IJLA 2 - The Wedding

43.1K 1.1K 226
                                    

Araw na ng kasal. Sobrang bigat ng pakiramdam ni Ahn nang magising siya ng araw na iyon. It would be the first time since three years ago na makikita niyang muli si Ken. Ayaw na sana niyang dumalo. Pero baka lalong magalit ang ate Iya niya sa kanya. 

Her mom helped her with her gown and makeup. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya mahilig mag-ayos. And when Ken went away, she didn't bother learning the craft. Para kanino pa sya magpapaganda kung sakali?

--

Hindi na siya makahinga sa sobrang kaba. Maya-maya lang ay darating na sina Ken. Naiilang siya sa tingin na ibinibigay sa kanya ng mga kakilala. Rica's glaring at her from the other side of the aisle. Umabot ng taon ang galit nito sa kanya.

She felt her mom's hand on her hand. Ngumiti ito sa kanya.

"It'll be fine," she promised.

"Ma, lilipat na lang po ako sa hulihan," sabi niya rito.

"Ahn—"

"Please. I just can't—I can't stand it here."

Tumayo na siya bago pa man ito makatanggi. Alam niyang nakasunod ang tingin ng ilan sa kanya habang naglalakad siya papunta sa pinakang-likod ng simbahan. Naupo siya sa pinakadulo, sa pinakasulok. Mabilis niyang pinahid ng panyo ang nangingilid na luha.

She felt like an outcast sitting there, habang nakatingin ang mga ito sa kanya.

Maya-maya pa ay nagsimula ng tumugtog ang piano. The church was filled with the melodious rendetion of the wedding march. They all stood up and looked at the door, waiting...

Isa-isang pumasok ang entourage. Napakapit siya sa gilid ng upuan nang makita si Ken. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. He didn't even see her. Nakatingin lang ito sa unahan. Nakakapit sa braso nito si Aubrey. She heard that the two have been going out for a few months now. Noong una ay ayaw niyang maniwala. Aubrey's not Ken's type.

Pero ano nga ba naman ang alam niya? People change. And maybe he's changed. Tatlong taon na rin naman ang nakalipas. Nakasunod pa rin ang mata niya rito hanggang sa makarating sila sa altar. By then, masyado na itong malayo. Maybe it's a good thing na lumipat sya ng upuan.

Nang pumasok ng simbahan si Iya, nawaglit kay Ken ang atensyon niya. Napakaganda nito sa suot nitong gown. Hans is such a lucky guy to have someone like her. And it still saddens her na hindi na siya ang made of honor nito.

May usapan kasi sila noon na si Ken ang best man at sya naman ang maid of honor kung sakali mang ayain ito ni Hans na magpakasal. Pero nabalewala ang usapan na 'yon when she said no to Ken. Sa lahat yata ng taong nagalit sa kanya, si Iya ang pinakang-iniyakan niya.

Nagulat pa siya noong inimbitahan siya nito sa kasal. But did she just do that to hurt her? Kasi aaminin niyang nasasaktan siya. It hurts to know what almost everyone she loves hate her. It hurts to know that the man she loves now loves someone else. Pero wala siyang karapatang manumbat o magreklamo. Sa mata ng nakararami, kasalanan niya ang lahat.

--

From the corner of his eye, he saw her. Nakatingin ito sa kanila habang naglalakad sila papuntang altar. He tried to ignore the itchy feeling in his chest. Naramdaman niyang humigpit ang kapit sa kanya ni Aubrey.

Pasimple siyang bumuntong-hininga nang makalampas sila sa may pwesto ni Ahn.

Mabuti na lamang at nasa pinakasulok ng pinakadulong upuan ito. It's a good thing that he can't clearly see her face. He missed her, that's for sure.

It took a lot of self-control not to get out of the line and hug her. Gusto niyang batukan ang sarili. Ang tanga-tanga niya. Hanggang ngayon ba naman, si Ahn pa rin?

I Just Loved AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon