Lesson 3

59K 446 82
                                    

Lesson 3

Cutting


At dahil magaling ang professor ko, ayun, mission failed. Pinabalik na naman ako sa room. Duh. Nasa college na 'ko di ba? And I have the damn right to cut if I want to!

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room, kitang-kita ko ang pagngisi ni Sharpay. Evil bestfriend. Gusto kong tumakas kanina kaso nasa likod ko yung gurang kong propesor. Sumalampak na lang ako sa desk ko at ibinagsak ang bag ko sa upuan. Nagtitinginan ang mga kaklase ko sa akin dahil halatang bad vibes ako.

"What are you looking at? Me?! Mind your own business!" mataray kong sigaw sa kanila. Agad naman silang nagsitanggalan ng tingin sa akin.

Here I am finishing this stupid so-called punishment. Gusto kong tawagan ang CHED mamaya. Arghhh! Nakakainis talaga! Sa ganda kong 'to papasulatin lang niya ako?! Papakalyuhin niya lang ang kamay ko? Duhhh. Hinahabol ako ng kalalakihan at iniingatan nila ako tapos gan'to lang ang mapapala ko sa kaniya? Haler!

"Yes? Ms. Romulo bakit ka nakatitig sa akin?" Biglang sabi ni Sir. Nagising ako sa mga iniisip ko. Wait? Ako? Nakatitig sa kaniya? Hala! In his dreams! Di nga? Wtf.

"Talaga sir? Nakatingin ako sa inyo? Kayo ba? Wag kasing assuming." Kala mo ah! Haha boom!

"Ay hindi. Yung desk. Why not finish your punishment instead of staring at me? Balak mo pang mag-cutting kanina. Do you like to double your punishment?" Kokey talaga 'tong lalaking 'to. Sarap i-super flying kick! Nasa contest ba siya ng Worst Professor?

Tumawa ang klase sa sinabi ni Sir. At talagang sinabi pa niya na balak kong magcutting kanina at nahuli pa niya ako. Pati si Sharpay tumatawa! Shems. Traydor na bestfriend!

"What's funny guys?! Do you find him funny?! Ang corny niya kaya!"

And they all nodded.

"WTF, seriously, guys?!"

"Sadyang may sense of humor lang talaga sila." Bored na sabi ni Sir sa akin.

"Bakit ako sir, WALA?" Ibinagsak ko ang G-Tech na ipinangsusulat ko nang napansin ko. Shet G-Tech 'yun! G-Tech! Kaya agad kong kinuha ang G-Tech at hinaplos-haplos.

"Malay ko..." Tinalikuran na lang ako ni Sir at bumalik sa upuan niya habang kinukuha ang laptop niya.

"Walang kwentang kausap," I murmured to myself.

Napalingon siya kaagad sa akin at sinabing, "What did you say?"

"Wala Sir! ANG SABI KO ANG GWAPO MO! IKAW NA! HAHAHA!" Pang-aasar ko sa kanya. Tumawa pa ako ng bongga nang mahalata kong ako nga lang ang tumatawa sa classroom.

Nanahimik ang buong klase kaya tumigil na rin ako sa pagtawa ko nang biglang...

"AYIIIIIEEEE! Kaya pala Cheska ah!" Kutya ng mga kaklase ko. Mga siraulo. What's wrong with what I've said earlier ha?

Damn. THEY DIDN'T GET IT. IDIOTS. Psh. Ang sabi ko gwapo siya but I didn't mean it.

"Hoy! Sineryoso niyo naman! Alam niyo ba ang word na sarcasm?! What do you think I am? May taste ako noh, at di ko taste si Sir! Errr."

"Ano bang lasa ko, Cheska?" Singit ni Sir.

Nanlaki ang mata ko. Seryoso, tinatanong niya kung anong lasa niya? Mukha naman siyang masara- No, no, no. Ano 'tong sinasabi ko?! Shut up na lang ako. Lol.

"May crush ka kay Sir eh!" Patuloy pa rin sila sa pangangantyaw sa akin. This is very humiliating!

"Shut up!" Saway ko sa mga kaklase ko. Bumaling naman ako kay Sir at sabay sinabing, "Sir don't worry wala po talaga akong gusto sa inyo!"

"I know, bakit ka defensive? Are you guilty? May gusto ka sa 'kin ata eh. Well, don't get your hopes high, you're not my type", he casually replied.

What? Tama ba yung narinig ko? Sa face kong ito, I'm not his type? Is he serious? What the. I'm the goddess here!

Ang sakit a! Masakit, hindi dahil hindi niya ako type, kundi sa kadyosahan ko na 'to aayawan niya pa ako! Well, sorry, di ko rin sya type! Haha.

At dahil nakain ako ng pag-iisip ko, hindi ko namalayang wala akong naibatong sagot sa sinabi ni Sir.

"Aw! Madami pang iba Cheska!" Sabay na tinapik ng seatmate ko yung balikat ko. Ay feeling close? Nahawakan niya ko, wow! Baka may germs siya, yuck! Bwiset! Yung itsura nya parang namatayan o nawalan ako. Duh? Asa naman na may 'like' ako kay Sir. Manigas sya! Masyado akong overqualified sa standards nya! Chos.

"Ano ba?! WALA NAMAN TALAGA AKONG GUSTO KAY SIR EH!" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. This is disgusting! Nakakapuno na!

Nanahimik na ang lahat. Mukhang napatigil sila. I saw Sir smirking at his seat.

So gusto niya pa yung pinagtutulungan ako rito? 'Ge lang. Mukhang palakang nakangiti lang. (Can you imagine? If not, I compel you to imagine.)

"Talaga Cheska? Talaga?" sabay-sabay nilang sabi. Fuck you, Sharpay. You are a traitor. Bakit hindi mo kampihan ang bestfriend mo?!

Agh! Binubully nila ako dito! Ayaw ko na! Pinagtutulungan ako ng Armed Forces Against Cheska lead by Sir Demonyito accompanied by my unfaithful bestfriend Sharpay! This is the worst case scenario!

"Ayoko na." Maikli kong sambit sabay tingin kay Sir ng diretso. Leche, bakit ang gwapo niya nga? Ay teka, na-distract ako.

Ayaw ko nang ituloy ang parusang eto. I am not a fucking high school student. And besides, my fingers are hurting so much huhu. Matawagan nga si yaya. Bwiset. Gusto kong mag-cutting.

"Sir!" Sigaw ko bigla.

"What? What are you planning to do this time?" Sagot niyang painip. Umupo siya sa mesa nang de-kwatro at kitang-kita ko ang magandang pigura at porma ng kanyang mahahabang binti.

Shet. Napapalunok ako.

"Hey," bigla niyang sabi. "Are you checking me out?"

Namula ako bigla at natawa ang buong klase. Sarap bigyan ng middle finger ang mokong. But since I am gorgeous, hindi ko muna gagawin 'yun.

"You shut up, bitches and assholes!" Pagpapatahimik ko sa mga kaklase ko. Then I turn my head towards him and said, "I wanna cut." with matching beautiful eyes. Insert pak aura pa 'yan ah.

Nagulat ako sa tugon niyang, "Sure..." Nagmadali naman akong tumalikod nang bahagya para maimpake ang gamit na nasa desk ko.

"OMG. This is it. Makakaalis na rin ako rito." I excitedly murmured under my breath. Shet. Mabait pala ang mokong na 'to e. Himala!

Papunta na ako sa pintuan at ipipihit ko na ang doorknob nang nakaramdam ako ng isang tapik sa balikat ko. Agad naman akong napalingon.

And he's there. Smirking. While holding a pair of scissors using his other hand. I can feel na unting pitik na lang sa mga kaklase ko, mamamatay na sila sa pagpipigil ng tawa.

At bakit sila natatawa?

"So what's the problem?" I asked him. "And why are you holding scissors?" I raised a brow.

"Where are you going? Here, gunting, gupitin mo itong banner ng block mo. You asked for it, right?" He grinned at me and handed the scissors out to me.

And it sank in. He approves my request of cutting literally. As in, literally.

I left my jaw open after realizing what he meant. And I heard a burst of laughter. Kanina, sandamakmak na pasulat. Ngayon, gupit naman? Punyeta. Naiinis na ako ah. Tutusukin ko na mata neto eh.

"With this rare kind of beauty I possess, papagupitin mo lang ako? Hello?!" I contested.

"In this room, there are no exceptions. Whether you're a beauty or not." He chuckled lightly while placing each of his hands on his pockets.

"Fuck you." Mahina ngunit malutong kong sabi.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon