67

258 15 0
                                    


i am so sorry for
the long update !
huhuhuhuhu

pero tatapusin ko
na ito !! pasukan na
eh kaya goooooraaa!




Nakalabas na ako ng bahay
namin at wala namang Bryle
ang bumungad sa akin kaya
naman napasimangot ako.

Nasaan na kaya yun?

Nakita ko naman si Mommy
na nag-didilig sa garden
namin kaya nilapitan ko
naman siya.

"Ma? Si ano po─"

"Hala, anak. Nakaalis na
si Bryle, kanina lang.."

Bigla naman akong naka
-ramdam ng pagka-dismaya.

"Sige po, Ma. Hahanapin
ko nalang siya." Binuksan
ko na ang gate namin at
tsaka lumabas na.

Chineck ko naman yung
phone ko kung may messages
pa si Bryle ngunit wala
akong natanggap kahit isa.

Hays. Niloloko na naman
ako nung sakristang iyon.

~ ° ~

13:47PM

dizzy
hoy akala ko nasa labas ka?

dizzy
tsk. umasa na naman ako sa wala.

~ ° ~

Nag-libot na lamang ako
kung saan-saan. Siguro
hahanapin ko nalang si Bryle.

Pero nasaan naman kaya siya
magpupunta kung ganon?

Kaonti nalang at magtatampo
na naman ulit ako kay Bryle.

"Hija, ikaw ba ito?"

Kinulbit naman ako ng isang
matandang babae at ipi-
nakita niya sa akin yung picture
ko na printed.

Nagulat naman ako ng bahagya
at tumango, "Opo hehe, bakit
po?" Nginitian lang niya ako
tsaka may binigay siya sa akin.

Isang kwintas na nakaukit
sa pangalan ko?

"Para sayo hija," Kinuha ko naman
ito agad, "Mahal iyan at galing
iyan sa taong tunay na
nagmamahal sa iyo."

Nagtaka naman ako sa sinabi
niya pero hindi na ako naka-
pagsalita pa dahil umalis
na agad siya sa harapan ko.

Hays. Mag-lilibot na nga
lang ako.

Lakad here, lakad doon
buti naland hindi napapagod
agad ang dalawa kong mga paa.

Hanggang sa biglang may lumapit
naman sa akin na maliit na bata.

"Ate? Pinapabigay po ito
sainyo." May hawak-hawak
siyang bouqet ng flowers at
iniabot ito sa akin.

Nagpasalamat naman ako sa
bata at akmang magtatanong
na sana ako sakaniya pero umalis
na agad siya katulad nung ginawa
nung matandang babae.

Ang weird lang..

Napatingin naman ako doon
sa nagtitinda ng cotton candy
at popcorn kaya lumapit ako
para bumili.

Tagal ko na din hindi nakakain
ng CC at PC eh.

CC means Cotton Candy at
PC means PopCorn mwehehe.

Pinaiksi ko lang. Diba ang
galing ko? Psh.

Nang iniabot na sa akin ni
manong ang CC at PC ay
nagsabi siya na huwag ko na
daw bayaran.

"H-Ha? Kuhanin niyo na
po itong bayad... nakaka
-hiya naman po eh.."

"Naku wag na ineng, may
nag-utos saken nito." ngiting
-saad ni manong.

Okay, okay. Sino ba iyon na
nag-uutos sa mga tao ngayon?!

Geesh. Ang weird talaga ng
araw na 'to. Ewan ko ba
kung ako lang yun or ano.

Nagpa-salamat na lamang ako
at tinalikuran na siya.

Pero sa mismong pag-lingon
ko ay nakita ko si Bryle...

...Kasama si Yana?

Sa sobrang lapit ng mukha
nila sa isa't isa ay halos
magki-kiss na sila.

Kaya naman napatakbo na ako
palayo at hindi ko na naman
alam kung saan na ako napadpad.

Ang sakit naman ng nakikita
ko. Umasa na naman ako.

"Tanginang buhay 'to."

𝐃𝐈𝐙𝐙𝐘, ˢʰⁱⁿ ʳʸᵘʲⁱⁿWhere stories live. Discover now