21

467 22 9
                                    

🍏

┋ ‣ Narration

"Lutangers?" Pumitik sa harapan
ko si Fluff kaya't inirapan ko sya.

Tiningnan ko nalang yung
phone ko at naghihintay pa rin
sa mga chats nya...

Tae, ako nga lagi unang nagcha
chat, imposibleng sya ang
mauunang magchat eh 'no?

"Hoy ano ba gusto mo bang
sumama sa ice cream parlor
o iwan ka nalang namin dito?!"
Halos pasigaw na tinanong
sakin ni Fluff. Aba, nakakarindi
'tong babaeng 'to.

Tahimik na lamang akong
umiling at nagpatulala ulit.

"Gagi ka! Akala ko pa naman
sasama ka, tsk. Sayang, libre
ko pa naman..." Aba, aba
nagpaparinig pa 'to ha—

Ay, wait.

ANO DAW?

LIBRE NYA?!

After 82929282 years, manlilibre
na din si Fluff! Jusko, sige na nga
sasama na akoooo!

And besides, minsan lamang
mangyari 'to, WAHAHAHA!
Kuripot pa naman si Fluff.

"Sabi ko nga sasama na ako,
shet tara naaaa!" Tumawa
naman ng malakas si Fluff
dahil sa malakas na paghila ko
sakaniya palabas ng gate ng
school.

━━━━ 🌞 ━━━━

Ano ba uunahin ko?

Fries, chicken or cookies & cream
na ice cream? AaAAaAaaAAAA.

"Walanjo, himala." Paninira
naman ni Breeze sa katahimikan.

Agad naman silang nagsi-
lingunan kay Breeze, pero ako?

Meh, ala me pakezers.

Basta ang mahalaga ay lumamon
na muna. Ako'y gutom na gutom
na at libre pa naman ni Flufferz.

Teka, bakit ba lahat ng bagay
nilalagyan ko ng 'z' sa huli?

Emegederz?

"Ah, wala. Hehehe!" Napakunot
naman agad yung noo ko kay
Breeze.

"Anong wala? Eh sabi mo nga
ay himala. Tanga ka ba?"
At after kong sabihin iyon ay
napa-'burned' nalang si Breeze
kina Sparkle. Nicerz.

"Kausap?"

"Oo bat ba,"

Nagsamaan nalang kami ng
tingin ni Breeze pero siya
yung unang umiwas kaya
nanalo ako.

Napailing nalang ako at
sinimulan nang kainin yung
chicken. Hihihihi.

Yung pakiramdam na nag
eenjoy ka talaga ng sobra
sobra sa kinakain mo tapos
biglang sisingit yung phone mo
na biglaan nalang nag-vibrate
sa gitna ng lamesa namin.

Mapanuri akong tiningnan
ni Sparkle, "Eyy, may kachat
ang dalaga," Agad ko naman
siyang inirapan.

"Dalaga naman talaga ako
kahit wala akong kachat, duh!"

"Weh? Dalaga kana?" Agad kong
binatukan si Fluff.

"Gaga ka!"

"Opx, baka nakakalimutan
mo ako nanlibre sayo—"

"Oo na! Tumahimik ka
nalang dyan jusko." Sa inis
ko ay padabog kong kinuha
yung phone ko.

Nang binuksan ko ito ay
chat head ni Bryle ang unang
bumungad sa'kin..

Pero tinitigan ko lamang
ito ng limang segundo
bago ko lang napagtanto
na siya yung unanh nagchat
sa akin!!!

WAAAAAAH—

Okay, self, kalma! BWAHAHA.

━━━━━━━━━━━━━━━

3:49PM

Bryle:
Psst, Meyb
Asa'n kana?
Nandito na ako sa Wendy's
Ice Cream Parlor.
Wait kita.

━━━━━━━━━━━━━━━

H-Huh?

Hindi ako si Meyb! Wrong
send na naman. Hays.

Sino ba yung meyb na yon?

At tsaka...

Powta, ano daw—

"Shit." Nanlaki na lamang
bigla yung dalawa kong
mga mata.

"Masama magmura sa
harapan ng pagkain, Diz."
Panenermon ni Aling
Breeze kung kaya't napalingon
na lamang ako sa biglaang
pumasok na limang mga
binatang nag-gagwapuhan
sa loob ng Wendy's ICP.

Luh. Bakit nandito siya?

"Bakit? Masama ba?"

𝐃𝐈𝐙𝐙𝐘, ˢʰⁱⁿ ʳʸᵘʲⁱⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon