KABANATA 5

6.2K 125 0
                                    

KABANATA 5

"Bakit ayaw mong sumama?" tanong ni Kuya Blaze nang nasa haponan kami.

"Mas gusto kong bumisita sa Hamset Corp kuya" subo ko sa pagkain ko.

"You can enjoy your field trip, Sis." ibinaba ko ang kutsara at hinarap sya.

"Ayaw ko kuya" giit ko.

"You don't have a friend?" tumungo ako. "Why?" nag aalala nyang tanong.

"ewan" sagot ko. Nang ihangat ko ang tingin ko kay Kuya ay makikita ang awa nya para saakin. Napa buntong hininga na lang ako.

"Pupunt na ako" tagos sa ilong kong sabi.

"Really huh?" naka taas nyang kilay.

"Oo." sagot ko.

Kinabukasan nag impake na ako ng mga dadalin ko. Isang bag pack lang naman at masasabi kong nandon na lahat ng kailangan ko sa tatlong araw namin.

"Ihahatid kita" dinig kong sabi ni Kuya Blake.

"Mag co-commute na lang ako kuya" giit ko.

"No." at mariin akong tinignan.

Mga 10 daw ang alis bus na sasakyan namin. Kaya mga 9:30 palang ay hinatid na ako ni Kuya.

Nang dumating kami ay nag sisigawan ang mga estudyante. Nang makita si Kuya Blake.

"Ang gwapo talaga!" sigaw nila. Napa iling na lang kami ni Kuya.

"May dala ka bang, emergency kit?" tanong nya.

"Oo kuya"

"Tumawag ka pag karating nyo doon" paalala nya, at sumakay na ako sa bus na nag aantay.

"Sino iyon?" tanong ng mga kaklase ko.

"Kuya ko" at nag hanap ng ma uupohan. Sa dulo ang may bakante. Sa tabi non ay nakatakip na mukha ang nakita ko. Alam kong kanino iyon.

Nag hanap pa ako ng bakante pero wala parin. Nag tataka ako kong bakit nandito sya sa bus namin.

Hinanap ng mata ko si Airah kong sumama ba sya dito sa field trip.

Pero walang Airah akong nakita.

"Ma upo kana Miss Hamset, lalarga na tayo." at kinuha ng kundoktor ang bag ko at itinaas kong saan may bakanteng upohan kay Drake.

"Mayaman eh, kaya kilala" maarteng sabi ng nasa harapan ko. Tignan ko sya pero agad nyang iniba ang tingin nya.

Wala akong choice kundi lumapit kay Drake, kong minamalas naman oh. Tinanggal nya ang panyo sa mukha nya.

"Kanina pa kita inaantay" sabi nya na nag palaglag ng panga ko.

"A-ahh b-bakit?" tanong ko nang ma upo na.

"I don't know" kibit balikat nya. May iilan napapatingin sa gawi namin, pero nanahamik na lang pag napapatingin ako, or si Drake.

"Hindi parin nakaka uwi si Shania?" at ipinatong sa kandongan ko ang isang librong dala ko.

"Yup" agaran nyang sagot.

Napaisip ako sa sinabi nya. Hindi kaya nag papalipas sya saakin? Tumingin sakanya.

"So ako ang gusto mong pumalit sakanya?" agaran kong sabi, ayaw ko iyong ginagawa akong tanga.

"No. Gusto kitang maging kaibigan" mahina nyang sabi sa huli.

Ayaw nya siguro malaman ng mga tao na nakikipag kaibigan sya sa kagaya ko.

"Sorry, pero hindi ko kailangan ng kaibigan" mariin kong sabi.

Walang nag salita saamin, at sinimulan ko nang kumain. Dahil malayo pa ang pupuntahan namin ay nagutom ako, kinuha ko ang bag kong may pagkain. Ayaw ko manbigyan ang kasama ko ay inilahad ko parin sakanya.

Tumingin sya sakin bago kumuha, nang may ngisi.

Sa kalagitnaan ng pag kain ko, nakikidampot narin sya

sa pagkain ko, hindi ko na lang pinansin kaya nag patuloy ako sa pag babasa. Kahit na ang buong atensyon ko ay nasakanya, dahil nararamdaman kong nakatingin sya saakin.

"Bakit?" Hindi parin sya nililingon.

"Nag babasa kaba talaga?" tanong nya. Kaya hinarap ko.

"Oo, at hindi ko alam na ganto ka pala sa mga kaibigan mo" taas kilay kong tanong.

"Now you know." ngisi nya.

Ilang oras na byahe, wala akong ginawa kundi mag basa. Nang ilang sandali ay tinamaan ako ng antok, si Drake naman ay naka hearphone na nakapikit, isinandal ko ang ulo ko sa liko ko. Bago tuloyang makatulog.

Sa gantong tulog masakit talaga sa batuk. Pag dilat ko ay na sandal na ako kay Drake. Agad akong umalis sa pag kakasandal dahilan ng pagdilat nya.

"Malapit na tayo!" sigaw ng kundoktor.

"S-sorry" pahumanhin ko.

Tumitig sya ng ilang sandali bago huminto ang bus. Nag sibabaan na ang ilan saamin. Dahil nasa dulo kami, kami ang huling bababa. Nang maabot ko ang bag ko ay lumabas na ako ng hindi na hinantay si Drake.

Pag baba ko ay nalanghap ko ang sariwang hangin mula sa bundok.

Sumunod ako sa mga kaklase ko. Nilingon ko ang bus ng ilang akbang na ako, nakita ko si Drake na naka sun glasses, hindi ko alam pero mas lalong kumabog ang tibok ng puso, kahit na nang lumingon sya saakin at sumunod. Agad ko naman hinabol ang mga kasama.

Nang makarating kami sa resort at kanya kanyang punta sa room, bawat kwarto ay tatlo or dalawa. Mag katabi ang resort ng boys sa amin.

Dahil wala si Airah, ay ako lang mag isa sa kwarto namin.

Nang maligpit ko ang aking gamit ay bumaba na ako, para makahanap ng makakain.

Tahimik akong kumain, ang iba ay nag tatawanan.

"Dinig ko wala si Shania, kaya alam nyo na" dinig kong sabi ng isa kong kaklase.

"Oo nga!" sigunda naman ng isa. Matapos ako ay iniwan ko sila at nag lakad lakad sa malapit. May mga flower na pinalilibutan ng butterfly, ilang titig ko pa doon.

"Tahimik ka ah" Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig.

"I-ikaw pala" ng makita si Drake.

"Yeah! kumain kana?" tanong nya.

"Oo kanina pa." tumungo sya bago lumapit at nakitingin din sa mga tanim.

"Malabo ba mata mo? bakit lagi kang naka salamin?" sa tinig na iyon walang insultong masasabi.

"H-hindi naman, kaso medyo hirap ako mag basa ng libro pag maliliit na litra lang" sagot ko at lumayo sakanya para mag tingin sa iba.

"Bakit hindi mo ipa check up?" naramdaman kong lumingon sya saakin.

"Nag pa check up na ako" ngiti ko.

"Ano sabi?"

"Hindi naman daw masyadong malala, may gamot naman na ibinigay saakin" ngiti kong sabi at nag pitas ng tanim. "Kong sana ganto sa manila, baka walang baha na nagaganap, diba?" tanong ko.

"Hmm" tungo nya. "Anong uunahin mo bukas?" tanong nya.

Hinati sa dalawa ang team, ang isa ay aakyat ng bundok, at ang iba naman ay mag da-diving sa karagatan.

"Bundok" tumungo sya sa sinabi ko, agad kaming napalinon sa tumawag saamin.

"May meeting daw!" tumungo ako bago na unang pumunta, sumunod naman sya.

 I'm tired to loving you ( Completed )Where stories live. Discover now