Lesson 29

39.3K 369 123
                                    

Lesson 29

Explanations


Cine...

Cine...

Cine...

The name kept ringing inside my head. I suddenly felt my knees turned wobbly. Napahawak ako sa railing for support.

"Bes..." sambit ni Sharpay para basagin ang katahimikan at ang nakakaasiwang sitwasyon namin.. She saw everything that had transpired.

"Cheska -" may sasabihin sana si RR nang tinapik siya ng teammate niya.

"Rodrick, tawag tayo ni Coach!"

"We'll talk later, Cheska. Please wait for me." He looked at me with beseeching eyes before trotting back to their team circle.

My insides are screaming: BAKIT ANG GAGO NG MUNDO?!

Ate has kept mum from the moment RR acknowledged her. Mas lalo akong naiinis na hindi siya nagsasalita ngayon. Kanina ko pa nararamdaman ang urge na umiyak pero naisip ko ayaw kong mas mukha pang loser sa harap nila.

Alam ko sa sarili kong may dapat akong sabihin pero parang napipi na lang ako bigla. Fck. Alam kong bobo na ako pero mas nabobo ako sa nadiskubre ko.

Nagsimula na ang 2nd quarter ng laro. Nanunuod lang si Ate ngayon na para bang walang nangyari kanina.

Kinuyom ko ang kamao ko.

Nagsimula na ulit ang hiyawan ng mga tao. Ngunit bawat sigaw para bang naririndi ako. Nakakahilo, nakakasuka... Hindi ako makahinga!

"I want to be alone," bulong ko kay Sharpay at saka tumakbo papalabas ng covered court.

Siguro weird tingnan pero tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang makarating ako sa Open Field ng unibersidad. Buti na lang at halos lahat nasa covered court. Solo ko ang lugar.

Tumakbo ako sa field kahit madilim na. Tumama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. At this point, wala na akong pakialam kung mukha man akong tanga rito. I just want it all out!

I scream my lungs out. Saka ko hinayaang tumulo ang luha ko. Sanay naman na akong hindi ipakita na umiiyak ako.

Nang wala na akong maisigaw dahil paos na ako, umupo ako sa gitna ng field. I beat my chest. Pakiramdam ko pinipiga yung puso ko.

Hindi ako makapaniwala... na sa pagkarami-rami ng babaeng pwedeng mahalin ni RR... Bakit si Ate pa? Bakit nagsinungaling siya sa akin? Bakit nagmukha akong tanga? Papanindigan ko ba talaga na ang bobo ko sa lahat?!

Tang*na bakit ang rupok ko noon? Bakit ko hinayaang halikan niya ako noon knowing na may namamagitan pa rin sa kanila ni Ate? What was all of that? Distraction para hindi ko malaman ang totoo?

I thought about every statement that he said to me. He wants to work things out? He wants to win my heart? He already broke up with his ex?

Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng tiwala para paniwalaan lahat ng sinabi niya sa akin.

My mind replayed how my sister fixed a cold stare at me a while ago.

I've always known that we are not the best set of sisters. We are just the polar opposites but damn, I did not expect na magagawa niya ito sa akin. Na kahit alam niya nang kasal si RR sa akin ay kakapit pa rin siya.

Is this what love can really do? That you could lose your respect to yourself? That you could hurt someone else in the expense of your own bliss?

I have never felt more stupid in my life until today happened.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon