KABANATA 8

5.3K 120 0
                                    

KABANATA 8

Nang maka balik kami sa resort ay alasais na ng gabi.

Nasa kwarto lang ako, habang pinapasa ang kuha sakin ni Drake para makita nila Kuya.

Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyare sa bukid, isang malaking panaginip ang lahat ng iyon. Pag balik namin sa Manila, babalik sa lahat sa date, dahil exam na, at malamang hindi na kami mag kikita pa.

"Britt! kakain na daw" katok ng kaklase ko saakin.

"Bababa na!" sabi ko at inipon ang gamit.

Pag babako ay nakita ko ang nga kasama na kumakain na. Nakita ko si Drake na naka upo ng dikwatro. Iniwas ko ang tingin ko ng tumingin sya sa banda ko. Nang makababa ay na upo na ako.

"Kompleto na tayo" Lider. "Sa mga umuwi kanina, hindi nyo nakita ang isang baryo na napuntahan namin, maswerte ang mga nakakita sakanila. Natutuwa ako dahil.." lumingon saakin, dahilan ng pag lingon ng iba saakin. "Na ang katulad ni Britt ay may pusong maawahin, nakita ko kong paano mo ibinigay ang pagkain mo." tumawa sya ng malakas "kaya tuloy umakyat ng coconut si Drake para lng may makain kayo" sa sinabi ay nag bulongan ang mga tao.

"Sila na kaya?"

"ewan"

"Natutuwa ako sa inyong dalawa dahil nag kaka isa kayo"

napatingin ako kay Drake na ngayon ay naka titig saakin, agad kong ibinaling ang tingin sa pagkain at kumain narin.

"Maswerte kayo dahil naka upo kayo dito sa harapan ng lamesa na puno ng pagkain. Sila? naiisip nyo ba kong anong pagkain meron sila? Baka kamote nga ata kinakain nila araw araw, at isang araw lang iyon ah!" Nakuha ng atensyon ko ang sinabi ng Lider.

"Bakit hindi na lang natin sila bigyan ng kunting salo salo bago tayo umuwi?" sabi ko ng seryuso.

"Pwde!" sabi nya at ngumiti. "Totoo nga ang sabi na kahit mayayaman ay may bait din naman pala" at tumawa sya.

"Nakakapagod umakyat ng bundok!" arte ng isa naming kasama.

"Wag kang sumama" sabi ng lalake na katabi ni Drake.

Nag tawanan ang mga kasama namin.

"Wala akong sinabing hindi ako sasama! sabi ko ang hirap umakyat ng bundok!" sigaw nya.

Nang matapos kumain ay pumunta ako sa garden. Iniisip kong ano pwdeng dalin doon sa bundok.

"Hindi kaba nilalamig?" gulat ako ng tumabi saakin si Drake.

"H-hindi naman" sagot ko.

"Marunong kabang mag diving?" tanong nya, bukas kasi ang diving nang gropo namin.

Tumungo ako "Lagi namin ginagawa iyon nila Kuya" na alala ko ng una kong dive muntik na akong malunod, pero natuto din. "Ikaw?" balik ko sakanyang tanong.

"Yup" sabi nya.

Kunting katahimikan ang namagitan saamin, nakatingin lang ako sa mga bituin

"Ngayon ko nalaman kong gaano ka swerte ang mga katulad natin, nag aaral sa magandang paaralan, nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Samantalang may kapwa tayong walang wala" mahabang linya ko. Tumingin ako sakanya ng nakangiti.
"Kaya dapat i'appreciate natin ang mga binibigay ng magulang natin"

Kinabukasan maaga kaming gumising para sa diving. Nag hilamos lang ako at nag suot ng short na hanggang tuhod at sando na black. Pinahiran kona rin ang sarili ko ng sun glass.

Pag baba ko nag tatawanan ang mga babae, at nag pi'picture na, dala ang maliit na bag ay lumapit ako sakanila.

"Sexy Dan!"

"Salamat! ikaw din!"

Tumingin ako sa mga dala nilang mga nag lalakihang lotion. Napa iling na lang ako, ilang sandali ay kompleto na kami kaya naman pumunta kami sa bangka. Limang bangka ang aming inarkela.

Tuwang tuwa ang mga kasama ko. Ako naman ay inayos ang cellphone ko na ginawa kong kwentas, gusto ko sanang kunan ng picture ang mga makita sa ilalim ng karagatan.

Na una ako pumasok sa bangka, may inabot sila saakin para daw pag mag dive na daw. Ngiting ngiti ako habang inaantay na makasakay ang kasama ko. May tumabi saakin na lalake, nginitian ko naman, at tumungo saakin.

Huling pumasok si Drake, at nag tama ang aming mga mata, ayon nanaman ang kabog ng dibdib ko pag nanjan sya. Iniwas ko ang tingin ko sakanya, lumapit sya saamin, agad naman tumayo ang lalakeng kanina ay katabi ko. Pumalit sakanya si Drake, ang mga mata ng tao sa bangka ay nakatingin saamin.

"Kumain kana ba?" tanong nya saakin.

"Oo" sagot ko.

Ilang sandali ay lumarga na ang bangka papunta sa lahod. Ibinaba ko ang aking kamay sa dagat, humahampas sa kamay ko ang dagat.

"Marunong ka mag diving?" tanong nya ng huminto ang bangka, kanya talon sa dagat ang mga kasama namin.

"Oo naman, ikaw ba?" at tumayo na ako.

"Yup." at inayos narin nya ang kanyang suot sa mukha. Na una akong tumalon at nakita ang mga kasama sa ilalim ng dagat na may tinitignan sila.

Naramdaman kong may tumalon sa likod ko, ng lingonin ko ay si Drake. Iniwan ko sya at pumunta ako sa mga kasama, inilabas ang camera at kinun ng picture. Si Drake ay nasa aking likod, gusto ko sanang tanungin kong bakit sya naka sunod saakin.

Lumangoy ako papalayo ng makita ko ang damihang mga isda, agad kong kinun ng picture bago sila sumabog ng makarating saakin. Nilingon ko kong nasaan si Drake pero nakita ko sya pumailalim, kaya naman sinundan ko sya. May mga shells kaming nakita. Kinunan ko ng picture bago umahon at kumuha ng isa sa mga shells.

Tinanggal ko ang nasa aking bibig. Nang makahinga ako ng maayos ay sya ring pag haon ni Drake.

"Nakakapagod" sabi ko at inangat ko ang aking kamay.

"Pwde tayong mag pahinga sa bangka."

"Hindi na, okay naman ako dito" sabi ko.

Isinubo ang huss sa bibig ko at pumailalim na ulit, sumunod naman si Drake, ilang ikot ako sa dagat, nakikita ang mga isda, tuwang tuwa ako sa nasaksihan. Naramdaman ko na lang na hinila ako ni Drake, lumangoy na sumunod ako, pero na gulat ako ng may makitang napakaliit star fish.

Nag dadamihang star fish, agad kong kinunan ng picture at ang mga iba't ibang uri ng isda.

Nang matapos kami ay bumalik kami para kumain at mag pahinga.

Magkasama kami ni Drake sa bangka kahit sa resort ng kumain kami.

"Oy! kayong dalawa! kayo naba?" napaangat ang tingin ko sa nag tatanong, halos lahat ay nakatingin saamin ni Drake, si Drake naman ay katatapos lang nyang lagyan ang baso ko ng juice.

"H-hindi" ako
"Friends" Drake bigkas naman nya

 I'm tired to loving you ( Completed )Where stories live. Discover now