Lesson 15

47.8K 371 57
                                    

Lesson 15

The Wedding



"Baby, lahat ng gamit mo napadala na sa unit ni Rodrick." Sabi sa akin ni Mom habang naglalagay ako ng eyeshadow sa kaliwang eyelid ko. I am doing my own make up and hair since I am good with this. Para saan pa kaya ang mga pinanuod kong makeup tutorials sa Youtube? It becomes useful in events like this.

"Okay," maiksi kong sagot sa kaniya. Ang naiwan na lang sa kwarto ko ngayon ay itong vanity table na ginagamit ko ngayon, kama ko, at ilang furnitures. The rest, nasa unit na ni Sir. For more, I haven't seen his unit.

"May kailangan ka pa ba, baby?" Tanong sa akin ni Mama habang pinagmamasdan niya akong mag-make up. Umiling lang ako. My dress, stilletos, accessories, and flowers are laid across my bed. Wala na akong ibang kailangan. "Ah sige, may aasikasuhin lang kami ng Dad mo, okay? We're just gonna contact the City Hall again. Be ready in an hour. Love you, baby." She patted my shoulder and kissed me on the cheek.

Abala ako sa pagmake up kaya hindi na ako sumagot pa. Pagkatapos daw ng ceremony sa City Hall, Mom, Dad, Tito Lenard, and Tita Rica will hold a reception in the City Hall. Our marriage requirements were processed fast dahil na rin magaling ang lawyer na kinausap ng mga parents namin ni Sir. As for us, after wedding, diretso na raw kami sa unit ni Sir dahil may nakaprepare na raw na romantic dinner sa rooftop ng condo niya.

I sighed upon the thought. Pati dream reception ko, wala. Ni wala nga akong bridal shower. My dream bridal shower is to bring my friends to one of our islands.

Romantic dinner with Sir? Nasusuka ako kapag naiisip ko. Baka magbatuhan lang kami ng kutsara't tinidor ng shithead asshole na 'yun. Nako, itulak ko pa siya sa rooftop!

Nagvibrate ang phone ko.

From: Bestie
Bestieeeeeeee!!! 😍 This is the day! I'm soooo excited to see u huhu. U need to look gorjez, ok?  Miss u and see ya in an hour. Mwaaaaah! Kitakits sa city hall. 💕

Napangiti ako sa message niya.

To: Bestie
I'm nervous but u know I'll still be super gorg. See yaaaa later bestieeee! Mwa.

After one hour, I went out of my room all set. I am wearing my dress, stilletos, and accessories. Nakalugay lang ang buhok ko at kinulot ko ang dulo nito. Naglagay ako ng maliit na tiara sa ibabaw ng ulo ko.

Naglakad ako pababa ng hagdan. Naabutan kong nagkukuhamog ang mga magulang ko. Parehas silang may kausap sa mga phone nila at panay lakad kung saan-saan. Mom is in a white long elegant dress. Dad is wearing a suit.

Napatigil sila sa kaabalahan nila at nilapitan ako.

"Cheskie," napalunok si Dad at halos napapapikit na dahil naluluha ang mga niya nang makita ako. "God, you're so beautiful." Kinuha niya ang mga kamay ko at niyakap ako.

Lumapit din si Mom. "Are you ready, baby? Don't worry the ceremony will be very quick." Very quick. Kasi straightforward pirmahan. I can imagine myself having a bitter laugh. Wala na talaga ang pinapangarap kong dream wedding! Ito na 'yun eh.

"Let's get in the car, okay. The judge is already there." Lumabas na kami ng bahay at pumasok naman sa aming black Porsche. Pinagitnaan ako nina Mom and Dad sa backseat.

Hawak-hawak ko ang mga peach chrysanthemum. Mom used these flowers during her wedding and that's where I got my name Chrysanthe (pronounced as kri•zan•tey). I have this urge to pluck off the petals becaude I feel so nervous.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon