Lesson 13

49.3K 461 129
                                    

Lesson 13

Prettiest


"See you tomorrow," paalam sa akin ni Sir nang buksan ko ang pinto sa kotse sa tabi ko habang dala-dala ang mga binili ko. Nasa tapat kami ng mansyon namin galing Fleur Plaza. Niyaya niya akong kumain ng dinner kanina pagkabili ng singsing pero sabi ko busog pa ako. That's true, wala akong gana dahil... basta! Ano naman if I feel bad because of our wedding rings?

Nang nasa labas na ako binaba niya ang ulo niya para makita ako. Tumango lang ako sa kanya at isinara ang pinto ng medyo malakas. Hindi ako lumingon sa sasakyan hanggang sa makapasok ako ng gate namin. Pagkapasok ko, doon ko lang narinig na umandar na paalis ang kotse ni Sir.

Naabutan ko sina Mom, Dad, at Ate sa living room sa gitna ng pag-uusap. "It's a miracle you're here, ate," sabi ko habang inaabot ang dalawang shopping bag kay Yaya. Napatingin silang tatlo sa akin.

"Oh Cheskie!" Nilapitan ako ni Mom at hinalikan ako sa pisngi. "Kararating lang halos ng Ate mo. We're convincing her to go to your wedding especially it won't take long to be ceremonized." Napansin niya ang shopping bags na iniabot ko kay Yaya. "May I see the gown, baby? Did you also buy your wedding rings na?" I just nodded and walked my way to Dad who's checking a stack of papers in front of him.

"Hi, Dad," I gave him a peck on the cheek. He gave me one in return.

"How about Rick? Nauna na ba siya?" Tanong ni Mom.

"Yes," I shortly replied.

"Sana pinapasok mo muna dito," sabi ni Mom.

"Wala naman siyang gagawin dito. Besides, may klase pa bukas," I explained.

"How's your day, Cheskie? Saan kayo bumili ni Rick ng gown mo at rings niyo?" Tanong nman ni Dad.

"We just went to Fleur Plaza. It's the nearest anyway." Sagot ko kay Dad. "Why are you here by the way?" Tumingin ako kay Ate na kasalukuyang nakatitig sa gown ko na sinusuri ni Mom.

Wala siyang isinagot. Nice talking, Ate. Why is she spacing out?

"This is a nice choice, baby! I love the simplicity!" Mom exclaimed as she continued on exploring every part of the dress. Nakatitig pa rin si Ate sa wedding gown ko.

Inilabas din ni Mom ang ring na dala ko that I am supposed to wear to Sir when we exchange vows on Saturday. Ang ring ko naman ay nasa kanya.

"This ring is magnificent, baby!" Mom exclaimed as he opened the box of ring.

"Ang ganda ng design, Cheskie ah? Looks classic," Dad commented as he peeked on the ring.

"He picked it for me," singit ko habang tinutukoy si Sir.

"How sweet," kinikilig na sabi ni Mom at ibinalik ang dress sa box nito.

Ibinalik ni Ate ang tingin niya sa akin. "He really picked it for you?" Tanong niya at tiningnan ulit ang lalagyan ng damit. "Both your wedding gown and the wedding ring?"

"Yep," sagot ko. "Is there something wrong with it? I know it's too simple. I just agreed coz I also realized the ceremony is also simple. It's too far from my dream wedding," bakas sa tono ko ang disappointment. Gusto kong maiyak. I don't know why pero baka emotional lang talaga ako kasi ang dami kong plano sa dream wedding ko tapos sa ganito lang pala mauuwi.

Inilapag ni Mom ang bag at naglakad sa harap ko. I was surprised she knelt before me and clasped my hands. Maski si Dad ay nagulat. "Loves," natigil siya sa sa ginagawa niya at tiningnan si Mom.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon