Lesson 31

36.7K 400 113
                                    

Lesson 31

Doubts

"Kinakabahan ako, RR..." Katatapos lang niyang i-park ang sasakyan sa parking lot. Fck this is the day. Kaya ko ba itong i-handle?

Pagkahugot ng susi ng sasakyan, inabot niya ang kaliwang kamay ko at bahagyang pinisil ito. "It will be fine, Cheska. Your Ate is a rational person."

I grimaced. Rational? Rational ba yung ikakasal na yung tao at iiwan ka na nga pero ayaw mong pakawalan?

I cursed under my breath.

"If you think you cannot handle it alone, pwede kitang samaha-"

"No, I should do this, RR. Tyaka baka magka-ilangan kapag kasama ka."

Bumuntong siya ng hinga. "Alright, whatever suits you. See you in class later."

I was about to open the door when he pulled me back to my seat.

"Why?" tanong ko nang puno ng pagtataka sa kanya.

"I hope you'll behave later in class... Please?" Nagsusumamo ang mga mata niya sa pakikiusap sa akin. Cute mo gago.

I blew the wisps of stray hair across my face. "Mabait naman na ako recently. Ang dapat sinasabihan mo niyan si Genera. Sobrang yabang! Last time, she bragged about her score-"

"Ako na bahala sa kanya. Basta 'wag mo na siyang patulan, okay?" He tucked my hair behind my ears. Hoy! Walang ganyanan, ma-fall ako nang tuluyan nito eh!

I pouted. "Fine, fine."

"No phones later, okay? Gusto ko nasa akin ang buong atensyon mo mamaya."

"Oo na, I gotta go bago pa dumami yung tao dito sa parking lot."

When I stepped outside the car, I almost dropped my stuff. Nakatayo ng ilang metrong layo lang mula sa kotse si Genera.

Fck.

I just have to ignore this witch. Binilisan ko ang paglakad sa pagbabalak na lampasan siya ng walang usap-usap.

Bago pa man ako makalagpas sa kanya, hinigit niya ang braso dahilan upang mapatigil ako.

"Bitch," she said through gritted teeth. "What the hell did I just see? Bakit ka galing sa kotse ni Sir?!"

"Don't you dare touch me!" Piniglas ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Damn, her grip left a bruise on my arm! "Pake mo ba ha? Eh ikaw, anong business mo dito sa parking lot? 'Wag mong sabihing hinihintay mo siya?" I smirked at the thought. This bitch does not have any ounce of chance on RR.

Her face was contorted with disgust. "Bakit ba? Eh may itatanong ako sa kanya eh!"

"Really? Itatanong? Tss." I crossed my arms. "'Yang tanong mo ba hindi makakapaghintay sa room? Talagang aabangan mo pa dito sa parking lot, huh?"

"So pake mo?" she bellowed. Galit ka na niyan, sis?

"'Wag mo akong masigaw-sigawan ha?! So pake mo rin kung galing ako sa kotse ni Sir? Ang aga-aga pa Genera, sinisira mo agad ang araw ko."

I turned my head sharply away from her. I should go now. I just promised RR na hindi ko papatulan itong babaitang ito. I am afraid I would break my promise if I stay longer here. Nag-iinit na ang mga palad ko at natutukso na akong sampalin 'tong babaeng 'to.

I started to walk but it was abrupted when I felt my hair was pulled from behind.

"FCK! LET GO OF ME, BITCH!" sigaw ko sa kanya. Inabot ko ang kamay niya na nakabaon sa buhok ko.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon