KABANATA 12

5K 110 0
                                    

ABANATA 12

Gulat si Airah sa sinabi ko.

"Sino naman!? It is parental?"

Iisa lang naman siguro ang parental sa pag papakasal sakin kay Drake para lang may salba ang kompanya nila dahil magulang din namin ang may pakana nito.

"Oo, and the groom is Drake" sabi ko sa mga mata nya.

Huminga sya ng malalim bago ako tinignan ng seryuso.

"Alam kona na mangyayare to, narinig ko ang parents ko na nag uusap, dahil sa pag kalugi nila. Na isipan nila na ang malalapitan lang ng mga Smith ay ang Hamset na ngayon ay nangunguna sa bansa" mahabang linya ni Airah. "Kilala ang pamilya nyo kaya." kibit balikat nya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Pero bakit ang bilis ng kasal? may gown kana ba? Saan kayo ikakasal?" sunod nyang tanong.

"Sa west kami ikakasal. My Family and his Family" walang gana kong sabi.

"What? bakit hindi sa-"

"Aalis ng bansa si Drake sa isang araw. Ganun din sila Mommy"

"Kahit na! yong mga kuya mo?"

"Sasama si Kuya Blaze kay Mommy, si Kuya ay maiiwan"

"Anong sabi ng Kuya mo sa kasal?"

Base on sa expression nila kuya, hindi nila gusto ang pagpapakasal kay Drake.

"Hindi ko alam, hindi ko na sila naka usap kahapon pa." malungkot kong sabi.

"Bakit ba pumayag ka? Matalino ka at maganda higit sa lahat mabait, bakit ka pumayag sa deal nato?" tanong nya.

"Malaki na ang naitulong ng mga Smith saamin ng mag simula ang Hamset corp. Gusto ko din makatulong."

"Pinag isipan mo ba ito?" tanong nya.

"Oo naman. Hindi naman ako papayag kong hindi ko pinag isipan ng mabuti" mahina kong sabi.

"Ikaw din, pero bakit bukas na agad? May gown kana bang susuotin?"

Napag usapan na nila Mommy at Tita na kong mahuhulog din daw kami sa isa't isa, maaari daw n ikasal kami sa simbahan.

"Meron na"

Maaga akong umuwi, busy sila Mommy para sa kasal, sila kuya naman ay nakipag deal na sa mga ka negusyo.

Kahit anong isip ko, wala naman masamang pumayag ako, isa pa....

Maaga akong nakatulog, nagising na lang ako ng maramdaman ko ang malambot na palad sa pisngi ko.

"My?" na upo ako. "Morning My" ngiti ko.

"Morning Baby" at hinalikan nya ang pisngi ko.

"Bakit po ang aga nyo?" tanong ko nang lumapit sya saakin at inayos ang buhok ko.

"Na miss ka ni Mommy, baby. Kailan lang nasa tabi kami ng Daddy mo." ngiti nya. "Pero bukas, wala kana sa bahay" malungkot nyang sabi.

"Mommy, bibisita naman po ako sa inyo lagi" at hinilig ko ang ulo ko sa dibdib nya.

"Sorry, kong na iipit ka-"

"My" ngiti ko. "Gusto ko lang suklian ang mga tulong nila saatin ng mag simula ng ang Hamset"

"Even so....You like him?" huli nya sa mga mata ko. Hindi ako kumibo. "You like him.."

"I do, My"

Matagal kona syang gusto. Pero hindi ako pumayag sa kasal dahil sa gusto ko syang mapasaakin talaga, kundi makatulong sakanilang negusyo.

"I can see that, the way you look him, I know" ngiti ni Mommy.

"I bough your gown!" ngiti ni Mommy at hinarap saakin ang naka hanger.

Tumayo ako para pantayan iyon.

"Ang ganda My" ngiti ko.

"Mas gaganda iyan pag sinuot mo"

Siguro ito ang kasal na walang magaganap na party party. Ang gusto lang naman dito ay maging isa ang Hamset at Smith. Iyon lang naman eh.

Pag katapos kong maligo ay nasa labas na ang mag me'make up saakin. Dalawang bakla.

"Nako! nako! lahat ng picture mo dito nakasalamin ka! malabo ba mata mo?" tanong ng bakla pag labas ko.

"Hindi naman masyado" sagot ko at na upo na.

"Ang ganda! kahit walang make up! pero mas gaganda kong may make up ka!" tuwang tuwa nyang sabi.

Nginitian ko sya, at pumikit para simulan na ang make up.

Pag katapos nitong kasal. Ay aalis ng bansa sila Mommy, at one month na lang at ako narin ang hahawak sa Hamset Corp.

Si Drake na kilala ko lang at minsan nang na nag ka gusto sakanya.

Nang pagdilat ko sa salamin ay nakangiti ang bakla saakin mula sa salamin.

"Ang ganda mo!" tuwang tuwa nyang sabi.

Napatingin ako sa sarili, hindi naman masama ang make up saakin. Light lang sya pero sumusigaw ng ganda..

Ngumiti ako, at ang inasikaso naman ng isang bakla ay ang buhok ko.

Walang pagsisisi ang gagawin ko, sa paraang pag papakasal ay ang tulong na na ibigay saamin nong walang wala kami. Kaya ngayon sila naman ang nangangailangan ay kaya ko din mag sakrepisyo para sakanila. Siguro kaya hindi narin nag tanong sila Kuya dahil alam naman nilang ang kasalang ito ay ang utang na loob namin sakanila.

Pag kalabas ko ng kwarto sila kuya ay nasa labas ng aking kwarto. Nakingiti sila, pero ang mga mata nila ay hindi gusto ang mangyayare.

"Beautiful huh" Kuya Blaze na humalik sa akin.

"Thank you, Kuya" Ngiti ko at hinarap ang kuya ko na ang lamig tumingin.

"Kong sasaktan ka nya, mag sabi ka lang saakin" seryuso nyang sabi.

"Kuya Blake, ikaw ang una kong lalapitan pag nangyare iyon" ngiti ko.

"Congrats baby" at niyakap nya ako, tumawa si Kuya Blaze at yumakap din saamin.

"Ang mga kapatid ko talaga oh!" habang nakayapa saamin. "Nanjan na si Drake inahantay ka"

Nang bumitaw ako, at tuwid akong nag lakad papunta sa may hagdan. Ng ibaba ko ang tingin ko ay nakatingala saakin si Drake at ang kanyang parents na naka ngiti. Sila Mommy at Daddy ay maluhaluha ang kanilang mga mata. Nasa likod ko ang dalawa kong kapatid ng bumaba ko.

"The beautiful young lady" Daddy nang salubongin nya ako. Hinalikan nya ang palad ko at humalik sa pisngi ko, napapikit ako ng halikan nya ako sa noo. "I love you Princess"

Hinarap ko si Daddy. "I love you more Daddy" at humalik din sakanya.

"Your so beautiful, Princess" Mommy na niyakap ako at humalik saakin.

"Mana po kay Tiffany" ngiti ko.

"Well kanino pa ba?" tumawa sila. Natigil lang nang lumapit si Drake na nag patigil nang oras ko.

Kinuha ni Daddy ang kamay ko. "Take good care her, Drake" seryusong sabi ni Daddy. Bago ihabot sakanya ang kamay ko.

"Thank you, Tito." Tumungo si Drake, kay Daddy.

Sa araw na ito ay matatali ako sa taong gusto ko pero hindi ko pinangarap na makasal sakanya. Alam ko na pag katapos nito ay hindi na ako dalaga, iba ang buhay may asawa sa dalaga.

 I'm tired to loving you ( Completed )Where stories live. Discover now