16

552 31 24
                                    

🍋

Narration

"Sino magtatype sa atin
kung ganon?" Dinig kong
tanong ni Sparkle pero
hindi ko nalang pinansin
at tinuon na lamang ang
tingin ko kay Bryle.

Omg, ba't ang gwapo-gwapo
niya talaga habang nakain?
Ihhhh, ang landi mo, Dizzy!

"Si Dizzy nalang kaya
yung magtatype since
wala naman siyang
masyadong naiambag sa
grupo natin?" Nagsalita
naman si Breeze. Pero
hindi ko pa rin talaga sila
pinagtuonan ng pansin
kahit narinig ko yung
napaka-ganda kong pangalan.

"Oo nga, masyasong tamad
kasi. Kaya mababa ang grades."
Sumingit naman si Fluff.

Segu-segundo ko talaga siyang
tinitingnan habang sinusubo
niya yung pagkain niya. Gusto
ko nga na magka-eye contact
na kami eh, huhuhu.

Bigla naman akong nakaramdam
ng isang malakas na palo
mula sa balikat, "Araaaaay!"

Ayan tuloy nakagawa ako ng
isang matinding kahihiyan.
Nawala na yung focus ko kay
Bryle, jusme.

"Ano ba, Breeze! Bakit ka
namamalo ha?!" Napa-pout
na lamang ako at inilingan
nalang ako ni Breeze.

"Kita mong kinakausap
ka namin tas nakatingin
ka dun sa pinsan ko, ha?!"
Tinaasan nya agad ako
ng kilay. Jusko, parang yun
lamang?!

Inirapan ko na lamang
si Breeze at muli kong
binalikan ng tingin so Bryle
at halos mahulog ako sa
kinauupuan ko ngayon kasi
nakatingin sya sa direksyon
namin ngayon!

Kaya bigla akong napaiwas
ng tingin at napayuko na lamang.

"Nakakaloka ka, Daisy Zyrae
ultimo habang nakain si
Bryle hindi mo binibigyan
ng privacy, like tigilan mo
na nga sya!" Panenermon
naman no Fluff.

Nilingunan ko si Fluff at
pasimple ko syang tinaasan
ng kilay, "Eh sa pake nyo ba,
ha? Stalker ako! Super weird
stalker kaya please lang this
is my life naman eh." Sagot ko
at sasandal na sana ako
kasi akala ko may sandalan
itong upuan na 'to pero
buti nalang hinawakan ako
ni Sparkle sa likod upang
hindi ako mahulog ng tuluyan.

"Ay ang tanga mo din, Diz."
Aniya, Sparkle.

Napakamot na lamang ako
sa batok at muli na lamang
itinuon ang pansin sa pinag
uusapan namin.

━━━━ 🍏 ━━━━

"Hala, paalis na sila!" Aligagang
saad ko sa mga kaibigan ko
kaya madalian kong niligpit
yung gamit ko upang maabutan
sina Bryle sa exit ng canteen.

"Hoy kung ano mang plano
yang tumatakbo sa isip
mo, ay jusko ewan ko nalang."
Babala naman saken ni Breeze.

"Ah, basta hayaan nalang
natin si Diz. Yan yung gusto
niya eh, pagbigyan na." Inapiran
naman ako ni Sparkle.

"Good luck nalang sa
plano mo." Aniya Fluff.

Nagmadali na akong naglakad
papunta sa exit at eksaktong-
eksakto ay si Bryle yung huling
aalis sa canteen kaya agad-agad
ko siyang binangga katulad ng
nasa plano ko.

"Aray ha!" Pag-iinarte ko at
buti nalang effective AHOHOHO
baka di nyo alam best actress
ako noon sa Ibong Adarna
nung grade 7!

Syempre, napatigil sya at
parang hindi naman sya
naapektuhan sa ginawa ko
na sinasadya ko naman talaga.

Pero tangina lang, nakakamatay
yung pagiging tahimik niya, ah.
Hindi masyadong naimik. Wow.
Samantalang ako napaka-daldal,
grabe we have so many differences!

Tapos mas gwapo pa pala sya
sa malapitan— kailan pa ba hindi?

"Ayan kasi! Tumitingin-tingin
ka pa sa iba kung nandito
lang naman ako.. Chat mo 'ko
mamaya, kailangan natin
'tong pag-usapan!"
Oha, gawa-gawa ko lang yan.
Kumbaga scripted WAHAHAHA!

Pero wala pa din siyang
kaimik-imik, kung kaya't
napairap na lamang ako
sa hangin at kinuha na
lamang yung mga gamit
kong nahulog mula sa sahig.

Nagulat na lamang ako
nang eksaktong pagka
hawak ko ng math
book ko ay doon
din siya nakahawak kaya
nahawakan ko ng
kaonti yung kamay niya.

Naramdaman ko bigla
yung kuryente nung
nahawakan ko ng kaonti
yung kamay nya. Wtf.

Tapos pagka-tingin ko
sakanya ay nalula na
lamang ako sa kagwapuhang
taglay ni Bryle.

Pero sa hindi inaasahan na
pangyayari ay bigla na naman
akong nakaramdam ng isang
karamdaman noon na bigla
na lamang bumalik ngayon...

Sumakit ang ulo ko kaya
napahawak ako doon at
onti-onti akong nahihilo,
not knowing na kinakausap
na pala ako ni Bryle ngunit
hindi ko na maintindihan
ang sinasabi niya.

What the hell is happening?

And suddenly, everything
turned black.

𝐃𝐈𝐙𝐙𝐘, ˢʰⁱⁿ ʳʸᵘʲⁱⁿWhere stories live. Discover now