46

417 20 11
                                    





"Okay, so ano ba nakain mo?"
Pag-bungad ko naman kay Bryle
after kong lumabas sa gate namin.

Hindi ko siya tinititigan ng matagal
kasi baka hindi pa ako makapasok.
Tsaka ko lang kasi narealize na kapag
matagal kaming nagtititigan ng
malapitan ni Bryle ay nahihimatay
agad ako tas nananakit ulo ko.
Jusko bat ngayon ko lang nalaman.

Pero nakakaramdam pa din ako
ng sakit sa ulo at hilo, pero may
iniinom naman akong gamot
para hindi masyadong magtagal.

Awkward na lamang akong ngumiti
sakanya dahil pinat pa niya yung
ulo ko. Wow, ano ako aso?!

Pero hindi sya umimik at kinuha
na lamang yung helmet, tsaka
ito sinuot sa akin. Tapos kinuha
pa niya yung bag ko mula sakin.

Ay tangina ang sweet! Enebe.
Wag ka marupok, Dizzy! Sina
-sabi ko sayo, juskoooooo.

"Sakay." Hindi ko na napansin
na nakasakay na si Bryle sa motor.
Naks, maalam pala 'to magmotor.

"P-Pero—"

"Sasakay ka o ako bubuhat sayo
para sumakay ka?" Aba, aba
eto na nga eh! Sasakay na po!

After kong sumakay ay hindi tuloy
ako mapakali kung saan ako hahawak.
Jusko, tangina mo Dizzy, pati ba
naman kung saan hahawak sa motor
pinoproblema mo.

Nagulat na lamang ako nang nilagay
nya yung dalawa kong kamay at
braso sa baywang nya kung saan
doon ako hahawak.

"Ang pabebe mo pa eh parang
gusto mo rin naman humawak
sa abs ko eh." Bigla namang
namula ang dalawa kong pisnge.

"Hoy gago ka wala kang abs!
Amp, ang yabang ah!"

Nakita ko na lamang sa salamin
ng motor yung pagngisi niya
kaya mas lalo tuloy akong na
-iinlove sa sakristan na 'to.

"Kapit ka ng maigi. Baka mahulog
ka nalang bigla sa iba."

Parang double meaning yun
para sakin ah? Hehe.

𝐃𝐈𝐙𝐙𝐘, ˢʰⁱⁿ ʳʸᵘʲⁱⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon