Random

12.7K 407 904
                                    

First of all, I'm so sorry about the last chap, peace guys.

Btw this is written in tagalog, nabobobo ako sa mga pangyayari eh.

-

LISA

"Good morning Ma'am Lisa!" Bati sa'kin ng driver namin.

"Good morning Manong Rodrigo." Bati ko pabalik at pumasok ng van, kailangan na ulit namin bumalik ng dorm, birthday ni Jisoo ngayon and magce-celebrate kaming apat, na ayaw ko sanang mangyari. After nun pupunta kami kay YG bukas regarding sa tour namin.

In-open ko phone ko at tinext si Jisoo na sinundo na ako.

"Si Jennie ang susunod nating sunduin ah?"

Napaawang ang panga ko ng marinig yun. Bakit si Jennie agad? 'Di ba pwedeng si Jisoo muna o si Rosé? Puta naman!

Okay, alam kong OA ako, I know I'm Over Attractive pero seryoso? Jennie agad? Eh hindi pa nga ako nakakamove on dun.

Matagal na akong may gusto sa kanya. Paano, ang landi niya pagdating sa akin. Ang dami niyang pinapakitang motibo, akala ko gusto niya ako, yun pala, Nini din ang gusto.

Never pa akong nagconfess sa kanya, at wala akong balak pa, may jowa na siya eh. 2 days na rin nung nireveal yung tungkol sa kanila, ako naman 'tong iyak ng iyak kasama sila bebe Leo.

Nung New Year na, nakalimutan ko nang magpost kasi iniisip ko si Jennie. Nagvi-video chat pa nga kami nila Jisoo at Chaeng nun, pinapatahan nila ako.

Hindi ko nga alam kung makakamove-on pa ako, sana magbreak na lang sila.

Maya-maya nakarating na kami kila Jennie. Oo, Jennie Jennie na lang hindi na Nini, magsama sila ng Nini niya.

Bilis naman ata ng patakbo ni Manong Rodrigo?

"Lisa-yaaaah!" Umupo siya sa tabi ko at sumiksik sa akin, may pahawak pa siya sa braso at hita ko.

Tangina naman.

Pilit akong ngumiti. "Hi."

"Hi lang?" Bigla siyang nag-pout. Problema nito? Ano pala gusto niya?

"Kila Ma'am Rosé po tayo susunod."

Tumingin na lang ako sa bintana.

Naramdaman ko namang humiga siya sa balikat ko. Ayan na naman tuloy yung mga tutubi sa tiyan ko.

'Lisa, tandaan mo, hindi ka na dapat naaapektuhan sa mga ganyan.'

"Pero marupok ako eh."

"Ano yun?"

Hala nasabi ko ba ng malakas? "Wala wala." Sabi ko kaya ngumiti siya at humiga ulit sa akin. Napakunot-noo naman ako, ganito din ba 'to kay Jongin?

Isa pa yan, ang hilig niyang sumiksik sa'kin. Paano ako makakamove on kung dikit siya ng dikit?

Saka bakit antagal naming dumating sa bahay nila Chaeng? Bakit ba ang layo ng bahay nun? Kinikilig na ako oh.

Pero normal lang naman to ah? Friends lang kami. Hindi dapat ako kiligin.

At sa wakas nakarating na kami.

Pagkabukas ng van ay agad nagulat si Chaeng nang makita niya kami. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

Tinignan niya naman ako na parang sinasabing, 'Oh akala ko ba move on na?' Umiling na lang ako.

"Unnie, kami na lang yung tabi ni Lisa." Sabi ni Chaeng sa kanya.

Pero si Jennie? Mas sumiksik pa sa'kin. "Ayoko."

Napa-woah naman si Chaeng at pumunta na lang sa likod.

Maya-maya nasa bahay na kami ni Jisoo at sa front seat siya umupo, nag-uusap kaming tatlo through chat, inexplain ko sa gc naming tatlo kung paano kami napunta sa ganitong posisyon. Buti na lang hindi tumitingin si Jennie.

Dumating naman agad kami sa dorm at isa-isa kaming pumasok sa sarili naming kwarto. Humiga na lang ako sa kama at inisip yung mga pusa ko.

Hayy. Miss ko na si Leo at Luca—at si Jennie, charot never naman siyang naging akin.

Napatingin ako sa pinto noong may bumukas, si Jennie pala.

"Pa-cr."

Tumango na lang ako.

Ito lang ang tanging meron ako na wala kay Jongin.

Nasa akin ang banyo.

-

"Tangina Chaeyoung inom pa! Hindi yung puro ka pulutan!" Sigaw ni Jisoo sa kanya.

"Bakit ba? Eh andami-dami nating pagkain masasayang lang 'to! Akala mo naman ikaw bumili."

"Birthday ko ngayon sundin mo 'ko!"

Lasing na yang mga 'yan. Yes, umiinom kami ngayon. Wag kayo mag-alala hindi kami mahuhuli.

Bawal? Sus si Jennie nga nagkajowa bawal pa ba kami uminom?

Ang saya lang, nagbabarahan lang kaming apat. Yung normal na kasiyahan namin, that's the way how we celebrate.

Naglaro na din kami ng kung ano-ano, nagpakasaya lang kami. Kunwari, kami-kami lang at walang YG, walang fans.

Ilang oras ang nakalipas, nakatulog na si Jisoo at nasuka na si Rosé sa kwarto niya.

Masyadong mabilis ang oras at mabilis din ang mga pangyayari, ni hindi ko nga maipaliwanag kung bakit kami naghahalikan ni Jennie sa sofa ngayon.

JENLISA WHUT?Where stories live. Discover now