63

311 17 0
                                    


a/n:
tinatamad na akong ituloy yung
itchy series huhuhu. send
motivation pleaseeeee!

━━━━━━ Narration ━━━━━━
‘ Spill the Beans ’
Dizzy.





"Kamukha mo si Barney
HAHAHAHAHA!" Halos
mapahiga na ako sa
damuhan dahil sa
sobrang utas ko na
sa tawa ko sakanya.

Sinimangutan nya na
lamang ako at nati
-gilan naman ako sa
sunod nyang ginawa.

Hinawakan nya yung
kamay ko at may ni
-lagay sya dun isang
insekto na nagpalaki
ng mata ko.

"Aaaaah!"

Agad kong hinagis
ang gagamba sakanya
at tumakbo palayo.

"HAHAHAHA! Ayan
kase, ayaw mong
umamin na crush mo ako!"
Narinig kong sigaw nya
at batid kong hinahabol
na nya ako ngayon.

"Oo na! C-Crush kita!"
Habol-hininga kong
sigaw sakanya pero
nagpatuloy pa din
ako sa pagtakbo.

Hanggang sa halos
naka-labas na kami
ng bahay namin at
sa hindi inaasahan
ay may humarurot
na sasakyan.

"Dizzy!"

Habol-hininga akong napa-
tayo mula sa kinahihigaan
ko at ramdam ko ang matinding
pagod at pawis.

A-Anong nangyari?

Nilibot ko ang tingin ko sa
kwarto na ito. Bakit ako
nandito? Nasaan ako?

"Dizzy! Ano, ayos ka lang ba?"
Unang lumapit sa akin si
Sparkle at kitang-kita ko
ang alalang-alalang mga
mukha ng mga kaibigan ko.

Maski sarili ko hindi ko alam
kung ayos ba ako eh.

Litong-lito na ako sa lahat.

"Dizzy inom ka muna."

Inabutan ako ni Breeze ng
isang baso ng tubig pero
hindi ko namalayan na
tinabig ko lamang ito at
nakagawa ito ng matinding
ingay.

"Hindi ako nauuhaw."
Sagot ko ng may nanlalatang
tingin sakanila.

Hinang-hina na ako. Parang
gusto ko na ata mamatay
na lamang kaysa mabuhay.

Ano bang nangyayari saken?

Ang gulo eh.

Katahimikan ang naghari sa
buong silid at napasandal na
lamang ako sa headboard
ng kama.

"Dizzy.. kumain ka—"

"Wag nyo muna ako
kausapin, ayoko ng
maingay, please lang."
Pagpipigil ko kay Scent
at nakita kong sasagot pa
sana si Fluff pero pinigilan
nalang sya ni Sparkle.

Yumuko na lamang ako
at naghintay na makalabas
sila ng kwarto pero wala
akong naramdamang mga
yapak paalis sa kwarto.

"Sabi ko umalis na kayo!!"
Pagalit kong sigaw sakanila
at nagmamadali naman
silang lumabas sa kwarto.

Nakahinga na ako ng maluwag
nang sila ay makalabas.

Tiningnan ko yung palad ko
at hindi ko namamalayan
na nanginginig na pala ito.

Anong nangyayari saken?

Sobrang gulo na ng lahat.
Yung buhay ko nagkanda
-gulo na. Hindi ko na alam
kung ano pa ang sunod na
mangyayari saken pero na
-raramdaman ko na ang
susunod na mangyayari
saken.

Diba, ang gulo?

Hirap kong intindihin.

Bakit kasi punong-puno ng
mga kasinungalingan ang
buhay ko? Why the hell am
I so unlucky? I just want to
rest and just die.

Please, can someone save me?

Bumalik ulit ang dating Dizzy.
Ang dating Dizzy na silent
but deadly.

Nung dumating sina Breeze
ay nabago nila ang buhay
ko at nagkaroon ng kulay.

They made me a new person
than I was before.

Pero ngayon, nag-iba na agad.

I changed again. Into Deadly
Dizzy. I don't know why.

Agad akong natigilan nang
biglang bumukas ang pinto
at bumungad dito ay isang
lalaki na may kasamang
mag-asawa. Mukhang bata
pa ang mag-asawang iyon.

Nagtaka naman akong
tumingin sakanila.

"Sino kayo?" Kunot-noo
kong tanong.

"Dizzy.." Lumapit sa akin
yung lalaki at halos nagulat
ako nang bigla nyang tinali
yung magkabila kong kamay
at paa!

Pinilit kong pumiglas pero
ang lakas talaga niya at
hindi man lang ako nakapag
salita kaya natahimik na
lamang ako sa isang tabi.

Sino nga ulit itong napaka
-gwapong lalaki na ito?

Ah, oo. Siya yung childhood
friend ko, ang first love ko,
at sakanya ako na love at
first sight sa mismong
simbahan pa! Nakakauma
lang diba?

Siya si Bryle. Si Botbot.

Sakanya lang ako marupok
wag kayo!

"Dizzy, gusto ko na malaman
mo na ang lahat-lahat."

Nagtaka akong napatingin
sakanya at sinabing, "Akala
ko ba ayaw mo na biglain
ako na malaman ang laha—?"

"Hindi na. Kailangan mo nang
malaman. Magaling kana, Dizzy."

Lalo tuloy kumunot yung
noo ko. Ano na naman ang
plano ni Bryle? Hindi ko
tuloy maintindihan LALO!!!

Napatingin ako sa mag-asawa
at napansin ko na parang..
magkahawig kami?

Napailing na lamang ako
at inalis iyon sa isipan
ko. Hindi yun maaari.

May sarili akong pamilya
pero magulo ang buhay namin.

Si Cissa na lamang yung
maaasahan ko. Kaming
dalawa na lamang.

Pero bakit nakaramdam ako
ng panlalambot nang makita
ko ang mag-asawang 'to?

"Bryle.. Sino sila?"

𝐃𝐈𝐙𝐙𝐘, ˢʰⁱⁿ ʳʸᵘʲⁱⁿWhere stories live. Discover now