22: Out of Control

506 15 4
                                    


Prince's POV

"Goodbye, my poor little prince."

Nagtaka ako nang kalagan niya ako sa pagkakagapos sa kamay at paa. Nakangisi lang siya sakin habang ginagawa niya iyon. Habang ako, hindi maiwasang mapaisip sa tumatakbo sa isipan niya ngayon. Ano na naman itong pakulo niya? Ano bang plano ni Aira sakin?

"A-anong ginagawa mo?"

Nang matapos niya akong kalagan ay lumayo siya ng mga ilang hakbang at may kinuha siyang bagay sa may ibabaw ng mesang malapit sa pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang isang kutsilyo iyon at sa wari ko'y napaka-talas nun. Tumingin muli ako sa kanya at tinuro lang niya ang kutsilyong hinagis niya sa harapan ko.

"Damputin mo. Patayin mo ko," aniya at sumulyap ang ngiting aking kinatatakutan.

"Hindi mo ako mauuto! Hindi ko dadamputin 'yang lintik na kutsilyong 'yan!" Pinandilatan ko siya ng mga mata at binato sa kanya ang kutsilyo.

Nanginig ako sa kinauupuan ko nang madaplisan siya nun sa kanyang binti dahilan upang magkasugat siya. Nagdugo iyon at nakita kong napayuko siya.

Nang itaas niya ang ulo niya ay nagulat ako nang maging iba na ang aura niya. Kung nakakatakot na siya kanina, mas dumoble pa ito ngayon. Mapula ang mga mata niya at may itim na aurang pumapalibot sa kanya.

Napalunok ako.

"A-anong nangyayari?!" gulat kong sabi habang napapaatras sa kinauupuan ko.

Nang itaas niya ang kaliwang kamay niya ay nagulat ako nang biglang dumiretso sa pagkakatayo ang katawan ko. Sa isang iglap, biglang hindi na ako makagalaw. Sinubukan kong ikilos ito ng naaayon sa gusto ko ngunit mas malakas ang pwersang kumukontrol sakin.

"Bakit hindi ako makagalaw?" sabi ko ngunit wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kanya.

Nang itaas naman niya ang kanang kamay niya ay nagulat ako nang gumalaw ang katawan ko at dinampot ang kaninang kutsilyo na hinagis ko sa kanya. Anong ibig sabihin nito? Kinakabahan na ako ng husto.

"Handa ka na?"

Nagimbal ako nang muling kumilos ang mga kamay ko at itinapat ng kanang kamay ko ang kutsilyo sa gilid ng aking ulo. Tagaktak na ang pawis ko dahil sa sobrang kaba ngunit hindi ko talaga malabanan ang kakaibang pwersa. Mas lalo pa itong lumakas kaya malabong mapigilan ko pa ang mg susunod na mangyayari.

"Pigilan mo ako!" sabi ko ngunit bingi-bingihan pa din si Aira.

Wala na akong ibang magawa ng mga sandaling iyon kungdi ang umiyak ng umiyak dahil oras ko na. Ganito pala ang pakiramdam kapag sinusundo ka na ni Kamatayan. Nakakakaba. Nakakakilabot at sobrang nakakatindig balahibo.

Pumasok bigla sa isip ko si Cyrill. Natitiyak kong hindi niya matatanggap oras na malaman niyang wala na ako. Kilala ko ang babaeng iyon. Mahal na mahal niya ako. Balak ko na nga sanang manligaw sa kanya sa darating na bakasyon ngunit mukhang imposible na yatang mangyari pa ang bagay na iyon.

Mawawala ako nang hindi nakapagpapapaalam sa kanya.

"Anong binabalak mo?" tapang-tapangan kong tanong habang diretsong nakatingin sa kanya.

Ngumisi lamang siya sakin na sinabayan niya ng mahinang pagtawa. Yumuko siya saglit bago muling tumitig saking mga mata. Matatalim ang titig niyang iyon. Mas matalim pa sa kutsilyo.

"May gusto ka ba pang sabihin bago ko ituloy ang gagawin ko?"

Hindi na niya ako hinintay pa na sumagot ay kinumpas na niya ang kaliwang kamay niya. Napasigaw ako sa sakit nang kusang gumalaw ang kamay ko at sinaksak nito ang gilid ng ulo ko.

Pagkahugot ng kutsilyo sa ulo ko ay tumulo ang maraming dugo doon. Ramdam na ramdam ko ang pagagos niyon sa aking mukha. Iyak lang ako ng iyak dahil wala akong magawa. Kontrolado niya ako. Siya ang magpapasya kung anong gusto niyang gawin ko.

"Masakit ba?"

Kinumpas naman niya ang kanyang kanang kamay at paulit-ulit niyang ginawa iyon. Napasigaw ako dahil doon dahil sunod-sunod na pagsaksak ang gagawin ng kamay ko.

Napuno ng sigaw ko ang silid na iyon maging ng dugong nanggagaling sa ulo ko. Walang tigil ito sa pagagos habang patuloy pa rin sa paggalaw ang kamay ko.

Nakita kong nawala na ang itim na aura na nakapalibot sa kanya at bumalik na rin sa dating kulay ang mga mata niya. Nakangusi lang siya sakin habang pinapanuod ako. Walang patid na iyak at sigaw naman ang ginawa ko. Pakiramdam ko ay naglalabasan na ang utak ko sa aking ulo.

Unti-unting nandilim ang paningin ko. Hinang-hina ako. Napapikit ako nang sandaling hindi ko na kaya. Namasdan ko pa ang pagmumukha niya bago ako tuluyang bawian ng buhay. Nakangisi pa rin siya sakin.

Pagbabayaran mo rin 'to, Aira.



Cyrill's POV

"Kaya mo na ba talaga?" tanong ni Marvin.

"Oo. 'Wag niyo kong alalahanin. Ang pagtuunan niyo ng pansin ay ang paghahanap kay Prince. Okay lang na mag-stay muna ko dito since kakarecover ko lang sa trauma," naangiting sabi ni Patricia.

"Ano bang nangyari? Bakit bigla ka nalang inatake ng trauma mo? Imposibleng biglaan lang iyon," sabi ni ate habang alalang-alala.

Tahimik lamang ako habang pinakikinggan ang pinaguusapan nila. Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Tila may nangyaring hindi maganda. Unang pumasok sa isip ko Prince ngunit alam kong hindi niya hahayaang mamatay siya. Nagpromise siya sakin. Ang sabi niya, hinding-hindi niya ako iiwan.

"Bakit ang tahimik mo?" puna sakin ni ate nang mapansin niya ako.

Umurong siya ng kaunti sa pwesto ko at njyakap ako. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang ako naluha ng sandaling iyon. Napatingin tuloy samin sina Patricia na takang-taka. Baka iniisip nila na inaway na namn ako ni ate kaya ako nagkaganito kahit na hindi naman talaga.

"Si Prince ate... Ligtas pa ba siya?" tanong ko.

"'Wag kang magisip ng hindi maganda. Siguradong ligtas siya ngayon."

"Paano kung pinatay na siya ni Aira? Anong gagawin ko?" Mas humigpit ang yakap ko kay ate at napaiyak talaga ako ng todo.

"Kung mangyari man iyon, ipaghihganti natin siya. Pagbabayarin natin si Aira sa kademonyohang ginawa niya."

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ko ang mga tumulong luha sa mga mata ko. Nakangiti akong tumingin sa kanilang apat. Ngumiti rin sila kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng clinic. Nacurious akong malaman kung sino ang pumasok kaya sumilip ako sa nakaharang na kurtina. Tumingin ako kaliwa't kanan hanggang sa makita ko ang hinahanap ko. Bakit siya nandito? Anong nangyari sa binti niyang may sugat?

"C-caroline?"

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon