KABANATA 19

4.8K 105 0
                                    

KABANATA 19

"Ako ang mag ahatid sakanya" dinig kong sabi ni Drake ng makalabas ako.

Hindi ako kumibo at pumasok na sa sasakyan sa likod. Tumungo si Manong kay Drake.

Pumunta sa driverseat si Drake bago ako sinulyapan sa likod pero iniwas ko lang ang tingin ko.

"Dito ka sa front seat" dinig kong sabi ni Drake.

Hindi parin ako kumibo, ayaw kong makipag usap sakanya. Wala akong lakas makipag talo sa kanya.

Bumuntong hininga sya "Thats, what you want? Fine" at nag simula nang mag maneho.

Mabagal ang andar ng sasakyan. Kaya tinignan ko si Drake na nag mamaneho na mabagal.

"Paki bilisan at baka malate ako sa exam namin" walang emosyon kong sabi. Pero parang wala syang naririnig. "Drake! i said make it fast! may exam ako!" sigaw ko.

"No, till' you eat this" inabot nya saakin ang supot.

"Busog ako" sabi ko.

"I have meeting later, kaya hindi kita masasamahan sa canteen" Sabi nya.

Makikipag kita lang naman ito kay Shania. Hindi ko iyon tinanggap at humarap sa bintana.

Dibale ng malate kaysa makipag talo sakanya. Huminto ang sasakyan sa tabi. Kaya napatingin ako sakanya.

"Kumain ka muna, mamayang gabi pupunta tayo kanila Mom" sabi nya at nilagay nya sa tabi ko ang dala nya bago nag patuloy sa pag mamaneho.

Hindi ko ginalaw iyon kahit na nang mag park sya. Agad akong lumabas, kahit na nang tawagin ako ni Drake, pumunta ako sa room, may iilan nang estudyante, pag upo ko tsaka dumating ang prof namin.

Namimigay na nang test paper.  Nang may mag bulong bulongan.

"Mr. Smith?" napa angat ang tingin ko kay Prof ng bigkasin nya iyon, kasabay ng pag tingin ko sa may pinto nandon si Drake dala ang kanina nyang ibinibigay saakin.

"Morning. I just wanna give it to Mrs. Smith" Drake, na nag patawa sa kaklase ko.

"Ayyiie sweet naman"

"Ako din"

"Class quit!" Sir, nag tawanan padin ang mga babae.

Agad akong tumayo at kinuha iyon sakanya. Nang makuha ko iyon "I'll fetch you, later" paalam nya.

Nag sisimula na ang exam "Opppss! late ako!" napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Airah.

Nag paliwanag sya kay Sir bago na bigyan ng exam. Nakasimangot sya ng ma upo sa likod ko.

Nang matapos ang exam ay hindi na ako naka usap ni Airah dahil nag re'review sya. Ganon din ako, kinain ko sa loob ng room ang dala ni Drake. Tatlong bread crump. At isang gatas.

Hindi ko alam pero may tuwa sa puso kong nadama.

Nang matapos ang exam ay nag abang ako sa labas. Hindi ko alam bakit walang Shania akong naririnig mula kahapon.

Hindi nadin ako nag tanong pa kay Airah, dahil naka tutok sya sa note nya.

Ilang sandali ay dumating ang sasakyan ni Drake. Ang lakas ng kabog ng puso ko ng makitang bumaba sya doon.

Pumunta sya sa harap ko at binuksan ang pintuhan ng frontseat. "Hop in"

Hindi na ako nakipag talo at pumasok na ako sa loob nang sasakyan. 

"Dumaan mona tayo sa bahay, mag papalit ako" tukoy ko sa uniform ko.

Tumungo naman sya. Tahimik kaming nasa loob. Nang makarating kami sa bahay ay agad akong naligo at nag bihis ng maayos. Bago ako bumaba ay tumingin ako sa salamin. Bago ko sinuot ang salamin.

Bago ako makababa ay nakita nasulyapan ko ang kwarto ni Drake. Sinilip ko iyon.

'Malinis ang loob.'

Hindi na ako pumasok doon at agad na bumaba. Nakita kong nanunuod si Drake. Lumingon sya saakin nang seryuso, pinantayan ko naman ang tingin nya.

"Lets go" Anito. Sumunod naman ako.

Dahil isang araw na lang ang exam, naging busy si Kuya Blake sa business dahil gusto nyang maka punta sa graduation ko.

Naka usap kona rin sila My kong makakarating ba sila, kahit alam kong busy sila tinanong ko parin, iba kasi ang feelings na aakyat ka sa stage with your parents.

"After your graduation, we're going to Hawaii" sa gitna nang pag mamaneho nya.

"Business?" Nakatingin ako sa bintana nang tanungin ko sya.

"No. Vacation" Aniya dahilan ng pag tingin ko sakanya.

"Kasama ba ang parents mo?" siguro naman kasama sila.

"No, that's our honeymoon" mas nagulat ako sa sinabi nya.

"What!?" Sa sigaw ko muntik nang mahulog salamin ko.

"You heard, right?" sinulyapan nya ako.

Napayakap ako sa dibdib ko. Hindi ko alam na may Honeymoon pa.

"And last, sa kwarto na ako matutulog"

Marihin kong hinawakan ang kamay ko. Napakagat labi ko.

Natural sa mag asawa ang Honeymoon at ang pag tulog sa iisag kwarto ng mag asawa.
hindi ako kumportable sa sinabi nya, p-paano..

Uminit ang mukha ko sa naisip.

Walang nag salita saamin, hanggang sa makarating kami sa mansion nila.

Nang pumarada iyon ay ilang katulong ang naka habang saamin. Pag labas namin ay sabay sabay yumuko ang mga katulong nila.

Papasok na sana ako ng maramdaman kong hinila ako ni Drake at nilagay sa biwang ko ang kamay nya. Nang ihangat ko ang tingin ko sakanya ay parang natural lang sakanya, ang hindi nya alam. Halos hindi ko maramdaman ang tuhod.

"Ohh, Dear!" sigaw ni Tita mula sa loob. At bumeso sya saakin.

Nginitian ko naman sya. "GoodEvening Tita"

"Where's Dad, Mom?" Drake na ngayon ay ipina ubaya ako sakanyang ina.

"Na una na sa kusina" tawa ni tita bago humarap saakin. "Ang blooming mo ngayon ah!" at iginaya ako papasok.

Nakaahin na ang mga pagkain, kaya don na kami tumuloy.

Nakita kong naka upo na si Tito, kaya lumapit ako bumeso. "GoodEvening Tito" ngiti ko.

"Goodevening hija." ngiti nyo.

Napatingin ako kay Drake nang ipag hila nya ako ng upohan.
Sa simple nyang ginagawa ay nakaramdam ako ng tuwa.

Ngayon malinaw na saakin ang nararamdaman ko.

Na upo ako sa tabi nya.

"Kumusta ang buhay may asawa?" tawa ni Tita.

Kong maaari lang sabihin ang hinanakit para, hindi ko kinikimkim ito.

"We're fine" saakin nakatingin si Drake. Tumungo naman ako at ngumiti sakanyang parents.

"Mabuti naman po Tita-"

"drop that! Mama not Tita. Mama that better than Tita" Nakataas nyang kilay na tanong.

Ngumiti ako "Sorry Ti-Mama"

 I'm tired to loving you ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon