KABANATA 17

4.7K 107 0
                                    

KABANATA 17

"Bakit natagalan ka?" salubong saakin ni Drake. "Its already quarter time!" galit nyang sabi.

"Jaan na lang" sagot ko at pumasok na sa loob.

"Don't turn me back!" at hinarap ako gamit ang kamay nya.

Bakit sya ganto? hindi ko naman sya pinakialaman sa pag punta kay Shania ah! Huli lang ako ng uwi ganto na sya?

"Natagalan ako sa library" palusot ko, ayaw kong mag taasan kami ng boses. Umamo medyo ang mukha nya.

"Kumain kana?" bawe nyang tanong.

Hindi siguro sinabi ni Shania ang pag kikita namin.

"Hindi pa ako gutom, mag re'review ako" paakyat na sana ako ng.

"Dadalin ko dito si Shania bukas" hindi ko inahasaan na sasabihin nya iyon. Bakit? Asawa nya ako? pero bakit nya sinasabi ito?

Nilingon ko sya. "Ano bang meron sa inyo?" nasasaktan kong sabi.

"Alam mo kong ano nga ang estados namin" nakatingin sya sa mga mata ko.

"Drake may asawa kana! pero bakit mo ito nagagawa!?" hindi ko napigilan na hindi sumigaw. "Hindi mona ako ginalang, dadalin mo pa sya sa bahay natin!" Dumating si Manang.

"Anong nangyayare?" tanong ni Manang.

Tumulo ang luha ko. "Wala pang isang Linggo, Drakae! isipin mo may puso din ako nasasaktan!" sigaw ko at tuloyan ng pumasok.

Sa loob ng kwarto ako umiiyak. Bakit ba ako na hulog sakanya? pwde naman sa iba, yong kayang suklian ang pag mamahal ko, pero paano ko ipapakitang mahal ko sya?

Anong mahal? hindi pa nga ako sigurado!

Tumayo ako at tinanggal ang salamin ko para punasan ang luha ko.

Hindi ako ang talunan dito. Pinalaki ako nila Mommy na matapang at marunong tumayo sa mga paa.

Pero sa ngayo kailangan ko ng Advice. Kong si Airah ang kakausapin ko magagalit lang iyon, kay Adriano naman ay nakakahiya, baka isipin nya na masyado akong kawawa.

Bumaba ako ng mga alasges.
Walang Drake sa baba. Hating gabi narin kasi.

Pumunta ako sa kusina para mag handa ng kape. Sa gantong paraan nare'relax ako.
Huminga ako ng malalim bago nag pasyag bumalik sa kwarto ko. Sa gantong oras pag sa bahay ako nakikipag kulitan pa saakin si Kuya Blaze sya ang may alam kong may problema ako. Ngayon mag isa na lang ako.

Napaluha ako nang maalala ko ang nakaraan naming mag kakapatid, ni minsan wala akong ikinasama ng loob sakanila, kahit na lagi silang umaalis ng bahay.

Pero bakit ngayon? naiiyak ako, dahil wala sila sa tabi ko. Yong gusto kong maramdaman ang yakap nila saakin. Mas lalo ni si Daddy.

Nakatulogan ko ang iyak ko.
Kinabukasan namamaga ang mata ko. Naligo ako at nag bihis bago bumaba. Nakita ko si Drake na umiinom ng kape nya, naiinis ako dahil kahit galit ako, ang puso ko parin ay parang sirang plaka kong maka kabog.

"Kumain kana Hija" nang mapansin ni Manang na lalabas na ako.

"Sa canteen na lang po, Manang-"

"Kumain ka Britt" Matigas na sabi ni Drake, pero hindi ko sya pinansin at lumabas na ako.

Saktong nasa labas si Manong na naninigarilyo, nang mapansin ako ay itinapon nya iyon.

"Papasok kana ba?" tanong nya. Tumungo naman ako. Nang pag buksan nya ako ay may humila saakin sa likod

At pinag buksan ako ng front seat.

"Ako na po ang hahatid sa asawa ko" gulat ako sa sasakyan. Nang makasakay sya tsaka ako bumalik inis ko.

"Ano satingin mo ang ginagawa mo?" mariin kong sabi.

"Sasamahan kita sa canteen mag breakfast" nang mag maneho sya.

"Balyo kaba!?" Inis kong sabi.

"Ano bang meron at nag kakaganyan ka?" Lito nyang tanong. Mapakla akong tumawa.

Ano daw meron at ganto ako. Nakalimutan nya ba ang sinabi nya saakin kagabi lang.

Gusto ko sanang sabihin, kaso wala naman syang alam sa nararamdaman ko, ni hindi ko nga alam kong tama bang magsama pa kami, kong may mahal syang iba hindi ko sya pipigilan.

Napatigil ako, mas mabuti nang hindi nya alam ang nararamdaman ko.

"W-wala" iwas tingin ko. "Wag mona ako samaan sa canteen, sa library ako kakain" sabi ko.

"I'll go with you" seryuso nyang sabi.

Napatingin ako sa bintana. Gusto siguro nya makita si Shania. Napabuntong hininga na lang ako.

"About last night.." nagulat ako ng banggitin nya iyon. "I'm sorry..." hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. "But I mean it" parang gumuho ang mundo ko  sa sinabi nya. "Shania and I, we already a relationship"

Hindi ko alam kong tama paba ang pag iisip ko. Hindi ako nag salita.

'Mukha akong kawawa pag nag kita kami ni Shania sa susunod.'

"G-ganon ba?" Kailan pa? siguro sa loob ng anim na buwan naming hindi pag kikita.

Napahawak ako nang mahigpit sa bag ko.

"Kailan pa?" nahihirapan kong sabi.

"After I graduate" sabi nya.

Tumungo naman ako sa sinabi nya, pero bakit hindi na lang si Shania ang pinakasalan nya? mayaman naman din sila ah.

Walang nag salita saamin, nang makarating kami sa school ay sinamahan nya ako sa canteen halos lahat ng nakatingin saamin.

"H-hindi kaba natatakot na makita tayo ni Shania?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain.

Uminom sya ng juice. "Alam naman nya" Napa tungo na lang ako.

Nang matapos kami sa canteen ay umalis na sya.

"Anong eksina yong nasa canteen!?" Airah mula sa pintohan ng room. Nang makalapit sya. "Ayyyiiee. may goodnews ba? ah?" tanong nya.

Iniwas ko ang tingin ko.

"Wala" sagot ko at nag simula ng mag basa.

"Wee? hindi ako naniniwala sayo! bakit nasa canteen kayo!?" pilit nya.

Hindi sya nangulit ng pumasok ang prof namin, nakahinga ako ng maluwag dahil don.

Gusto ko sanang sabihin kay Airah, kaso baka mamaya mag freak out nanaman sya, kong ano ano ang sinasabi.

Habang nasa room ako, ang nasa isip ko lang ay sila Drake at Shania. Kong matagal na sila, bakit hindi sila ang nag pakasal, kong tutuosin mayaman din sila, hindi man gaya ng amin, alam kong makakatulong din sila Shania sa mga Smith.

"Britt! may nag hahanap sayo!" Sigaw nang kaklase ko nang inaayos ko ang gamit ko dahil uwian na.

"Sino naman?" Si Airah at sabay kaming lumbas sa room.

"Terrence?" Airah, nang makita ang nasa labas.

"Kilala mo sya?" tanong ko kay Airah. Tumungo sya habang nakatingin padin kay Terrence na ngayon ay nakatingin saakin.

"Can we talk?" tanong ni Terrence saakin.

 I'm tired to loving you ( Completed )Where stories live. Discover now