23: Flashbacks

489 14 0
                                    


Patricia's POV

Dalawang araw akong hindi nakapasok dahil sa nangyari noon sakin sa kalsada. Binantayan ako ng mga kaibigan ko kaya siguro gumaling ako agad sa trauma ko. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanila dahil sila ang tumulong sakin noong muntikan na naman akong mapahamak nang dahil sa lecheng Bianca na iyon.

Hindi ko na maalala pa ang ilang detalye sa pangyayaring iyon. Marahil dahil sa nawala ako sa sarili ko nun at takot na takot ako. May kaparehas na kotse akong nakita na gaya ng nakabangga sakin. Nariyan rin si Bianca na siyang tumulak sakin nung araw na iyon. Idagdag mo pa ang mismong lugar kung saan ito naganap. Doon rin mismo sa kalsadang iyon at ganon na ganon rin ang pwesto namin noon.

Bago ang ginawa niya, may nangyari pang hindi ko talaga inasahan na gagawin niya. Siya ang may gawa nun kay Lawrence ngunit ako pa rin ang nanagot sa lahat ng nangyari. Talagang planadong-plano niya ang lahat. Wala talagang puso ang babaeng iyon. Demonyo siya.

*FLASHBACK*

Napasigaw ako ng malakas nang hawakan niya ako sa buhok at hilahin palabas ng klase. Wala ang teacher namin ng mga oras na iyon kaya malaya niyang nagawa ang gusto niya.

Nakatingin lang ang mga kaklase ko sakin na tila ba nanunuod lang sila ng isang munting palabas. Ang inaasahan kong mga tutulong sakin ay wala ngayon dahil may mga kanya-kanya silang bagay na iasikaso na may kinalaman sa kanilang pamilya.

Nawalan ako ng pag-asa ng mga oras na iyon dahil walang gustong tumulong sakin. Kalat na sa buong school ang ginawa ko at lahat sila, kinaiinisan ako. Nagkalat ako ng isang maling chismis na naging dahilan upang pagusapan si Bianca sa loob at labas ng paaralan.

"Bitiwan mo 'ko Bianca! Ano ba!" Sinubukan kong tanggalin sa pagkakahawak ang kamay niya ngunit mas hinigpitan pa niya ang hawak niya.

"Tigilan? Sabihin mo yan sa mga taong hindi pa rin tumitigil upang pagusapan ako! Chismosa ka!" Hinila niya ang buhok ko ng malakas.

"Tama na! Hindi ko sinasadya ang nangyari!" Naiyak na ako dahil sa sakit na ginagawa niya sa buhok ko at pagpapamukha sakin dahil sa maling ginawa ko.

Hindi ko ginustong kumalat ang bagay na iyon. Sa totoo lang, hindi naman ako ang nagkalat nun kungdi ang mga estudyante rin rito sa Sebastian Academy. Sila ang may kasalanan nito. Hindi ako.

Ang tanging sinabi ko lang naman noon ay may namamagitan sa kanila ni Lawrence. Iyon ang nasabi ko dahil iyon ang napapansin ng marami dito sa school. Sa isang tao ko lang iyon sinabi ngunit hindi ko inakalang kakalat iyon na parang epidemya at malalaman ng iba at hahantong sa ganito.

Sana pala ay hindi ko nalang sinabi iyon. Sana pala ay hindi na ako nangialam pa sa kung ano ang mga usap-usapang nagaganap. Kasalanan ko ito. Masyado akong naging kampante sa impormasyong nalaman ko.

Hindi dapat pala ganon.

"Tumigil ka diyan sa drama mo! Nakakairita ka!"

Nanlaki ang mga mata ko nang muli niya akong hilahin habang hawak pa rin ang buhok ko. Hindi ko namalayan na nasa may hagdan na pala kami. Napalunok ako bigla at kinabahan. May ideya na ako sa balak niyang gawin sakin sa mga sandalinh ito.

"Siguro naman pagkatapos nito, magtatanda ka na." Inangat niya ang ulo ko at nakipagtitigan siya habang nakangiti.

"Bianca!"

Napatingin kaming parehas sa lalaking dumating. Si Lawrence. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito nang makita niya ang kalagayan ko. Nakipagtinginan siya kay Bianca ng mga ilang minuto bago niya ibalingnang atensyon niya sakin.

"Anong gagawin mo sa kanya? Wala siyang kasalanan sa nangyari."

"Wala? E sa kanya nga nagsimula ang lahat. Nang dahil sa kadaldalan ng babaeng 'to, pinaguusapan na nila ko ngayon. Puny*ta!" Galit na binitawan niya ang buhok ko at napaupo ako sa may sahig.

Ang sakit ng ulo ko pagkatapos nun. Pakiramdam ko ay konting hila na lang at hihiwalay na ang buhok sa ulo ko. Sobra naman yata itong pagpapahirap sakin ni Bianca. Nagpakumbaba na nga ako sa kanya at humingi ng tawad ngunit ginaganito pa rin niya ako.

Wala siyang puso.

"Anong gusto mong gawin ko Lawrence? Hayaan ang mga taong pagusapan tayo kahit na wala namang tayo talaga?" sarkastikong sabi ni Bianca at mahinang tumawa.

Napailing lang si Lawrence at sandaling tumingin sakin.

"Hindi mo kailangang gawin kay Patricia 'to! Walang may gusto ng nangyari! Wala!" sa tono ng pananalita ni Lawrence, halatang naiinis na siya sa ugali ni Bianca.

"O sige, hindi ko na gagawin sa kanya..." Ewan pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "Sayo nalang," sabi ni Bianca at itinulak si Lawrence sa may hagdan.

Nagpagulong-gulong ang katawan ni Lawrence habang tumatama sa mga baitang ng hagdan. Hindi ko maiwasang mapaiyak habang nakikita ang eksenang iyon. Sa harap ko siya mismo namatay. At nasa harap ko ngayon ang taong may gawa nun.

"Ikaw ang pumatay sa kanya." Napatingala ako kay Bianca dahil sa sinabi niya.

"A-ako? B-bakit ako?"

"Dahil ikaw ang kriminal. Ikaw ang may kasalanan ng nangyari. Isusumbong kita sa mga pulis." Nginisian niya muna ako bago siya tumalikod at umakyat pabalik sa klase na parang walang nangyari.

Naiwan akong magisa sa pwestong iyon na tulala hanggang sa naiyak na lang ako. Tanaw ko mula sa baba ang wala ng buhay na katawan ni Lawrence at ang maraming dugo.

"Hindi ako mamamatay tao. Hindi ako ang pumatay sa kanya."

*END OF FLASHBACK*

Matapos ang araw na iyon, dinala nila ako sa presinto. Ako ang tinurong tumulak kay Lawrence sa hagdan na naging sanhi ng kamatayan niya.

Dalawang araw rin akong nagtiis sa loob ng bilangguan na iyon bago ko tuluyang makalabas. Mabuti na lang at wala silang matibay na ebidensya na ako nga ang may gawa nun. Sira ang cctv ng araw na iyon sa hagdan kaya nakaligtas ako sa habang-buhay na pagkakakulong.

Ang galing talagang umarte ni Bianca habang kinukwento sa mga pulis ang nangyari. Nakita niya diumano ako na tinulak si Lawrence dahil sa sobrang galit ko raw rito. Hindi pa siya nakuntento at kung anu-ano pa ang pinagsasasabi niya na wala namang basehan at pawang kasinungalingan.

Kinabukasan ay doon naman niya ako ginantihan. Tinulak niya ako sa gitna ng kalsada na nagdala sakin sa bingit ng kamatayan.

Live or DieWhere stories live. Discover now