15

585 27 11
                                    

💋

Narration

"Anong araw ba ngayon?"
Tanong ni Scent habang
nagsusulat kami ng
kung ano sa blackboard.
Jusko ayaw ko na mag
-Science ako'y nahihirapan
na sa subject na ito!

"Araw ng mga patay at
ikaw ang susunod." Biglaan
namang sagot ni Breeze
kaya napatawa naman ang
buong klase, maski ako
nakitawa na rin.

Savage Breeze talaga.

"Kung ikaw kaya mauna, ha?"
Pagsagot naman netong
si Scent. Aba lumalaban!

"Class A! Tama na nga
yang kaingayan nyo.
Magsi-kopya nalang
kayo dyan kung hindi
puputulin ko yang mga
dila ninyo eh!" Sermon
agad sa amin ni Sir Titus.

"Eh kung hotdog kaya
ni Sir yung putulin
natin? Hmm." Bulong
naman ni Sparkle kaya
agad ko syang hinampas
ng mahina at kinunotan
ng noo. "Kapag ikaw
narinig ni Sir, sinasabi
ko talaga sayo.. Napaka
malibog, jusko!" Sagot ko.

Kaya ayun, natahimik ulit
ang buong classroom.

Eksakto naman na tumunog
yung bell kaya hudyat na
break time na. Yes naman!
Saved by the bell, kamo.

"Okay class bago kayo mag
break ay—"

"Sir naman! Hindi kami
pwedeng magbreak!" Biglang
sambit nung kaklase naming
si Pastel.

"Patapusin mo muna kasi
si Sir Titus, tsk. Napaka-OA
mo naman eh." Lahat kami
ay napa-'ooh' sa sinabi
ni Valdrien.

"Patay! Awayan na naman
ba diz? Hehehe." singit
naman ni Pickle, kaklase
din namin.

"CLASS PWEDE BA AKO
MUNA?! SUMISINGIT
KAYO EH!" Ay jusko ayan
tuloy, gigil na si Sir!
WAHAHAHAHAHA.

"May assignment sa Science
turn to pages 234-237
kapag wala kayong
assignment bukas ay
ize-zero ko na kayo, agad.
Okay, class dismiss." Lahat
kami ay nadismaya sa sinahi
ni Sir Titus. Jusko assignment
na naman! Huhu ayaw ko na.

Nagsilabasan agad ang mga
kaklase namin. Aba, aba
unahan lang papuntang
canteen mga mamsh?

"Fluff nasaan yung ballpen
na hiniram mo saken?
Yung kulay pink." Tarantang
pagtatanong ni Scent
kay Fluff.

"Luh gagamitin ko pa
sana eh. Bakit, gagamitin
mo ba?" Sagot ni Fluff.

"Oo eh." Halatang nag
mamadali si Scent.
Ano kayang meron?

Kinulbit ko naman si Scent
at lumingon naman sya
saken ng may natatarantang
tingin. "Uy chill lang, bakit
parang nagmamadali ka?"

Agad namang nawala yung
pagkataranta sa mukha nya
at napalitan naman ito ng
isang ngiti. Yiee ang ganda
talaga niya, huhu! "Ay HAHA,
wala lang yun, Diz. May
kukuhanin lang ako sa locker.
Mauna nalang kayo sa canteen
okay? Hehehe."

Tumango na lamang ako
at nauna na nga kami.

Hmm I wonder kung
bakit talaga nagmamadali
si Scent? I don't believe
her excuses tho.

Habang papasok ng canteen
ay biglang may nahagip
ang magaganda kong
mga mata...

Pota? Bakit nandidito
siya sa Orion Rosio
High?!

"Dizzy meant to be
na ata kayo." Bigla
akong inasar nina
Sparkle pero hindi
ko sila pinansin.

Omg.

Heto na naman ako.

WAAAAAAAAAAAAH!

━━━━━━━━━━━━━━━

may ship na agad
sa itzy. #RyuLia
a.k.a #ScentDizzy

ahihi skl

𝐃𝐈𝐙𝐙𝐘, ˢʰⁱⁿ ʳʸᵘʲⁱⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon