mag hilamos.

Tiningnan ko muna ang diaper ni Brian kong puno, bago bumaba.

 I'm tired to loving you ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon