Lesson 22

46.9K 407 135
                                    

Lesson 22
Marked

"Girl, ilang araw ka nang naka-turtle neck ha? May hickey ka -" I cut her off by blocking her mouth with my hand.

"Sharpay! For Pete's sake, can you please lower your voice?!" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa paligid ng library. May ilang estudyanteng sumisilip sa amin dahil sa lakas ng boses ni Sharpay.

Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya habang naghahabol siya nang hininga. "Guilty ang loka, may hickey ka nga -"

"Bes! Ano ba? Uso private talk? Lakasan pa talaga dito sa library eh 'no?" inirapan ko siya at tinitigan nang matagal.

Nagpipigil siya nang tawa ngayon. "So totoo nga, may chikinini ka nga?" Kitang-kita ko na ang paglabas ng mga ngipin niya. Unti na lang hahalakhal na ito sa pagtawa.

"Wala," mabilis kong sagot niya habang nagbubuklat ng libro. Chikinini ba talaga ang tawag dito? Ang kadiri pakinggan, bakit ganoon??

"Eh bakit parang laging tinatakpan mo 'yang leeg mo ha? May pa-choker ka pa noong nakaraan! At kilala kita, bestie, chokers are never your style."

Mamatay ka na, RR. Dahil sa kalandian mo kaya nangyayari ito sa akin.

"You know, bestie, minsan pwede ring mag-iba ng fashion style." Pinilit ko na lang na ngumiti sa kanya at agad na iniliat ang tingin ko sa binabasa ko.

"Sus. Ang gusto mo nga yung mga backless, spaghetti strap, v-cut, off-shoulder, lahat ng hubadera outfits ang peg mo. Kaya 'wag ako, bestie. May kung anong tinatago ka diyan panigurado sa leeg mo." Pilit niyang inilalapit ang mukha sa akin habang nagkukunwari akong naka-focus ako sa librong nasa harap ko.

"Bestie, nagbabasa ako," saway ko habang patuloy siya sa pangungulit sa akin.

She pouted, "Patingin muna ng chikinini mo hihi."

"Wala nga!"

"Meron. Patingin na kasi."

Seryoso ba talaga 'tong babaeng 'to? "Kung curious kang makakita ng chikinini, i-Google mo na lang, okay? Tigilan mo itong akin."

Napatigil ako nang mapagtanto kong nadulas ako sa sinabi ko. Napagiwi na lang ako at dumiretso ng tingin sa libro. Sana hindi napansin ni Sharpay ang sinabi ko.

"He-he," nakakaloka ang mabagal niyang pagtawa. " So talagang meron nga... Okay, fine, hindi ko na titingnan 'yan. Satisfied na akong malamang chikinini 'yan." Napabuntong-hininga na lang ako sa pinagsasasabi ng katabi ko.

"Binigyan mo rin ba siya?" Bulong niya sa akin.

I glared at her. "Hindi," mariin kong sagot sa kanya.

She pouted in response. Naloloka ako sa expectations ng babaeng 'to.

"Pang-ilang base na kayo?" Bulong niya ulit sa akin.

"Seriously?!" Angil ko sa kanya sabay hampos sa braso niya.

"Ms. Romulo! Keep your voice down!" Sita sa akin ng librarian na nag-aayos ng mga libro sa shelves na malapit sa amin.

"Humanda ka talaga sa akin," I muttered under my breath. "By the way, I have class in a few minutes. Mauna na ako." Paalam ko kay Sharpay habang  isinusuksok ang libro sa bag ko.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon