Lesson 9

52.4K 431 88
                                    

Lesson 9

History Repeats Itself


Tumakbo ako palabas ng gusali at buti na lang naka-flats ako! Dapat hindi ko hinahayaang magpatalo sa ganoong mga bagay! Di bale, babawi ako!


Pumunta na ako sa susunod na klase which is Philippine History. Goodness, another detail-loaded subject! I hate memorizing! Tiningnan ko ang class schedule at ang prof ko raw ay si Mr. Neil Raphael Tiangco.


Psh. History ba kamo? For sure, matandang kalbo ang professor ko diyan! Okay lang kahit ganoon, basta maraming bonus opportunities, okay na ako sa kanya!


Habang naglalakad ako papunta sa susunod na klase ko, I checked my social media accounts. All of them are private since my dad doesn't like me to be known in public. Kaya nga kapag nalaman niyang nakipagmeet ako sa isang talent scout last week, he'll ground me for sure. Mga schoolmates at batchmates ko lang usually ang circle of followers ko sa Twitter at Instagram.


Nag-ring ang notifs ko.


Twitter: Rick Ryan followed you.

Instagram: @rawryan wants to follow you.


My eyes went wide and I gasped. OMG, seryoso ba talaga ang lalaking 'yun?! I accepted his follow request on Instagram, followed him back and swiftly scanned his IG. Mostly travel pictures ang nakikita ko sa feed niya.


Ang gwapo. Shet.


Oo na, hindi ko na ipagkakaila, girls. Ang gwapo niya talaga. Tangina naman oh. Kaso may attitude lang talaga eh. (Akala mo naman ako walang attitude LOL.)


Habang pinagpipiyestahan ko ang mga pictures niya, may napansin ako sa itaas ng profile niya. Mayroon kasi sa bandang itaas ng common followers naming dalawa and I saw:


@francine.romulo and 45 others follow @rawryan


Huh? Kilala ba ni Ate si Sir? Who knows, maybe she just came across this bachelor's account.


Panay tingin pa rin ako sa Instagram hanggang sa umabot na ako sa classroom namin. It's located in the first floor. Salamat naman. Sa sobrang lawak ng school naming at medyo malayo ang mga gusali sa isa't isa, mas nakakapagod kapag ang class mo nasa 4th o 5th floor.


Room 117.


Wala pa palang prof. Siguro matatagalan yun sa pagpunta rito dahil matandang uugod-ugod na haha!


Iilan pa lang kaming nasa room. Hindi lalagpas sa limang mukha ang pamilyar sa akin. Yung iba hindi ko na kilala pero I know they know me. Of course, I am the popular Cheska Romulo. Duh.


Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto para pumili ng mauupuan. Sakto, namataan ko ang isang lalaking nakapwesto malapit lang sa pintuan. Shet, ang gwapo rin ng isang 'to! Kaso nga lang tulog si pogi. Sa katangkaran niya sobrang lagpas ang balikat niya sa sandalan ng upuan kaya naka-lean backwards ang ulo niya habang nakanganga. OMG, cutie!

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon