07

712 47 9
                                    

🍬
┋ ‣ Narration

Hindi ko alam kung saan ba ako
titingin. Kung sa pari ba na
nag-hHomily o dun kay Bryle.
Ano ba meron, bakit ko ba
sya nagustuhan? Is it because
he looks like him?

O baka trip ko lang si Bryle?
Hindi eh, may something kasi
sakanya. I don't know pero
ang lakas ng dating nya sakin.
He is so uber ng kagwapuhan.

Like, crush na crush ko na
talaga sya kahit pangalawang
beses ko palang ulit sya nakikita.
Di ko alam pero baka na-love
at first sight na ata ako o ano.

Pero isa lang ang alam ko.
Masusuntok ko sina Breeze
for not telling me na magpinsan
pala sina Breeze at Bryle!
Huli kayo ngayon. Kahit katabi
ko lang si Breeze, aba di ko pa
yan iniimik simula kanina.

"Alam natin na iisa lamang ang
ating kinikilalang Diyos at siya
lamang ang nakakaalam kung
sino ang ating makakatadhana
kaya huwag tayo ang mamili
ng kung sino ang kakasamahin
natin pang-habang buhay kasi
mismo ang Diyos ang may alam
kung sino talaga ang para sa
atin. Makakahanap tayo ng
mas bagay para sa atin. Hindi
man ngayon o bukas, kundi
sa tamang oras." Sa ganda ng
sinasabi ng pari ay halos napa-
nganga na lamang ako kay
Bryle ngayon.

Geez, bat gwapong-gwapo ako
sakanya?! Emeghed. Bakit sa
mismong simbahan ko pa
nahanap si one and only?
Ay, charot. Tulad nga ng
sinabi ni father, huwag tayo
ang mamili ng nakatadhana
para sa atin kasi mismong
darating yun sa tamang
panahon. Oh diba akala nyo
hindi ako nakikinig 'no!

"May barya ka dyan, Dizzy?"
Bryle. Bryle Montes. Bakit
ganito na agad tama ko sayo?
Ni hindi pa nga kita nakikilala
ng ganon katagal eh, ahehe.
Pero soon, ichachat talaga kita
and I want to be close with you.

Gusto pa kita makilala, Bryle.
Tandaan mo yan! Ahuehue.
"Daisy Zyrae! May barya ka ba
dyan?!" Bigla akong nawala
sa pagkakatulala nang bigla
akong sinundot ni Breeze
sa tagiliran kaya napaigtad
agad ako. "H-Hala! Gaga ka."

"Oy nasa simabahan tayo
masama magsabi ng ganyang
salita, Diz." Bigla namang
sumingit si Fluff.

Napairap na lamang ako
at kumuha ng sampung piso
mula sa bulsa ko.

"Oh ayan! Kayo kasi nanggu-
gulat. Alam nyo naman na
napapamura ako kapag
ginugulat eh." Sagot ko naman.

"Kuripot ne'to! Bakit sampu
lamang? Wala ka ba dyan
na bente ha?" Bigla namang
reklamo ni Breeze.

Aba, aba. Ikaw 'tong nahingi
ng barya tapos ikaw na nga
'tong nabigyan tapos, nagre-
reklamo ka pa?! Jusko. Asa'n
ang hustisya?!

"Hoy Dizzy nakatingin sayo
si Koyang Sakristan, ahe!"
Bigla namang napantig ang
tainga ko sa sinabi ni Sparkle
at agad agad na lumingon dun
sa pinanggagalingan nya.

Hala oo nga! Nakatingin sya
saken! Omg, omg. How to calm
down?! Tae, naiihi ako!

"H-Homayga-"

"Tumahimik ka nalang dyan
sa isang tabi, Diz. Nasa simbahan
pa tayo, wag ka." Inang, nakupo
napaka-KJ talaga ne'tong si
Breeze! Aish.

"Oo na tatahimik na po!"

Napairap na lamang ako at
napayuko. Doon ko na lamang
itatago ang kilig ko ahehehe.

Tapos sunod naman ay kakanta
na ng 'Ama Namin' at maghahawak
kamay na kami.

Bigla ko tuloy naimagine na
kami ni Bryle yung magkahawak
ng kamay tapos, tapos-

Omg, Dizzy wag ka malandi!

"Sa pari ka tumingin wag dun
sa sakristan. Uso makinig
bago tumingin, ano?"

Binigyan ko naman ng masamang
tingin si Breeze. Inang, ako'y
nanggi-gigil na ha!

Matapos ang misa ay agad kaming
bumati sa mga nakakasalubong
namin na kakilala. Mga friends
namin at classmates.

Habang heto ako, pasulyap-sulyap
na lamang dun kay Bryle. Gosh.
Gusto ko syang lapitan. Hay nakers.

Kailan kaya mangyayari yung
time na magkakakilala
kami in person? Gusto ko talaga
sya makilala huhu.

"Tara guys, pakilala ko sainyo
pinsan kong sakristan."

Muntikan nang mahulog ang
aking phone nang bigla iyon
sinabi ni Breeze.

T-Teka, bakit ang bilis naman
natugonan ang mga dasal
ko sa isipan ko?

Omg, Lord am I dreaming?
Hala, thank you, Lord!

Omg. Ito na!

𝐃𝐈𝐙𝐙𝐘, ˢʰⁱⁿ ʳʸᵘʲⁱⁿNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ