KABANATA 28

5K 102 0
                                    

KABANATA 28

Nang makarating kami sa palapag ng suit namin ay nasa labas sila Sara, Cara at Kurt.

"Pag may nangyaring masama sakanya-"

"Nandito na sya!" sigaw ni James, sakanila dahilan ng pag tigil ni Sara sa pag sasalita.

"Saan ka galing?" tanong ni Kurt at sinuri ako.

"S-sorry" mahinang sabi ni Cara. Pero hindi ko sya pinansin at nag lakad patungo sa kwarto namin ni Drake.

"Nakita moba si Drake?" sabi ni Kurt saakin.

"Sara, tawagan mo si Drake na nandito na si Britt" sabi ni Cara kay Sara at inabot ang phone nya. "Naka save jan ng number nya" nakatungo nyang sabi.

"Sorry sa pag alala. Gusto ko nang mag pahinga" sabi ko at hinarap silang lahat. "Salamat. Night" at pumasok ako sa loob.

Babalik naman siguro agad agad si Drake, pag natawagan ni Sara.

Dahil siguro sa pagod ko nakatulog ako nang hindi man lang nakapag palit.

Naramdaman ko na may yumakap saakin ng mahigpit dahilan ng pag dilat ko, nakita kong natutulog si Drake nang mahimbing sa tabi ko.

Nakatitig lang ako sa mukha nya. Ang makakapal nyang kilay at ang labi nyang kulay apple at ang matangos nyang ilong.

Ilang sandali ko syang tinitigan at pinakiramdaman ang puso ko.

'Mahal kona nga talaga sya, hindi ko alam kong kailan pa nag simula, siguro nong unang hinangaan ko sya.'

Bumangon ako at naligo at tinakpan ko ang katawan ko nang bathrobe. Papasakit na ang araw pag labas ko ng bathroom. Imbis na mag hanap ng masusuot pumunta ako sa balcony para masilayan ang pag taas ng araw. Nilanghap ko ang sariwang hangin ng karagatan.

Isa sa pinaka magandang tanawin ng Hawaii. Siguro dahil narin sa Isla nato maraming pumupunta bukod sa services nila kundi sa mga tanawin na makikita dito'

Napahinto ako sa pag iisip nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko at nilagay nya ang kanyang baba saaking balikat.

"Morning" Drake na humalik sa pisngi ko "I'm sorry, about last night. Napag taasan tuloy kita ng boses." at humigpit ang yakap nya saakin.

Tumungo lang ako. "O-okay lang" at hinarap ko sya, hindi parin nya tinatanggal ang kamay nya na nalapalibot saakin.

"Sorry, dapat nalaman kona talaga ito nong una" pag susumamo nya "Hindi ko sinasadya" at naramdaman ko ang halik nya sa pisngi ko. "Forgive me. Please?" nanlaki ang mata konang halikan nya ako sa labi

Dilat na dilat ang mata ko, samantalang sya ay nakakunot ang noo habang nakapikit na hinahalikan ako

Napapikit ako at napakapit ako sa braso nya ng kagatin nya labi ko

Bumaba ang halik nya sa leeg ko, dahilan ng pagtingala ko. At naramdaman ko na sinusubukan nyang hubarin saakin ang roba ko

'Ang pag mamahal ko sakanya ay walang hangganan kagaya ng langit at lupa. Kong ang pag mamahal ay nasusukat lang sa tiwala ay masasabi kong ang aking nararamdaman para kay Drake ay isang malalim na pag mamahal, dahil ang tiwala ay hindi ko pa maibigay hanggang sa hindi nya sinusuklian ang pag mamahal ko gaya nang nararamdaman ko sakanya'

Naramdaman ko ang makalambot na kama sa aking likuran habang hinahalikan nya ang leeg ko. Napapikit ako

At sinuklian ang kanyang mga halik.

'Sa umagang ito ibibigay ko sa mahal ko ang aking pinaka iingatan, wala man akong kasiguradohan sa magaganap ngayon, alam kong magiging masaya ako dahil sa taong mahal ko sya ibibigay. At wala akong pagsisisihan.'

Nagising ako nang maramdaman ko ang haplos saaking pisngi, pag dilat ko si Drake ang una kong nakita.

"Morning" ngiti nyang sabi. "You missed your breakfast" tumayo sya at kinuha sa tabi ang tray.

Umupo ako, dahilan ng pag pikit ko, dahil masakit ang mga hita ko. "sore?" tanong nya.

Uminit ang pisngi ko at tumungo.

"I'll help you" at susubuan sana ako nang iniwas ako ang mukha ko.

"K-kaya ko naman" at inagaw ang tray. "I-ikaw kumain kana ba?" Tanong ko.

"No. But I'm not hungry" tumingin sya sa bedstead. "I'll call housekeeper to clean" tukoy nya sa dugo ng kama. Namula ako lalo.

Nag papatunay na nakuha ko ni Drake.

Nang matapos ako ay hirap ako mag lakad ng subukan ko, pero ng magyaya si Drake samaan ako sa bathroom ay agad akong umayos ng tayo.

Matapos kaming mag bihis ay lumabas na kami sa suit.

"Britt!" napatingin kami ni Drake sa tumawag saakin.

"Cara" bati ko, hindi man maganda ang pakiramdam ko sakanya ay binati ko padin, ayaw kong dahil lang sa isang araw ay mag karoon kami ng alitan.

"G-gusto sana kitang maka usap kong okay lang sayo?" at tumingin kay Drake na parabang nag tatanong.

"Sige" sagot ko.

Sinimsim ko ang kapeng inorder. Kaharap ko si Cara.

"Hindi ko alam kong paano mag sisimula." kabado nyang sabi "S-sorry kagabi" nakatingin sya sa mga mata ko. "Noon paman gusto kona si Drake, hindi man kami nasa iisang school naka follow naman ako sakanya mga social media. Habang tumatagal na nakikita ko ang mga picture nya doon, na hulog na ako." at tumungo sya para bang nahihiya saakin. "Kaya nang makasabay kayo sa eroplano, g-gumawa na ako ng plano m-makasama sya-"

"Pero alam mong may asawa na sya" singit ko.

"O-oo nga, I'm really really sorry to you last night. H-hindi ko nakuntrol sarili ko" at lumuha sya "Dahil sa akin nasira ang pag k-kaibigan namin ni Sara" napaiyak sya sa harap ko. "G-galit din ako sa sarili ko dahil ginawa ko iyon" pagsisisi nya. "S-sorry talaga"

"Madali akong mag patawad. isa pa nag mahal ka lang talaga. At sino ba naman ako para hindi ka patawarin. Hindi naman ako diyos." at tumayo na. "Kalimutan na lang natin ang kahapon, enjoy na lang natin ang pananatili natin sa Hawaii, gumawa tayo ng magandang memories." inilahad sakanya ang kamay ko  "Friends?" tanong ko.

Agad syang tumayo at tinanggap ang kamay ko. "Yes, friends. Gusto ko man Idea mo para narin matapatunayan kong nag sisina ako sa nangyare kaso, ngayon ang alis namin ni Cara para pumunta sa Japan" malungkot nyang sabi.

"Babawe na lang ako, pag uwi ko ng pinas" at inabot ang card nya "Tawagan mo ako ah" ngiti nya.

Inabot ko din ang akin. "Tawagan mo na lang ako pag dating mo" ngiti ko.

"Talaga?" tumungo naman ako "Salamat ah! Sorry talaga sa mga sinabi ko about sayo." ngiti nya.

 I'm tired to loving you ( Completed )Onde as histórias ganham vida. Descobre agora