HG43. Inexplicable

54.7K 928 190
                                    

Chapter Forty Three

"Sir," tawag ni Aissa. HIndi ko siya nilingon. "may mga kailangan po kayong pirmahan." Tumango lang ako. Nakatingin pa rin ako sa malaking bintana ng opisina ko. Hindi ko alam kung anong oras na, basta sigurado akong maggagabi na kasi bumababa na ang araw.

"Sir, andito na po yung driver niyo." sabi ulit ni Aissa. Bakas sa boses niya na kinakabahan siya. I can imagine how her hands are shaking while she's looking down at the floor.

Tumango lang ulit ako.

"Sir," sabi niya ulit. By this time, naiirita na ako sa kanya, kaya liningon ko na siya.

"Sir, phone call po." sabi niya. Tinignan ko lang sya, na parang tinatanong kung sino yung tumatawag. "Si Ma'am Karla po."

Binalik ko ang atensyon ko sa bintana, sa mga gusaling malapit sa opisina ko, sa mga ulap at sa kalangitang ngayo'y dumudilim na.

"Sinabi ko po sir na may kausap kayo, alam ko kasing wala kayo sa mood ngayon." ani niya.

Bumalot sa amin ang katahimikan. I blinked, maybe once or twice, bago siya nagsalita ulit. "Wala po ba kayong ipapacancel na meeting bukas sir?"

This time, I'm furious. Ano bang akala ng buong mundo sa akin? Lampa? Nakakagalaw pa naman ako sa pagkakaalam ko. Hindi pa naman ako baldado.

I looked at her, at alam niyang galit na ako.

"Bakit naman ako magpapacancel ng meeting?" I asked her. Napalunok si Aissa, siguro dahil ito ang unang beses na kinausap ko siya simula kaninang umaga. "Pati ba naman ikaw Aissa?"

"Sir, kasi p-"

"Oh, don't 'sir, kasi po' me!" I screamed as I turned my seat to face her. "Alam ko! Naaawa ka rin sa akin no? I don't want your pity, my mom's pity and anyone in this fucking world's pity!"

"Sir, nag-aal-"

"I don't need your concern!" I spat. "Or anyone's concern. I'm fully functioning, walang mali sa akin. Stop acting as if I can't do anything at all!" This time, I stood up and picked the folders of papers she brought to me this morning.

"And this?" I lifted it. "I don't need you doing any work na ako dapat ang gumagawa. Anong tingin mo sa sarili mo? Sobrang talino mo at kaya mong gawin ang trabaho ng CEO?!"

She cringed with my words. Tears were now brimming at the edge of her eyes and she was shaking. "Sir, kasi po sabi ni Ma'am Karla tu-"

"Screw whatever she said!" I screamed. "I'm the one paying you, not her!"

Bago pa man tumulo ang naipong luha sa gilid ng mga mata niya, pinunasan na niya agad ito. "Sige sir, mauuna na ako." Her voice cracked at the end as she sniffed and picked the papers from the floor.

"No," I stopped her. "ako ang pupulot at mag-aayos niyan. I don't need your help."

She quickly stood up and nodded before walking towards the door. "Aissa," I called her, she barely turned around. "I don't need your help, concern or pity. Wag mong sundin kung ano man ang utos ng nanay ko sayo."

She nodded and walked out.

The moment she was out of the door, bumagsak agad ang katawan ko sa swivel chair.

Me being furious and strong was just an act.

You wanna know the truth?

Masakit ang buong katawan ko. I feel so numb, hindi ko alam kung paano gumalaw nang hindi ako mamimilipit sa sakit. Wala akong lakas para magsulat o kahit mag-isip man lang. Nahihirapan pa nga akong buhatin ang sarili kong ulo, naninikip ang dibdib ko at nangangalay ang buong katawan ko.

Heartbreak GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon