18: Jealous

496 20 3
                                    


Marvin's POV

"L-luiji?"

T-teka. Kilala niya ang lalaking 'to? Sino ba yan? Nakakainis. Bakit sila nagtititigang dalawa? Hindi ba nila alam na nandito lang ako sa may gilid at pinapanuod sila? Bwisit.

"P-patricia?" sabi nung lalaki at ngumiti ng napaka-lapad
Naginit naman bigla ang ulo ko.

"Ikaw nga!" Niyakap ni Patricia yung lalaki at todo ngiti pa rin ang loko.

"Ang tagal mong nawala. Dito ka rin pala nag-aaral? Kailan pa?" Kumalas rin sila sa yakapan.

"O-oo. Transfer ako dito isang buwan na rin. Nice to see you again." Hinawakan nung lalaki si Patricia sa kamay at inalalayang tumayo.

"Salamat, Luiji. Hindi ko akalaing magkikita tayo ulit dito."

Dahil hindi ko na kinaya pa ang selos na nararamdaman ko, umalis ako ng lugar na iyon na hindi nagpapaalam kay Patricia. Parang wala naman na rin siyang pakialam sakin dahil hindi na niya ako pinansin. Nagmistula akong multo kanina dahil parang silang dalawa lang ng lalaking iyon ang naroon.

Badtrip.

Paglabas ko ng school ay pumara ako agad ng jeep at nakasakay naman ako agad. Isinandal ko ang ulo ko at nagsimulang matulog. Malayo-layo pa naman ang biyahe ko kaya tiyak kong hindi ako lalagpas. Gusto ko na agad makauwi at makapagpahinga.

Nagseselos talaga ako sa kanilang dalawa.



Patricia's POV

"M-marvin?" sabi ko nang mapansing biglang nawala si Marvin sa kinatatayuan niya kanina.

"Sino si Marvin?" tanong ni Luiji.

"Yung lalaking kasama ko kanina. Hindi mo ba siya napansin?"

"Ah, siya ba? Kaaalis niya lang. Parang ang init nga ng ulo niya e. Hindi ko alam kung bakit."

Napatingin ako kay Luiji dahil sa sinabi niya. Nakangiti pa rin siya gaya kanina. Masayahin pa rin siya. Wala pa rin siyang ipinagbago.

"Kaklase mo ba 'yon o manliligaw?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya.

"Kaibigan ko lang 'yon. Tara na, uwi na tayo," sabi ko at nagsimula na maglakad.

Napatigil ako nang makarinig ng tila may nakaapak ng basag na kung ano. Nang lumingon ako patalikod ay nakita ko ang bumagsak na ilaw kanina. Pinagmasdan ko ang paligid ngunit wala akong nakitang ibang tao. Baka naman pusa lang iyong may gawa ng ingay na iyon? Maaari. Ngunit iba kasi ang pakiramdam ko. Tila may taong nakatingin samin sa mga sandaling ito ni Luiji.

"Bakit Patricia? May problema ba?"

"W-wala. Guni-guni ko lang siguro iyon," sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Pakiramdam mo ba, may nakatingin satin ngayon?"

"O-oo Luiji. Parang may iba pang tao bukod satin dito. Nakatingin lang siya satin at pinapanuod ang bawat kilos natin," halos pabulong na ang pagkakasabi ko nun sa kanya dahil sa natatakot ako.

Kung si Aira man iyon, nasa panganib kaming dalawa ngayon.

Sa huling pagkakataon ay nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Wala nga. Baka nga wala lang iyong narinig ko. Tinatakot ko lang ang sarili ko sa isang bagay na wala naman talaga. Kailangan ko lang sigurong magisip ng positive para hindi ako nagkakaganito. Marahil dala lang ito ng sobrang pagiisip ko sa mga nangyayari samin ngayon.

"Hatid na kita sa inyo." Tumango lang ako kay Luiji.

"Tara na?" Nilahad niya ang kamay niya at inabot ko iyon.

"Sige," sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Hindi pa kami masyado nakakalayo nun nang lumingon ako ulit dahil hindi ko mapigilan. Natulala na lang ako nang makakita ng isang tao na nakasilip habang nakatingin samin ni Luiji. Ngumiti ang taong iyon hanggang sa bigla na lang siyang mawala sa paningin ko.

"Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako kay Luiji.

Nandito na kami sa kotse niya at nasa unahan ako nakapwesto malapit sa kanya. Diretso lang ang tingin ko at hindi mawaglit sa utak ko ang nakita ko kanina. Sigurado akong si Aira ang taaong iyon. Mahaba ang buhok niya, medyo matangkad ngunit hindi parin sapat iyon upang makilala ko siya. Napaka-misteryoso niya.

Nang paandarin na ni Luiji ang sasakyan ay tumingin na lamang ako sa labas. Susubukan kong alisin ang mga gumugulo sakin para makatulog ako ng mahimbing mamaya. Pakiramdam ko kasi ay mapupuyat na naman ako nito magdamag kakaisip sa mga bagay- bagay.

"Doon pa rin naman kayo nakatira, diba?"

"Oo. Doon pa rin."

"Kamusta na si Tita?"

"Si Mama? Ayos naman siya. Palaging busy sa bahay at sa trabaho niya."

"E si tito? Kasama niyo pa rin ba siya?"

"Hindi na. Nakipaghiwalay na kasi si Papa."

Lumungkot bigla ang boses ko at nagsimulang tumulo ng luha sa mga mata ko. Kapag naaalala ko talaga ang pangyayaring iyon, naluluha na lang ako ng biglaan.

Bata pa lang ako noon nang maghiwalay ang mga magulang ko. Noon ay hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ni Papa iyon ngunit ngayon ay alam ko na. Pinaintindi sa akin ni Mama iyon habang lumalaki ako.

May malubhang sakit si Papa at nakakahawa iyon. Kung magkakasama kaming tatlo ay maaring mahawa kami ni Mama. Nagpagamot si Papa sa ibang bansa ngunit hindi niya kinaya ang operasyon niya na siyang ikinamatay niya. Nakakalungkot.

Wala na si Papa.

"Oh, bakit umiiyak ka?" sabi niya habang pasulyap na tumitingin sakin.

"N-namiss ko lang si Papa."

"Bakit? Diba kasama niyo naman siya sa bahay?" Kung pwede lang sana. Kahit multo lang ni Papa para kasama pa rin namin siya hanggang ngayon.

"H-hindi. Matagal na siyang patay." Pinunasan ko na ang mga luha ko. Masyado na yata akong nagiging madrama nito.

"Sorry for that," sabi niya at medyo lumungkot. "Don't worry, nandito pa naman kami na mga kaibigan mo." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat ng marami Luiji. Sobrang namiss rin kita."

"No problem. Kung kailangan mo ako, nandito lang ako palagi. Pwede mo akong tawagan o puntahan sa bahay anytime," aniya at kumindat pa. Napatawa tuloy ako.

Nang tumingin ako sa labas ay nandito na kami sa bahay. Hindi niya ako pinayagang ako ang magbukas ng pinto dahil siya raw ang gagawa. Sobrang bait pa rin niya talaga. Ganyan na ganyan rin siya noong mga bata pa kami.

"Kitakits nalang sa school," sabi niya nang makalabas na ako.

"Sige. Salamat pala sa paghatid."

Kumaway lang ako sa kanya at pumasok na siya sa loob ng kotse niya. Kumaway rin muna siya bago siya nagsimulang magmaneho paalis.

Papasok na sana ako ng gate nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtext pala si Marvin. Binasa ko ito agad.

Nagseselos ako, Patricia.

Hindi ko na siya nireplayan pa at natatawang pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Kaya naman pala bigla na siyang nawala kanina. Nakakatawa.

Nagseselos ang loko.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon