Abot Langit na Pag-ibig

7.6K 46 2
                                    

Hello everyone!!!

Another story na gumugulo na naman sa aking imagination.

I just want to share it with you guys!!! 


Teaser:


Si Estrella, isa sa pinakamagagandang dilag sa bayan ng Motenegro sa Laguna. Taglay niya ang kagandahang hahalina sa mga kakalakihan na naninirahan sa bayan ding iyon. 

Ngunit isa lamang anak ng magsasaka nsi Estrella, na nagsisilbi sa Hacienda Rodriguez na pag-aari ni Don Arnulfo Rodriguez at ang esposa nitong si Donya Emilia Rodriguez.

Bagamat labag sa kalooban ng kanyang mga magulang, hindi na din napigilan ng mga ito ang anak na mamasukan bilang katulong sa mismong mansyon ng mga Rodriguez upang makaipon at ng pera pang aral sa isa sa mga sikat ng Unibersidad sa Maynila para mapansin at maipagmalaki naman siya ng lalaking itinatangi....

Si Miguel Arnulfo Rodriguez, and kaisa isang tagapag mana ng mga Rodriguez, taglay ang kagwapuhang hindi kayang tanggihan ng mga kababaihan. Mapaglaro, at ayaw ng kahit na anong seryosong relasyon at pananagutan. Ngunit sa kabila ng pagiging babaero ay isan siyang mapagmahal ay masunuring anak sa kanyang mga magulang. 

Dahil sa pagiging mapaglaro ay hindi niya naiwasang hindi mapansin ang kagandahan ng bago nilang katulong na si Estrella. Mga titig na tila tutunawa sa dalaga. Ipinangako niya sa sariling mahuhulog din ito sa kanyang mga kamay.

Paano nga ba tatanggihan ni Estrella kung ang pagtingin ng pinakamamahal na lalaki ang matagal na niyang pinapangrap ay natupad na. Pikit mata nga ba niyang ibibigay ang lahat dito? Kahit langit ito at lupa lamang siya?

Abangan ang kwentong pag-ibig na aantig sa inyong mga puso.

Walang pinipiling estado ang pag-ibig, tanging ang mga pusong nagmamahal lamang ang may kakayahanng ipaglaban kahit ano pa man.

Hiyaaa!!!!

eto po talaga ay heavy drama na naman. 

MAhilig akong magpaiyak at mang api ee. HAHAHAHA

Sana po ay suportahan niyo po ito!

loveromanceissigningout

Abot Langit na Pag-ibigWhere stories live. Discover now