IJLA 5 - Heated Argument

38K 1K 199
                                    

Ahn buried her face on a pillow. Sumakit bigla ang ulo niya. Totoong nagulat siya sa inasal ni Ken kanina. Akala nya kasi ay okay na. Akala nya ay tulad pa rin ito ng dati, the same kind Ken. It was clear now that he had also undergone a makeover, and a painful one.

Pero sa kabila ng pagkagulat, nagpapasalamat pa rin siya na may nagbago. She can't exactly hang on to her belief that nothing has changed. At least, alam na niyang hindi siya nabubuhay sa panaginip. He's real and he's changed and she has to deal with this new Ken, somehow.

Hindi pa niya alam kung paano.            

Kanina nga ay wala syang nagawa kundi lumabas ng kotse nito at hayaan itong umalis. He was very rude to her and maybe she deserved that, but it's still low of him to treat her like that, or any girl for that matter.

Bukod sa pagkagulat at inis, nalungkot din siya. She felt sad knowing that he's changed for worse because of what she did to him. It's like a permanent scar na hindi kayang tanggalin ng kahit anong ointment. She's the permanent scar in Ken's life. And whenever he touches that scar of his, he will always flinch as unwanted memories start barging in.

Maybe it's too late for that second chance after all.

--

From: 0915089****

Hi Ken, can we talk? For the last time na. Sana mapagbigyan mo.

Pigil na pigil si Ken. Gusto niyang ibato ang phone nang mabasa ang message ni Ahn. Ang kapal naman ng mukha nito para makiusap pagkatapos ng lahat ng ginawa nito sa kanya. But a part of him was feeling guilty. Guilty for being a jerk.

Kahit pa sabihing nasaktan siya, he should have chosen to be the bigger person. But at that time, it did not matter who the bigger person is. Basta galit siya. Iyon na 'yon.

Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nito ang bagong number niya. His mom made everything so easy for Ahn. For the last time. Huh. Ito pa ang may ganang manakot?

So what if it's the last time? Kung hindi nya ba ito sisiputin, will that be the end of it?

To: +63915089****

And who might you be?

Kung hindi lang siguro touchscreen ang phone niya, baka lumubog na ang keypad nito sa diin ng pagkakapindot niya sa SEND.

From: +63915089****

It's Ahn.

"Clueless mo!" bulyaw niya sa phone.

To: +63915089****

Ahn who?

From: +63915089****

Kinakapatid mo

"So kinakapatid na lang kita ngayon?"

Pakiramdam niya'y unti-unting umakyat sa ulo ang dugo niya. She just makes him so angry! Nagpupuyos na siya sa galit, exchange of messages pa lang. What more kung magkikita sila sa personal?

To: +63915089****

Ah. That one. Lol

From: +63915089****

Pwede ka bang makausap nang matino?

To: +63915089****

You should ask yourself that. Matino naman akong kausap.

I Just Loved AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon