12: After Exam

672 25 0
                                    


Patricia's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Bakit pinapatay ni Dianne ang mga estudyante? Nababaliw na ba siya? Muntikan na niya kaming mabaril kanina. Mabuti na lang at nakaiwas kami kaya't buhay pa kami sa mga sandaling ito.

May kakaiba sa kanya. Naaalala ko sa kanya iyong lalaking nakita kong pinagsasaksak ang sarili nito. Hindi kaya... iisang tao lang ang may kagagawan nun? Iyong taong nagpasumod sa lalakng iyon ay si Aira? Posible. Posibleng si Aira rin nga ang taong iyon.

Sino ba kasi siya? Nakakairita. Nawala na lang sa paningin ko bigla ang mga kaklase kong babae. Lahat sila. Hindi ko tuloy malaman kung sino sa kanila ang biglang nawala kanina at kung ano ang ekspresyon ng mukha nila habang pinagmamasdan si Dianne.

Tandang-tanda ko pa rin iyong paglabas ni Dianne kanina mula sa backstage. Nagulat talaga ako ng husto. Akala ko noong una'y namamalikmata lang ako pero hindi pala. Siya talaga iyong nakita ko. Si Dianne ang taong nasa harapan naming lahat kanina.

Marami ang nagulat at naguluhan. Papaano siya nakapasok sa Sebastian Academy nang walang nakakaalam? Siguradong kagagawan na naman ito ng mastermind. Ang talino talaga ng isang iyon. Ang dami niyang alam sa mga ganitong bagay. Ang galing niyang kumilos nang walang nakakapansin sa kanya.

Tumingin si Dianne sa mga estudyante. Sigurado akong kami na mga kaibigan niya ang hinahanap niya. Hindi nga ako nagkamali dahil tinawag niya ang pangalan ko at ni Marvin. Hindi namin kasama sina Anna Marie dahil nasa bandang gitna sila habang kami ay sa hulihan na tutal, huli naman kaming dumating.

Hindi na kami nagatubili pa at nagsimula na kaming lumapit kay Dianne na nasa stage. May malakas na kaba akong nararamdaman habang ginagawa namin iyon. Pakiramdam ko kasi talaga may mali sa nangyayaring ito ngayon.

Bago pa man kami makalapit sa kanya ay pinaulanan na niya ng bala ang mga estudyante sa harap. Sinunod niya ang mga nasa gilid at sa gitna at sa hulihan. Buti na lang at nakatakas kami agad at nakapagtago sa likod ng lamesa kaya hindi niya kami nakita.

"Itigil mo 'yan! 'Wag kang magpapakamatay!" sigaw ng isang pulis kay Dianne. Umiling-iling lang siya.

Nakatutok na sa gilid ng ulo niya ang baril na hawak niya. Napalunok na lang ako at napahawak kay Marvin habang nakatingin kami sa kanya na patuloy sa pagiyak na tila ba hindi niya ginusto ang lahat ng ginawa niya. Kilala ko siya. Hindi niya gustong gawin ang mga bagay na 'to. Talagang may taong nagpapasunod sa kanya ngayon.

"Hindi ko kaya! Kinokontrol niya ako!"

Napatakip ako ng bibig nang pumikit si Dianne at ang huli kong nakita ay natumba siya sa may stage at nabitawan ang hawak niyang baril. Humagulgol ako ng iyak sa dibdib ni Marvin. Hindi ko kaya ang mga nasaksihan ko. Masyadong mabigat sa dibdib.

Wala na si Dianne.

"Dianne!!" sigaw ko at nagiiyak pa rin.

Napalingon ako sa kaliwa ko at kita ko ang isang babaeng nakangiti habang pinapanuod ang mga pulis sa pagtingin sa katawan ni Dianne. Hindi ako makapaniwala. Siya ba?

Siya na ba si Aira?



Ashly's POV

Dalawang araw kaming hindi pinapasok dahil sa nangyari sa event noong monday. Tuluyan na ngang nawala si Dianne na siyang ikinalungkot ng maraming mga estudyante. Marami rin ang natuwa, marahil dahil wala na sa landas nila si Dianne. Magagawa na nilang landiin si Apollo na campus crush rito sa Sebastian Academy.

Nasa klase namin ang lalaking iyon at parating nasa kanya ang atensyon ng mga babae rito, maliban sakin. Sapagkt wala naman akong gusto sa lalaking iyon. Oo gwapo siya ngunit hindi sapat iyon upang magustuhan ko rin siya. Mayabang siya na hindi naman nakikita ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Ang galing niyang umarte sa madla.

Napangisi tuloy ako.

"Goodmorning class! Review for 5 minutes at sisimulan ko ng mamigay ng questionnaire. Goodluck."

Umupo na si Mr. Valdez sa harap ng table niya at binilang ang mga questionnaire na nakapatong doon. Nang ilibot ko ang mga mata ko sa buong klase ay nagrereview na sila. Nagreview na rin ako dahil ayokong bumagsak ako sa exam ngayon. Mahirap humabol kapag bumaba ang grades mo dahil 0 base na ang grading system ngayon.

After 5 minutes ay tinago na namin ang aming mga reviewer at nagsimula nang mamigay si Mr. Valdes ng mga test questionnaire. Siyempre kinakabahan ako dahil baka bigla akong mablangko oras na nasa harapan ko na ang questionaire.

"Kinakabahan ka ba Miss Alcantara?"

Napataas ako ng ulo ko mula sa pagkakatungo at umiling-iling sa taong nagtanong sakin ng bagay na iyon. Ako, kakabahan? Oo naman. Ngunit hindi ko dapat ipahalata iyon sa kanya at baka mas lalong mawala ang focus ko kapag nagkataong nagsimula na kami sa magtest.

"May iniisip lang po," sabi ko at ngumiti. Nilapag naman niya sa desk ko ang questionnaire at lumipat na siya sa kasunod kong upuan.

Inalam ko agad kung anong unang itetest dahil Science ang nireview ko kanina. Baka kasi masayang lang ang mga nareview ko kung sakaling ibang subject itong itetest ngayon.

Napangiti naman ako nang mabasang Science ang subject nito. Talagang umaayon ang lahat sa naiisip ko. At kung tama ako, ang susunod naming itetest mamaya ay ang Math. Hindi malabong mangyari iyon dahil palagay ko'y binaliktad lang ang pagkakasunod-sunod ng subject namin.

"Simulan na natin."

Kinuha ko ang ballpen sa bulsa ko at sinimulang isulat ang pangalan ko sa pinaka-taas ng test questionnaire. Sinama ko na rin ang grade and section, at date. Palaging pinapaalala samin iyon tuwing mageexam kaya naman nasanay na ako.

Nang magsimula na ako sa pagsasagot ay siya ring pagsisimula ng mga kaklase ko. Walang nagsasalita. Tahimik ang buong paligid at busy sa pagsasagot. Nakabalik na rin si Mr. Valdez sa harap at binabantayan kami. Bawal ang magkopyahan. Isa iyon sa pinaka-ayaw niya kaya kapag ganitong may sinasagutan kami, bantay na bantay niya kami.

15. What is Matter?

Napangisi ako nang mabasa ko ang tanong. Ang dali lang para sakin na sagutan ang mga ito dahil nareview ko lahat. Sunod-sunod kong nasagutan ang mga tanong ng walang pagaatubili sa mga sagot. Sigurado akong tama ang mga isinagot ko. Kabisado ko ang mga iyon dahil pinasagutan na rin samin iyon noong naglong test kami sa Science.

Tapos na ako mag-exam.

"Mr. Valdez! Mr. Valdez!"

Napatingin kaming lahat sa pinto ng klase nang isang estudyante ang lumitaw. Pawis na pawis ito at bakas ang takot sa mukha nito. Nakatingin pa rin kaming lahat sa kanya at lahat ng kaklase ko ay nagtataka na sa kung anomang sasabihin niya.

Nilapitan ni Mr. Valdez ang estudyanteng iyon at kinausap ng silang dalawa lang. Wala kaming marinig. Maya-maya pa'y may isang estudyante na naman ang dumating at bigla na lang itong sumigaw.

"Mamamatay tayong lahat!"

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon