36: Keep Everything

147 8 0
                                    


Patricia's POV

Nang makababa kami ni Marvin sa trycycle ay nilakad nalang namin papunta sa bahay nina Cyrill tutal malapit na rin naman. Tahimik lamang kami dahil tiyak na tulog ang mga tao ng ganitong oras.

Wala kaming dalang payong kaya ramdam namin ang init habang naglalakad. Napangiti naman ako nang ipahiram sakin ni Marvin ang suot niyang shades upang hindi daw ako masilaw.

Nang matanaw na namin ang gate ay nagmadali na kami upang makapunta na agad. Hindi pa man kami nakakalapit ay isang babae ang nakita namin na kausap ni Cyrill.

Sinenyasan kong tumigil muna kami upang alamin kung sino iyon. Nang lumapit pa kami ng kaunti ay natuklasan naming si Ashly iyon at tila may pinaguusapan silang importante.

Nagkatinginan kami ni Marvin.

"Kailan pa naging close silang dalawa?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Hindi ko alam. Baka naman ngayon lang yan kasi nakikiramay siya sa pagkawala ni Anna Marie."

Posible nga iyon. Siguro nga nais niya lang makiramay at pagaanin ang nararamdaman ni Cyrill.

Napangiti ako nang makitang niyakap ni Ashly si Cyrill bago siya nito pinapasok sa loob ng bahay. Nang makita naming isasara na ang pinto ay lumapit kami agad at sinabing kaibigan kami ng magkapatid.

Hindi na kami tinanong pa ng kung anu-ano at pinapasok na kami ng nakilala naming kapatid ng ina nina Cyrill at Anna Marie na si Aling Donna.

"Gusto niyo bang kumain muna?" alok niya samin na tinanggihan namin agad.

"'Wag na po. B-busog pa po kami," sabi ni Marvin at umupo kami sa bakanteng upuan sa ikaapat na helera.

"Hindi ko pa rin matanggap ang mga pagkawala nila." Bumuntong hininga ako pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

"Una, si Dianne. Sunod, si Prince. Pagkatapos si Lloyd at Anna Marie. Tapos ngayon naman si Caroline. Natatakot ako Marvin. Ayoko pang mamatay." Hindi ko napigilang mapaiyak sa sinabi ko. Agad naman akong niyakap ni Marvin upang gumaan ang loob ko.

Napatingin ang mga bisita dahil sa naging eksena namin ni Marvin. Agad na bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko. Nakakahiya. Baka isipin nila na kami na kahit na hindi naman talaga.

Pinunasan niya rin ang mga luha niya. Umiyak rin pala siya. Ngumiti siya sakin pagkatapos nun bago muling tumingin sa kabaong ni Anna Marie.

"Ayaw mo ba siyang tignan?" Umiling-iling ako.

"Ayoko. Hindi ko kaya."

"Nandito naman ako sa tabi mo. Wala kang dapat na ikatakot." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko ng mahigpit at pinisil.

"Salamat," sabi ko bago kami tumayo at lumapit sa kabaong ni Anna Marie sa unahan.

Malakas ang bawat tibok ng puso ko sa bawat paghakbang ko. Nang makalapit kami ay napaatras pa ako dahil hindi ako sanay. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ako tumingin ako ng tao na nasa loob ng kabaong. Isa iyon sa mga kahinaan ko.

Natatakot talaga ako.

"Ayos lang 'yan." Inakbayan niya ako at muling pinalapit sa kabaong.

Akala ko ay matatakot ako ulit ngunit hindi ganon ang nangyari. Parang naglaho bigla lahat ng takot na nararamdaman ko nang matantong nandiyan lang parati si Marvin sa tabi ko at hindi ako iiwan.

Napatingin ako sa kanya kaya bigla rin siyang napatingin sakin. Nginitian niya lang muna ako bago niya muling pinagmasdan si Anna Marie sa loob ng kabaong.

Maayos ang buhok niya. Naka-make up siya at maganda ang suot niyang damit. Sigurado akong iyon ang paborito niyang suotin dahil bagay na bagay talaga sa kanya. Para siyang prinsesa sa hitsura niya ngayon.

Maganda talaga si Anna Marie.

Sinabihan ko si Marvin na maupo na ulit kami dahil hindi ko na kaya. Hindi naman siya tumutol kaya nang makaupo na kami ay kinuha niya ako ng malamig na tubig.

Nang mahimasmasan ay napagpasyahan kong matulog muna dahil medyo dinadalawan ako ng antok. Sumandal ako sa balikat ni Marvin hanggang sa unti-unti na akong dinadalawan ng antok.

"Sige, magpahinga ka muna."



Cyrill's POV

"Ano bang kailangan mo? Bakit pumunta ka pa dito? Hindi ka pa ba kuntento na wala na ang ate ko? Masaya ka na ba, ha?" Nginisian niya lang ako sa sinabi ko.

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko upang walang ibang makarinig ng paguusapan namin. Mahirap na. Baka isipin ng makarinig ay kasangkot ako ni Aira sa mga kademonyohang ginawa niya.

Baka rin kasi may makarinig na ako ang totoong pumatay kay Ate. Hinding-hindi ko hahayaang lumabas ang sikretong iyon. Ibabaon ko iyon sa limot hangga't kaya ko.

"Masama bang pumunta dito?" Sandali niyang nilibot ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko.

"Sagutin mo 'ko! Anong ginagawa mo dito! Bakit kailangan mo pang pumunta? Nangiinis ka ba talaga, Aira?"

Alam kong hindi ko siya dapat pagtaasan ng boses pero naiinis na talaga ako. Wala naman siyang dahilan ngunit bakit kailangan niya pang magpakita sakin dito?

Nagulat na lang ako nang sakalin niya ako sa leeg ng mahigpit. Hindi ako agad nakahinga kaya sinubukan kong makawala sa kamay niya ngunit mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakasakal.

Halos maluha na ako dahil sa higpit ng hawak niya kaya pinaghahampas ko siya ng ilang beses hanggang sa bitawan na niya ang leeg ko.

Matalim na tumingin ako sa kanya habang hinahabol ang aking hininga. Muntikan na akong matuluyan kanina mabuti na lang at naisipan na niyang bitiwan ako. Akala ko ay katapusan ko na. Salamat at hindi pa ngayon ang sandaling iyon.

"Manahimik ka na lang kung ayaw mong pati ang pamilya mo ay idamay ko. Ayaw mo naman sigurong mawalan ng kamag-anak, diba?" Tinawanan niya lang ang naging ekspresyon ng mukha ko.

"Nakakatawa ka talaga, Cyrill. Ang saya mong paglaruan." Lumapit siya sakin kaya napaatras ako hanggang sa napasandal ako sa pinto.

"Oras na sabihin mo sa kanila ang nalalaman mo, hindi ako magaatubiling tapusin ka at ang pamilya mo. Kilala mo 'ko. Kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko." Mabilis na pinunasan ko ang tumulong luha sa kanang mata ko.

"A-alam ko..." ang tangi kong nasabi bago mapaupo dahil sa panghihina.

Binuksan niya ang pinto at lumabas na ng kwarto. Naiwan akong magisa sa loob habang iniisip ang mga sinabi niya. Wala akong magawang tama sa mga sandaling ito. Kailangan kong magpanggap at itago ang katotohanan mula sa kanila.

"Ate, tulungan mo 'ko..." bulong ko kasabay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon