KABANATA 24

4.9K 97 1
                                    

KABANATA 24

Ilang sandali silang nakatingin saakin bago nag katinginan. Saktong dating din ni Drake.

"Lets go?" tanong nya saakin at kinuha ang mga maleta.

Tumingin mona ako sa dalawang babae at tumungo "Alis na kami" paalam ko

Nang makalayo kami "Tinatanong ka saakin ng dalawang iyon" sabi ko kay Drake

"Huh?" tumingin saakin

"Yong dalawang babae tinatanong ka saakin" ulit ko.

"Hmm?"

"Wala" Nasabi ko pa naman sa dalawang iyon na mag asawa kami, hindi ko naman alam kong ayaw ba ipag sabi ni Drake na mag asawa kami.

Ilang menuto lang kaming nakatayo nang may pumaradang sasakyan saamin. Bumaba ang driver non at tinulongan si Drake na ilagay ang bagahe sa likod at pinag buksan kami.

"Sa Channel hotel tayo tutuloy" sa kalagitnaan ng byahe.

Naka set up na kasi ang mga gagawin namin sa loob ng one week.

Ilang sandali ay dumating din kami sa sinasabi nyang hotel. Nag check in narin kami.

"Ang ganda" bulong ko nang makarating kami sa room namin na kita ang karagatan mula sa may pinto.

Lumapit ako sa glass door at binuksan iyon, nilanghap ko hangin.

"Nice weather" ngiti ko at nakita ang mga tao sa beach na nag sasaya.

"Kung gusto mo pwde tayong bumaba ngayon, kung hindi ka pagod" napalingon ako kay Drake ng sabihin nya iyon habang inaayos ang mga gamit namin.

Lumapit ako sakanya. "Kong pagod ka, pwde naman bukas na lang-"

"Buong byahe ako tulog kaya.." kibit balikat nya. Napangiti ako dahil don.

Nang makapag palit kami ay agad kaming lumabas ni Drake.

"Oh! Dito din kayo?" napalingon kami ni Drake sa nag salita.

"Tingnan mo nga naman oh!" ngiti ng kasama nya, kong hindi ako nag kakamali sya si Cara. "Nasa iisang hotel tayo!"

Ngumiti naman ako.

"Lets go" Yaya ni Drake at hindi sila pinansin.

"Aalis kayo!? hintayin nyo naman kami! wala kasi kaming ka kilala dito. Baka maligaw kami" Cara na lumapit saamin ni Drake at hinawakan ng braso ko. "Please"

Tumingin ako kay Drake na nag tatanong pero blangko parin ang isip nya.

"Sige, pakibilisan ah" ngiti ko.

"Talaga!? Salamat!" at agad syang pumunta sa kasama at pumasok sa room nila, naiwan naman kami ni Drake sa labas.

"Bakit ka pumayag? hindi mo pa sila gaano kilala" naka exis ang mga kamay ng makita ko sya.

"Gaya ng sabi nila wala silang kasama" sabi ko.

Sinamaan nya lang ako ng tingin. Ilang sandali ay lumabas na sila.

"Sorry nag antay pa kayo. Tara na!" yaya ni Cara at lumapit saakin at niyakap ang braso ko. "Sara lets go!" masaya nyang sabi.

"Whatever loser" sabi ni Sara at sumunod saamin.

Nang makababa kami ay nakita sa malapitan ang mga swimming pool na katabi lang din ng dagat.

Kong anong anong palaro ang ginaawa ng bawat swimmer.

"Nga pala marunong kang mag bally boll?" tanong ni Cara saakin.

Umiling ako "You can call me, Britt" sabi ko.

"Okay Britt" ngiti nya at tumingin kay Drake. "Ikaw Drake marunong kaba?" hindi sya sinagot ni Drake. "Marunong ka diba? nakita ko noon iyon sa isang tournament! bakit hindi natin subukan gusto kita makitang mag laro" at hinila nya

si Drake. Nong una ayaw pa sumunod ni Drake tumingin sya saakin na para bang nang hihingi ng tulong. Tinungohan ko lang sya dahilan ng masama nyan tingin nya saakin.

Sinundan ko sila ng tingin kong saan nakipag usap si Cara para makasali silang dalawa ni Drake.

"Pag pasinsayaan mona si Cara, idol talaga kasi nya si Drake, hindi namin alam na may asawa na pala" nakalapit saakin si Sara.

"Okay lang" ngiti ko.

Nanuod lang kami sakanila ng makasali sila. Tawa ng tawa si Cara twing napupunta sakanya ang bolla at ipapasa kay Drake. Si Drake naman ay seryusong nag lalaro.

Nakita ko kong paano mamula si Cara ng muntik nang tumama sa mukha nya ang bolla pero dahil kay Drake ay napigalan iyon.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng selos. Iniwas ko naman ang tingin ko.

"Gusto mo bang mag swimming tayo?" yaya ni Sara, tumungk naman ako, para maibsan ang selos na nararamdaman ko.

Pumunta kami sa kaya naming langoyin.

"Oh may kababayan pala tayo dito!" dinig namin na sigaw ng lalake sa likod namin at napatingin kami ni Sara.

Dalawang lalake na katatapos lang mag dive.

"Hello!" ngiti ng isa.

"Hi" ngiti ni Sara at lumangoy na, sumunod naman ako

"Wait lang miss!" habol ng isa.

Huminto kami ni Sara at tingnan sila.

"Ako nga pala si James, at sya ang kaibigan kong si Kurt" pakilala nya.

"Sara, and Britt" sabi ni Sara.

"Lalangoy lang ako ah" paalam ko at lumangoy na.

"Wait lang Britt" at sumunod saakin. Nang makalayo kami ay tumingin kami sa banda nila James na nakatingin saamin ni Sara. "Tara puntahan natin sila Cara" sabi ni Sara at lumangoy ulit. Kumaway saakin si James samantalang nakatingin saakin si Kurt.

"Grabe nakakatuwa! dapat sinubokan nyo!" ngiti ni Cara. Katabi nya si Sara.

"Hindi kasi ako marunong, next time na lang-"

"Drake bukas iba naman ang subukan natin" Cara.

Hindi sya pinansin ni Drake dahil nag lalagay sya ng pagkain sa plato ko.

"Pagod kaba?" tanong saakin ni Drake. Tumungo ako.

Hindi ako as in napagod kaso gusto kong malayo sya kay Cara dahil iba ang pakiramdam kosa mga kinikilos nya.

"Kumain kana para maka akyat tayo" yaya ni Drake tumungo naman ako.

"Cara kumain kana" Sara. Tumungo naman si Cara ng makita kong nakatingin saamin ni Drake.

Matapos kami ay sabay sabay kaming umkyat.

"Goodnight... Drake" mahinang sabi ni Cara dahilan ng pagtingin ko na nakatingin lang kay Drake na pumasok sa suit namin.

"Goodnight" paalam ko bago sumunod kay Drake.

Na upo ako sa kama nang marinig kong nasa bathroom si Drake. Nag labas narin ako ng masusuot.

Napatingin ako sa malapad na kama, ito ang kauna unahang mag tatabi kami, dahil nong nakaraan hindi sya natulog sa kwarto, siguro dahil parihas kaming mainit ang ulo.

"Maligo kana" nagulat ako ng marinig kong marinig ang boses ni Drake. Pag lingon ko ay nag pupunas sya ng basang buhok.

"O-okay" agad akong pumasok sa bathroo.

Ilang menuto akong naligo bago, humarap sa salamin at tiningnan ang sarili sa salamin.

Hindi naman malaswa ang suot ko, pero dress sya.

 I'm tired to loving you ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon