Lesson 23

45.3K 350 130
                                    

Lesson 23

IDFC

"Refill please," sabi ko sa kabila ng pinaghalong ingay ng musika at hiyawan ng mga tao habang inilapag ko nang malakas sa harap ng bartender na halos may edad na ang red cup na kanina ko pa iniinuman for the nth time.

May mga kamay sa balikat ko na dumapo at iniharap ako sa kung sinuman ang may-ari nito.

Oh, it's Neil. He looked exhausted. Beads of sweat formed in his temples despite being in this air-conditioned establishment. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Enough, Cheska. It's your 5th cup."

"So?" Tumalikod ulit ako sa kanya at kinuha ang red cup na nalagyan na naman ng panibagong alcohol. Tinabig naman ni Neil ang kamay ko kaya nasinghapan ko siya. "What was that for?!"

"Cheska, look at you! You're definitely drunk!" 

"I am not!"

"You are!"

"It's only my 5th cup!"

"But you are low tol (low tolerance in alcohol)!"

Nagsisigawan na kami halos dahil sa sobrang lakas ng musikang pinapatugtog sa bar.

"I want to get f*cking wasted kaya 'wag mo akong pakealaman pwede ba?!" Tinulak ko na siya dahil ano nga ba talagang pake niya? I'm enjoying the night. huwag siyang KJ tulad ni RR.

RR...

Pagkaisip ko pa lang ulit sa pangalan niya, umiyak na ako.

"Come here," tuloy kong hinayaan na lang ang sarili kong sumunod kung saan ako hinahatak papunta ni Neil. It turns out he's leading me to the parking lot. Halos walang tao na rito at dinig pa rin ang musika sa loob. Ayun nga lang, mas mahina na ang naririnig ko rito.

Nang nasa gilid na kami ng kotse niya, tumunog na naman ang phone ko. Halos mahulog ko na ang phone ko sa pagkuha nito dahil nanlalambot ang mga daliri ko. Hinablot naman ni Neil ang phone ko at nagulat ako dahil siya ang sumagot.

"Fuck you, bro!" sabi niya sabay tapos ng call.

"Was that RR?" tanong ko sa kanya. Goodness, nahihilo na ako.

"Sino pa nga ba?" kitang-kita ang pag-igting ng panga niya. Binulsa niya ang phone ko at pagkatapos noon ay nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa aming dalawa. Patingin-tingin lang siya kung saan-saan habang nakapamulsa.

Ipinatong ko na lang ang mga braso ko sa roof ng sasakyan niya at yumuko doon. 

"Hey, are you okay?" he asked then I groaned as a response. Sa sobrang hilo ko gusto ko na lang humiga at matulog.

"Cheska..." Nawala na ang tensyon sa boses niya. Inalalayan niya ang balikat ko at iniharap ako sa kanya. Itinangala niya ang nakayuko kong ulo habang nakahawak sa chin ko. Hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko kaya panay pikit ako kahit tinititigan ako ni Neil.

"God... You're a beautiful mess, Cheska." Aniya sabay hawi sa mga takas na buhok ko sa mukha ko. "I wish you were mine instead."

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon