22

461 24 9
                                    


・❪ ❁ ❫ ・

"Hala! Omiroooo,"

Muntikan na ako magulat.
Akala ko kung sino.. Jusq.

"Bakit parang gulat na
gulat ka? Hahahaha!"

"May kachat kaya yan,
Omingot!" Sumingit naman
bigla si Scent.

Nilingunan naman ako ni
Omiro at agad nya akong
kinunuotan ng noo. "Hoy
baka kung sino-sino na
mga kachat mo, ah?"

Napa-pout na lamang ako
at hindi ko na tuloy
nasundan ng tingin sina
Bryle na pumasok na nga
ng Wendy's ICP.

"Maduga ka Omiro, libre
mo samin, nasaan?!" Pangungulit
naman nitong si Fluff.

Pero binelatan na lamang
ni Omiro si Fluff.

Bilang ganti ay may sinabi
naman si Fluff na, "Sige,
libre ko sana ngayon eh
kaso di mo ako nililibre..
kaya pano ba yan?" Ngising
saad nya.

Nagkibit balikat na lamang
si Omiro at sinabing, "Sori
pero ritskid nga ako—"

"Lolo mo ritskids!" Binatukan
naman agad ni Sparkle
si Omiro at sa sobrang
lakas ng pagkaka-sabi
nya dun ay halos napalingon
na yung lahat ng nasa loob
sa direksyon namin.

Tiningnan na lamang
namin ng masama si Sparkle
at pasimple na lamang
siyang nag-peace sign.

Tiningnan ko yung phone
ko at napahinga na lamang
ng malalim habang busy
sila sa pagkekwentuhan.

Nawawalan na ako ng
gana kumain. Palusaw na
'tong ice cream kong 'to.
Hays, sayang naman.
Dapat i-take out ko
nalang ito eh.

Sino ba yung meyb na yon
ha? At bakit hindi man
lang ata napapansin
nung Sakristan
na yon na na-wowrong
send sya saken?!

Like, wtf, umaasa
pa naman ako sa
mga chats niya.

"Daisy Zyrae!"

At heto, hinampas
ako ni Scent para
matauhan ako. Tulala
na pala ako. Jusko.

Bakit ko pa ba iyon
iniisip? Argh.

"Oh?!"

"Ang lalim ng iniisip
mo ah, share naman
dyan!" Bigla naman
tuloy ako nakaramdam
ng kaba sa sinabi niya.

Jusko. Paano ako
makakapagshare
sakanila kung nandito
mismo yung taong
sya sana yung isheshare
ko sa squad ko?

Wait, mali. Hindi ko
nga pala shineshare
YUNG DAPAT AY AKIN.

Possessive lang? Ahohoho.

"Hoy gagi wala 'to!" Napatawa
na lamang ako ng malakas
na parang wala ng bukas.

Halos napatingin na
naman sa direksyon namin
yung mga tao dito sa loob.
Well, mabuti naman at
medyo kakaonti lang
naman nasa loob.

Wala naman akong
arte at hiya, so, tumawa
ako ng malakas. Eh, bakit
ba? Para mawala rin
naman yung nararamdaman
kong kaba, hehehehe.

"Breeze? Insan?"

Bigla akong napatigil
sa kakatawa at nilingunan
ko yung nasa likuran ko
kasi lahat sila ay
nakatingin sa likuran ko.

Wait, pota—

𝐃𝐈𝐙𝐙𝐘, ˢʰⁱⁿ ʳʸᵘʲⁱⁿWhere stories live. Discover now