KABANATA 27

4.9K 104 3
                                    

KABANATA 27

"No-"

Hindi natapos ang sasabihin ko nang sunod sunod na ang katok ang narinig namin sa pinto namin.

Agad kong pinunasan ang luha ko bago binuksan ni Drake ang pintuhan.

"D-drake si Cara" hinihingal na sabi ni Sara. "Kanina pa masakit ang tiyan nya, wala akong alam na hospital dito, kayo lamh din ang ka kilala ko dito. Please help her" pag mamakahawa ni Sara.

Lumingon saakin si Drake bago tumungo kay Sara. Sumunod naman ako agad, pag bukas ng pintuan ay narinig na ang pamimilipit ni Cara.

"Ang sakit!!" nakita namin syang nakahiga sa kama at hawak ang tiyan nya. "Ang sakit ng tiyan ko!" sigaw nya ulit.

Lumapit kami. "Nandito na sila" sabi ni Sara.

"Ang sakit" iyak nya.

"May nakain ba syang panis or anything na bawal sakanya?" tanong ni Drake na hinawakan ang tiyan ni Cara.

Hindi ko alam pero nakita ko ang sarili kong tinanggal ang kamay don ni Drake.

"D-dalin na lang natin sya sa hospital" sabi ko.

"Yon nga ang sabi ko sakanya pero ayaw naman nya" Sara

"Grabe ang sakit ng tiyan ko!" sigaw ulit ni Cara.

"Saan masakit-" naputol ang sasabihin ni Drake nang pigilan ko sya ulit hawakan ang tiyan ni Cara.

"W-wag mo syang hawakan" sabi ko.

"Britt don't be stubborn. Titingnan ko lang kong saan masakit. Marunong akong tumingin-"

"Ayaw ko sabing hawakan mo sya!" sigaw ko at napa luha ako.

Si Cara naman ay naiiyak sa kakasakit ng tiyan.

"Britt, sorry pero si Cara, masakit ang tiyan nya" Sara.

Masama akong tiningnan ni Drake bago tumayo at nag hanap ng note. At nag sulat doon.

"Bumili ka ng gamot sa Mercury jan sa tapat ng building" sabay abot saakin ng papel.

Napaiyak na lang ako ng sabutahiin nya ako.

Tinanggap iyon kahit labag sa puso ko.

"Bilisan mo, para maka inom sya kong hindi sya gagaling ay dadalin natin sya sa hospital... kahit na ayaw nya" sabi nya.

Naka tungo akong lumabas at bumaba. Hindi ko makita kong saan ba ako pupunta dahil sa luha ko.

Pinunasan ko ang luha ko at bumalik kong saan ako dumaan kanina. Ilang sandali akong tulala bago nakabili ng gamot.

"Britt!" sigaw sa malayo, napalingon ako at nakita ko si Kurt na nakangiti saakin na papalapit, pero agad ding nawala ang ngiti dahil nakita nya ako umiiyak. "Bakit ka umiiyak? hindi paba kayo okay ng asawa mo?" tanong nya.

"H-hindi. Sige ah! maiiwan na kita" tatakbo na sana ako ng hilain ako ni Kurt.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya.

"Britt!" napalingon kami ni Kurt nang marinig ang boses ni Sara. "Sorry, dahil saamin nag away pa talaga kayo ni Drake" nang makalapit sya saamin.

"Saamin? sino?" tanong ni Kurt.

Pinunasan ko ang kaunting luha ko. "O-okay lang, na lito kasi ako nang bibilan ng gamot kaya natagalan, pabalik na ako" sabi ko at lumakad na.

"Bilisan natin!" nag mamadaling sabi ni Sara. At takbong lakad ang ginawa namin sumama din si Kurt.

"Gusto kita! anong na gustohan mo sa nerd nayon!?" nagulat kami sa sigaw ni Cara nang mabuksan ni Sara ang pintuhan ng suit nila.

Gulat na napatingin saamin si Cara, naka upo si Cara na hawak ang kamay ni

Drake na papaalis na.

Dahan dahan nang hina ang kamay nyang nakahawak kay Drake.

"Cara?" tawag ng ni Sara. "Its that true?" litong tanong ni Sara.

maiyak na tumungo si Cara "Yes!" sigaw nya. At tuloyan nang nabitawan si Drake. "Nag sinungaling akong masakit ang tiyan ko! dahil kasama nanaman nya si Britt-"

Isang sampal ang ibinigay ko sakanya kasabay ng luha ko.

"Britt!" awat ni Drake saakin.

Napahawak si Cara sa mukha nyang sinampal ko. "Asawa ko sya! at wala kang karapatan doon kong mag kasama kami sa kwarto o hindi!"

Umiiyak lang sya. "Bakit ganon! ang nerd! mo, pero asawa mo sya! hindi ko matanggap-" isang sampal ang ibinigay ni Sara.

"Ganyan kana ba ka desperada!? at nagawa mong mag sakit sakitan para lang makasama si Drake, really Cara?"

Napaiyak si Cara sa sinabi ng kaibigan nya. Si Drake naman ay inalayo ako.

"Kaya ba sinundan mo kanina si Drake?" tanong ko pero kay Drake ako nakatingin na ngayon ay nakatingin sa mga mata ko.

"Oo-" hindi kona pinatapos pa at lumabas na sa kwarto nila.

Hinarangan ako ng Kurt nang mapadaan ako sakanya."Saan ka pupunta?" pero hindi ko sya sinagot at tumakbo na.

"Britt!" sigaw ni Drake saakin pero hindi ko sya nilingon at tumakbo ako palabas ng hotel.

Napadpad ako sa mahabang tulay sa may dagat, malayo sa mga taong nag kakasayahan. Doon ako na upo.

'Ganto pala mag mahal? Nakakaselos na makita syang may kasamang iba. Nakakainis na may mga babaeng umaaligid sakanya kahit na alam na nilang may asawa yong tao.'

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa mga bituin. Nakakawala talaga ng sama ng loob ang gabi, mas lalo na sa gantong kagandang tanawin.

'Ito ang unang na inlove ako, masaya at nakakaselos. Masaya dahil pag nanjan sya nabubuhayan ang loob ko, selos dahil maraming may gusto sakanya kahit na alam na may asawa na sya. Alam ko naman na mag tatapos din ito pag uwi namin sa Pinas, dahil babalik na sya sa kababata nya. Ano bang laban ko kay Shania? wala naman.'

"Miss are you okay?" napa angat ang tingin ko sa lalakeng foreigner na hinawakan ang balikat ko, sa gulat ko ay napatayo ako.

"N-no, I'm with my f-friends" sabi ko, aalis na sana ko ng hawakan nya ang kamay ko.

"Might I see your passport?" lahad nya ng kamay. "I'm police officer" at nilabas nya ang kanyang wallet na nag papatunay na police sya.

Agad kinuha ang maliit kong bag at ipinakita ang passport ko.

"I see. Thank you for cooperate Mrs. Smith" at ibinalik saakin ang passport ko bago ako iniwan.

Gusto ko sanang tumambay pa, kaso natatakot akong makita nanaman ng ibang police at baka kong ano pa ang gawin saakin.

Gabing gabi nang bumalik ako sa hotel, sa may entrance nakita ko si James. Aligaga sya sa katingin tingin.

"James!" tawag ko sakanya at agad na lumingon saakin.

"Britt!" tawag nya at lumapit saakin "Kanina kapa namin hinahanap. Saan ka pumunta?" tanong nya.

Hinahanap? Ni Drake ba?

"Nag pahangin lang" paliwanag ko.

"Nag alala kami sayo! kong saan saan kami naka punta para hanapin ka."

 I'm tired to loving you ( Completed )Where stories live. Discover now