KABANATA 7

5.5K 128 1
                                    

KABANATA 7

Nang makuha ko ang camera ay kinuha ko ang bag pack ko sa lapag, at agad na umalis.

"Saan ka pupunta?" nasunod nyang sabi.

"Wala mag papahanigin lang sana ako" Iniwas ko ang kamay nya na hahawak sana sa braso ko.

Ayaw kong sabihin ang nakita ko, una sa lahat hindi ko naman nilalandi si Drake, pwde nyang sabihin iyon kay Shania pag balik namin. Pangalawa bakit ako lalayo? baka isipin pa nito iniiwasan ko sya dahil gusto ko sya?

Gusto ko nga sya, inaamin ko. Sino ba naman ang hindi? mas lalo na't lapit sya ng lapit saakin, alam kong wala lang naman sakanya ang paglapit saakin, pero ang hindi nya alam may kaba syang ibinibigay saakin na kahit noon pa ay hindi ko naramdaman.

Nang makahanap ako ng ma uupohan ay na upo din sya sa tabi ko.

Pinapaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay, sa pag tingin ko sa mga kasama namin ay nasaamin na ang atensyon ng iba. Pag na uhuli ko naman ang tingin nila ay iniiwas nila ang mata nila saakin.

"water" humarang sa mukha ko ang isang mineral water.

"I have" sabi ko at hinawi ang kamay nya, ng dumapo ang kamay ko sakanya ay kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Napatingin ako sakanya. Nakita ko ang pawis sa noo nya. Gusto ko sanang punasan, kaso ayaw kong makarinig nanaman.

"May pawis ka" iwas tingin kong sabi.

Agad naman may kinuha syang panyo sa bag nya at pinunasan.

Nang ilang sandali ay bumalik kami sa mga kasama namin dahil may sinasabi ang aming lider. May malapit na bukid ang pupuntahan, pero kinakailangan mona daw tumawid sa munting ilog.

"Yong ayaw sumama, ihahatid ng ating kasama sa resort, medyo mahirap ang isang bukid na pupuntaan"

Nag kanya kanya sila. Yong iba ay babalik daw ng Resort. Lumapit ako sa lider.

"Drake sasama kaba?" tanong ng Lider"

"Yeah" at lumapit sya saakin. "aren't you tired?" tanong nya.

"No. Bumalik ka na lang sa resort nyo kong pagod kana" sabi ko at sumunod na sa lider dahil tutulak na kami.
Napansin kong ilan lang kami.

"I'm not" giit nya at naramdaman kona sumunod nadin sya.

Sa pag lalakad namin ay nakaka relax dahil sa tanawin na makikita mo.

Napahinto kami sa nakitang malapad na ilog. Ang iba ay itinataas ang pans, ang iba ay nag inuubad ang sapatos.

Ibinaba ko ang bag ko at itinaas ang pans ko hanggang tuhod.

"Use this" isang tsenilas ang inabot saakin ni Drake. Wala akong dalang tsenilas-

"I bought two slipper anyway" sabi nya.

"Salamat" nahihiya kong sabi bago kinuha, na upo ako sa sanga para ubadin ang sapatos ko.

"I'll carry this" nagulat ako ng kunin ni Drake ang bag ko.

"A-ako na" sabi ko at agarang tumayo.

"Maragas ang tubig baka mahirapan ka" sabi nya.

Napatingin ako sa tubig, hanggang tuhod ang tubig.

"Pero kaya ko naman" Pag pupumilit ko.

"Kaya ko din"

"Tapos na ba lahat!?" sigaw ng lider, napatingin kaming dalawa sakanya.

At lahat kami ay sumulong na. Malubak lubak, nag lalakihang bato, kaya masakit sa paa. Nasa tabi ko si Drake, nakatingin sya saakin ng tingnan ko sya. Kumabog ang puso ko dahil doon.

"Kaya mo pa ba?"

Tumungo ako bago, at nag patuloy sa pag lalakad.

Napatili ako ng muntik na akong matalisod, pero agad na inalalayan ako ni Drake, naramdaman ko ang kamay nya sa biwang ko.

"Are you alright?" Seryuso nyang sabi.

"O-oo" at umayos na ako ng tayo.

"Okay lang ba kayo jan!?" sigaw ng lider na nasa unahan na.

"Yeah!" sagot ni Drake. At hinawakan nya ang kamay ko bago nag unang maglakad, gulat ako sa ginawa nya.

Nakita ko na lang ang sarili ko na sumunod sakanya, nakatingin sa likod nya.

Mabait naman pala si Drake, siguro masyado lang mapang husga ang mga tao. Na sinasabing ganto sya. Ganyan sya. Isa lang ang alam ko, mabait sya kahit fuck boy sya.

Nang makahahon kami sa ilog ay, may nakita kaming baryo. Maliit na baryo, kong saan hindi naabotan ng bayan.

Nakatingin saamin ang mga tao. Pero ang lider nami  ay iginaya kami sa munting barngay nila para mag pahinga.

May mga batang nakatingin saakin, kong sana nag dala ako ng pagkain para mabigyan sila. Pero na alala ko mayron pala akong isang supot.

Pag labas ko ay nakita ko si Drake na nakikipag usap sa mga batang lalake. Lumingon sya sa banda ko. Dahilan ng nararamdaman kong kaba. Kahit sa malayo ay kita ang kulay abu nyang mata.

Tumayo sya at sumunod saakin nang lapitan ko ang mga bata na kanina pa nakatingin sa loob.

Na upo ako para pantayan sila. At inabot sakanila ang dala ko.

"Masarap iyan" sabi ko nang nakangiti, isa isa ko silang inabotan, yong nabibigyan ko ay kumakaripas ng takbo.

"Salamat Ate!" Sabi nila.

"Maganda sana kong nakapag dala tayo ng pagkain para dito" sabi ko ng hindi nililingon si Drake. "Nakakaawang isipin na may ilan saatin ang hindi na aabotan ng tulong ng governor" at tumingin sakanya kahit may kaba sa dibdib. "Maswerte tayo dahil dahil ganto tayo, pero wag sana nating abusohin ang yaman nang pamilya, maganda sana kong kahit minsan isipin natin na may mga kapwa tayo na isang subo lang sa kakanin, samantalang tayo, may katulong na lahat lahat nagagawa pang mag waldas ng pera" mahabang sabi ko.

Nakita ko sa mga mata nya ang kislap, at inis at awa.

Ilang sandaling pamimigay ko ay nag pasyang mag patuloy kami sa pupuntahan.

Nag kanya kanyang kain ang mga kasama namin ng mag alastres na. Dahil naipamigay ko ang pagkain ko ay naka upo lang ako habang umiinom.

"Nasaan si Mr. Smith?" Tanong ng lider, doon ko lang napansin na wala si Drake.

"Ayon Sir oh!" turo sa may dulo, napalingon kami.

"Saan mo yan kinuha?" tanong ng Lider ng makitang may bitbit si Drake na buko.

"Jaan lang" sabi nya at pumunta saakin. Kumabog nanaman ang puso ko ng makitang ilatag nya iyon sa harapan ko.

"Ito mona kainin mo, na ibigay ko din kasi sa mga bata ang pagkain ko kanina" mas nagulat ako ng buksan nya sa harapan ko iyon, gamit ang bato ay nabuksan iyon. At inabot saakin. Uminit ang puso ko sa ginawa nya.

"Hoy! pahingi din kami!" sigaw ng kasama namin.

"Kuha din tayo!"

"Tara!" umalis na ang iba saamin para kumuha ng buko.

"S-salamat" sabi ko at kinuha ang ibinibigay nya.

 I'm tired to loving you ( Completed )Where stories live. Discover now